Chapter 2

23 2 0
                                    

A/N: Unfortunately, this is not beta read since my friend is busy. I might also not be able to post every week on the spot since we also have activities to make this holiday break. Advance Merry Christmas everyone 😊

Phyre on the media

-----

Drei's Pov

"Ang boring."

Napalingon ako sa bagong kapapasok na lalake sa rooftop, humikab pa ito at parang antok na antok pa. Dito kasi ang tambayan namin mula nung pumasok kami sa academy mula nung first year sa junior high. At ngayong bagong pasukan bilang first year sa senior high, dito din namin naisipan na magkikitang magkakabarkada.

"Lalim ng tulog natin ah." Sabi ko kay Tob.

"Mmm." Tango niya saka umupo sa katabing bench na kinauupuan ko. "Hindi kasi kami nagkasabay ni Blaire."

Tobias Graize, ang isa sa pinakamatinik pagdating sa chicks. Lahat yata ng babae napapalingon sa kanya. Sa kasawiang palad, may nagmamay-ari na ng puso niya. At yun ay si Blaire, ang girlfriend niya ng tatlong taon.

"Aysus, magdamag naman kayong nagkausap kagabi." Iiling-iling na sabi ko.

"Sa device lang kami nagkakausap, hindi sa personal." Asik niya. "Miss ko na siya."

Ah, nag LDR pala ang dalawa nung bakasyon. Wala din silang oras para bumisita sa isa't isa dahil may mga responsibilidad din kaming inuuna.

"Magkikita naman kayo mamaya. Oh baka habang nasa initiation." Ngiti ko nalang sa kanya.

"Ah, oo nga pala. Maghahanap na din ulit ng bagong set ng mga Ranggo mamaya." Saad niya. "Excited na ako!"

Ang Ranggo ay grupo ng mga tao na nagpapanatili sa kapayapaan at kaayusan ng buong kaharian. Sa paaralang ito, hinahasa na ang mga piling estudyante bilang mga Ranggo at maging simbolo't modelo sa kanilang kapwa estudyante. At pinipili lang iyon sa pamamamgitan ng Entrance Initiation kada taon. Sampung spot kada year level ang pinipili para maging Ranggo pero dahil sa dami ng mga estudyante rito ay halos makipagpatayan na ang mga ito makakuha lang ng posisyong iyon. May benepisyo rin kasi kapag nakapaggradute ka bilang isang Ranggo at yun ang hinahangad ng marami.

"Sana naman hindi ako matalsik." Asik ko. Medyo tagilid kasi ako at halos na sa pinaka huling spot.

"Hindi ka naman matatalsik bilang ranggo kung magseseryoso ka lang."

Napalingon kaming dalawa ni Tob sa boses na yun. Nakatayo sa pinakadulo ng barrier ng rooftop ay isang lalaking maitim ang buhok na may kulay lilang mata.

Okay para na akong bakla nito, aish!

"Dahil kung gugustuhin mo lang, kahit ang pinakamalakas na Ranggo ay kaya mong kunin." Dagdag pa nito.

Ngumuso ako. "Seryoso naman ako palagi."

"Raegan! Sa wakas! Andito ka na rin!" Masayang pahayag ni Tob. Lumapit kaming dalawa rito ng bumaba ito at nakipag brother's hug.

"Hindi ka ba pagagalitan niyan? Di ba bawal lumipad sa ere kung walang pahintulot?" Nag-alalang tanong ko.

"Bahala sila." Ungot nito. "Ayokong pumasok sa gate mismo. Andaming nag-aabang sa entrance gate palang."

Bahagya kaming natawa ni Tob. Buti nalang talaga at maaga akong pumasok kundi dudumugin na naman kami ng mga reports na isyu lang ang hanap sa aming pamilya. Tsk!

"Hmph! Kung bakit kasi nainvolved yung papa mo sa insidente nung isang buwan. Balita ko may missing raw dun." Sabi ni Tob.

"Sila kasi ang major sponsor nung ginawang expedition." Sagot ni Reagun. "Pero ang sabi sakin, inoobserbahan pa yun nila hanggang ngayon ang insidente at wala pang opisyal na pahayag. Hinahanap pa rin nila yung civillian collaborator na missing dahil sa pagkakaalam ko, siya ang witness mismo bago ang pagsabog."

ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon