Chapter 1

29 3 0
                                    

A/N: Yung mas matagal natapos yung art kesa sa chapter. 😂 I'm doing both so please bear with me. Trip ko 'to kaya panindigan 😂.

Klien Kanzaki, on the media.

------

Klien's PoV

"Bwisit!"

Isa sa mga hoodlum na sugatan ang sumigaw at sumugod ulit sa akin. Hinarangan ko naman ito bago ibinalibag siya ulit sa lupa. Kahit kelan ang bobobo ng mga 'to.

"Magbabayad ka sa ginawa mo!" Sigaw niya.

Masamang napatingin ako sa kanya. "Ang galing niyo rin eh, no?" Sabi ko. "Ang yabang niyong mangharas ng babae tapos iiyak-iyak sa konting sapak. May saltik din kayo sa ulo, ano?"

Naputol ang iba pang sasabihin ko ng biglang magring ang device sa kamay ko. Pinindot ko naman ito pero sinet ko lang sa voice call.

"Yo!" Masiglang bati ko sa tumawag.

"Where the hell are you!?" Napakislot ako sa biglang pagsigaw ng kausap ko. Sinipat ko ulit ang device sa kamay ko at sinigurong siya nga ang kausap ko.

"Hoy, ano bang kinagagalit mo diyan? Kanina pa nga kita hinihintay." Napalabing reklamo ko kahit alam kong hindi niya ito nakikita.

"Aba, eh, nauna ka nga pero wala ka naman sa pwesto kung saan tayo magkikita ah?" Pambabara niya. "Saan ka ba nagsusuot na babae ka?"

Bago pa ako makasagot, sumugod uli yung isa sa mga hoodlum kaya napaiwas ako saka sinipa siya. Malakas ang pagkasipang yun kaya tumilapon siya sa isang kumpol ng wooden box at nabasag yun na gumawa ng ingay...

...na magpapahamak sa akin dito sa kausap ko.

"Ano yun?" Biglang tanong niya.

"W-wala!" Peste ba't ako nauutal? "Guni-guni mo lang yun."

Pero parang hindi kombinsido ang kausap ko. "Nakikipagbasag-ulo ka na naman ba?"

Napalunok ako sa tanong niya. Hindi talaga ako makalusot sa kanya. Kahit pa nung bata pa kami.

"Hoy---"

*toot*

Pucha, ako naman si bobo, pinatay ang tawag. Lagot na naman ako nun!

Masamang tingin ang iginawad sa grupong nasa harap ko. Nanghihina na sila at mukhang hirap ng tumayo. Sinipa ko ang isa sa kanila.

"Luhod!"

Ungol lang ang narinig ko kay sinipa ko ulit ito at sumigaw. "Kayong lahat, luhod!"

Mabilis na nagsiluhuran ang mga ito at tinignan ko sila isa-isa. "Alam niyo bang pahamak kayo? May inaantay akong kaibigan pero mga trip niyo? Sa tingin niyo lahat ng babaeng napagtripan niyo ay ganyan talaga kahina? Paano nalang pala kung mamamatay tao ako edi tigok kayong lahat?"

Napayuko sila sa sinabi ko. "'Pag nakita ko pang yang pagmumukha niyo---"

"Wala kang magagawa dahil wala kang gagawin." Biglang sabat sa likod ko.

Inis na lilingon sana ako para pagalitan ang pontyo pilatong pumutol sa sasabihin ko pero isang kamay ang bumungad sa akin at malakas na hinila ang tenga ko.

"Araaaaaaaaaay!" Naiiyak na sigaw ko.

"Abnoy ka rin, no?" Sabi ng isang babaeng blonde ang buhok. "Unang pasok nating sa bagong paaralan pakikipagbasag-ulo na inaatupag mo."

Natigilan ako ng bigla niyang sinabi yun. Ba't nawala kaagad yun sa isip ko? Tsk! Kung bakit kasi ako pa napagtripan ng mga gunggong na 'to?

Napahawak kaagad ako sa tenga ko ng bitawan niya ito at tinignan ang mga nagsiluhurang hoodlum sa likod ko. Sumipol pa siya saka bumaling sakin.

ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon