Chapter 3

17 2 0
                                    

A/N: Happy New Year, pipz! Salamat sa umabot kayo rito kahit na waley yung story at illustrations ko simula't sapul XD

Sana magustuhan niyo 😊

Unbeta read pa rin kaya kung may mispelled o jumbled yung mga salita, sorna 😅

Raegan on the media po. Alam kong hindi gwapo 😂

------

Klien's PoV

Malas! Malas! Malas talaga!

Sana hindi nalang ako pumasok ngayong araw! Kung hindi lang talaga dahil sa dagdag points, ibibigay ko nalang yung plate ko sa iba para makabalik kaagad ako sa arena! Wala naman akong pakialam sa pagiging Ranggo at baka makakadagdag lang sa problemahin ko yun.

Duda na talaga ako nung binigyan kami ng plated pin nung mga staff. At nagkatotoo nga! May initiation para sa mga first years!

Hindi ito ang unang beses na makasali ako sa initiation pero basag lang ng trip! Nakipagbugbugan na ako kanina, pati ba naman ngayon magbabanat pa rin ng buto?

At hanep lang! Lodi yung nag-aalaga ng kagubatan! Sino ba mag-aakalang sa loob ng paaralang ito, may mga alaga pala silang mababangis na hayop!

Alam kong pinabayaan lang sila dahil may barrier namang nakalagay pero hype lang talaga. Sarap ipakain yung mga staff sa mga 'to!

Kanina pa ako tumaktakbo para maligaw ko ang mga pesteng 'to pero takte! Ang tutulis ng mga tenga!

Napabuntong-hininga ako. "Wala na akong choice."

Huminto ako sa pagtakbo at hinarap ang mga hinayupak na slygers. Tinigan ko ng maigi ang kabuuhan nito.

Parang isang malaking pusa na may maitim na balat at may buto na bumabalot sa ulo nito. Matutulis din ang nga pangil nito.

"Laevantin!" Tawag ko sa device ko. Umilaw naman ito at may nabuong salita sa maliit na screen nito.

Activated.

Saka ko naramdaman ang biglaang paglakas ng kapangyarihang gustong kumawala sa katawan ko.

Umilaw ng pulang glyph sa paanan ko at unti-unting gumapang ang dagitab ng kuryente sa aking buong katawan.

Kzzt! Kzzt!

"Obliterate!"

Bago pa makalapit ang slyger ay ikinumpas ko ang aking kamay at isang paarkong blade ang lumabas kasabay ng bumulusok nito papalapit sa kalaban. Agad namang nahiwa ang slyger. Umungol ito bago naging isang abo at naglaho sa ere.

Napabuga ako ng hangin pagkatapos. Pero bago pa ako makapagpahinga ay may tumalong dalawang slyger na patungo sa akin.

"Tungmama!" Asik ko at nagsimula na na namang tumakbo.

Nakailang hakbang pa lang ako may bumulusok na palaso at kung hindi ko pa iniwas ang katawan ko ay malamang nahagip nito ang plate na nasa kanang dibdib ko. Sumapol sa humabol na slyger ang palaso at parang bombang sumabog ito dahil nahagip nito ang isa pang sylger.

Nakalimutan ko pala, hindi lang ang mga lintek na hayop sa kagubatan ang mga kalaban ko.

Napaangat ako ng tingin ng isa sa mga puno kung saan nagmula ang palasong 'yon. Isang lalakeng may hawak na crossbow ang nakatayo sa

"Ang galing mong umiwas." Anito saka itinutok ulit ang crossbow sa akin. "Pero hindi kana makakatakas sa akin at mapapabilang ako sa Ranggo."

Pero bago pa siya makatira ay isang blade ang humagip sa kanyang pin na nasa kanyang buhok dahilan upang masira ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon