TW. Abuse
Chapter 59
Suffer
DEXIE's POV
Nagising ako dahil sa kirot na nararamdaman ko sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Bumungad sa akin ang dim na ilaw sa isang maliit na kwarto. Nakabukas ang bintana sa kanang parte ng kwarto at nararamdaman ko ang hangin na pumapasok galing rito. Natanaw ko rin ang dagat mula rito. Tila nasa mataas na parte kami ng lugar.
Kaagad naman akong napatingin sa pinto nang bumukas ito.
"Oh, gising ka na pala." Naningkit ang mga mata ko at kinikilatis ang matandang nasa harapan ko. Familiar siya.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Lumapit ito sa akin habang hawak-hawak ang baston. Tama alam ko na kung saan ko siya nakita.
"Manong, bakit ako narito? At saka ikaw ho 'yung nangharang sa akin noon sa tunnel hindi ba?" Ngumiti naman ito at tumango, at saka umupo sa kama.
"Mahabang kwento, iha. Ang mahalaga ligtas ka." Nakatitig lang siya sa akin kaya naiilang ako.
"Nasaan ho ako?" Pinilit kong tumayo at unti-unting inaalala ang mga nangyari sa akin kung bakit ako napunta rito.
"Mas ligtas ka sa lugar na ito, iha. Masiyado pang magulo sa labas. Hayaan mong ayusin muna nila iyon." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko masundan at maintindihan ang balak niyang iparating. Bakit mas ligtas ako rito kung gayong hindi ko nga alam kung kaano-ano ko siya? O kung bakit nandito ako sa bahay niya? Kung bahay niya man ito, wala akong pakialam.
"Mana ka talaga sa tatay mo." Nagulat ako sa sinabi niya. Napakamisteryoso ng matandang 'to bakit ang dami niyang alam tungkol sa akin?
"Sagutin niyo muna ho ako. Nasaan ako?" Medyo iritadong sabi ko. Kapag hindi pa ako nito sinagot ay baka mabastos ko na siya.
"Villa Hermosa." Matipid na sabi niya at saka tumayo.
"Magpahinga ka muna. Kailangan mo ng maraming lakas." Makahulugang dagdag niya nang akma niyang bubuksan ang pinto para lumabas.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Napakamisteryoso ng matanda na 'to. Kabadtrip.
Humiga nalang ulit ako at dinama ang lamig na namumutawi sa paligid. Dahil sa sobrang tahimik at payapang paligid ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Nang magising ako ay maghahapon na kaya tanaw na tanaw ko ang sunset sa labas.
Lumangitngit ang pinto kaya napatingin ako sa pumasok. 'Yung matanda ulit na nakangiti na naman.
"Kaya mo na bang tumayo, iha? O gusto mong idala ko nalang ang pagkain mo riyan?" Tanong niya nang tuluyang makapasok.

BINABASA MO ANG
The Badass Girl in Boys Town | Book 1
Fiksi RemajaThe Badass Girl in Boys Town | Book 1 HER STORY, THEIR SECRETS She was sent into a town that no one knows except who live in there-a town for boys abandoned by the society. She had to live with different kind of boys, with each of them has different...