So, friends?

34 1 0
                                    

After another 4 subjects, nag-dismiss na ng klase yung prof ko. Medyo late na nga eh, sana may last trip pa, maaga kase nauubos yung mga sasakyan dito. Hay! Sana umabot pa ko. Kaya nagmadali na'kong ayusin yung mga gamit ko.

Naglalakad nako sa hallway ng biglang may nagsalita.

Hello Miss Zoe..”

Ayy anak ka ng mama at papa mo!” napasigaw ako with matching tili pa sa sobrang gulat. Langya kase to si Jan eh -____-

“You're right! Anak nga ako ng mama at papa ko!” natatawang sambit ni Jan.

“Jan, look! Nagmamadali nako kaya I don't have time for this!” okay, naiinis na ko. Lord naman eh! Andami kong pinagdadaanan ngayon, bakit may napakakulit pa kong kaklase na walang ibang ginawa kundi inisin ako? Erase! Erase pala Lord kase mabait siya konti, diba nga tinulungan niya po ako nung kamuntik nako masubsob? Pero kase ang kulit talaga eh. Hays -_-

Oyy wait! Sorry na, di nako magiging makulit. Gusto ko lang naman makipag-friends eh.” akmang aalis na ko ng bigla niya kong hinawakan sa kamay. At pagharap ko sa kanya para siyang batang nagmamakaawang bilhan ng kendi. At may pa-pout-pout pang nalalaman to.

“Eh, bakit ba kasi?! Nagmamadali na nga kase ako Mr. Iñigo Jan!” madiin na sabe ko, madiin! With feelings! Ganern!

Samahan na kita!” kumikislap pa yung mga mata niya habang sinasabe niya yon. Haha para talagang bata.

Hindi nako nagpapilit pa at hinayaan nalang siyang sumunod saken, nagmamadali nga kase ako -___-

At pagdating namen dun sa terminal. Wow! Just wow -_- naiwanan lang naman ako ng last trip. Hay nako!

Sa sobrang inis ko, halos maglupasay nako doon. Yung para bang bata na pinapadyak-padyak yung paa. Haha!

Hahahahahahahaha! Grabe! Nakakatawa ka!” malakas na tawang narinig ko na lalong nagpa-bwiset saken.

“So? Masaya kana? Naiwanan ako ng last trip! Okay na? Ha? Happy now?” ang sama talaga ng lalakeng to. Hays

“Nooo! Hindi ganoon! Natuwa lang ako coz you're acting like a kid.” pagpapaliwanag niya.

Paano nako? Pano ako uuwi? Malamang nag-aalala na saken si ate. Gabi na din eh.” kukunin ko sana yung phone ko para maitext si ate tungkol sa kamalasang nangyari saken, pero lowbat yung phone ko. Ang saya diba? Hooooo grabe!

“Would you mind if ihatid kita? May auto ako!”

“Okay lang ba? Nakakahiya eh! No, maglalakad nalang ako!” sagot ko sa alok niya.

Ayy baliw nga! Malayo yon! Kaya halika na! Daliiii!” hinila niya ko papunta sa kung saan.

“Pero bago tayo umalis, kumain muna tayo. May fastfood chain dito eh, masarap din naman food nila. Treat ko!” dagdag pa niya. Well, di nako pumalag. Gutom na din naman ako.

Sa Mcdo kame napadpad. At dun na nga kame nagdinner. At napakadaldal lang talaga ng lalakeng to.

So.. I heard you're from States, right?” mausisang tanong ni Jan.

Yes!” matipid na sagot ko.

Pero baket ka umuwi dito? Hindi ba masaya naman din sa States? ang kulit niya talaga.

Medyo private na yung reason.” sagot ko.

Ahm.. okay, sorry. Pero baket ang galing mong managalog? Eh diba? Sa States kana lumaki?” paano niya nalaman na doon ako lumaki? Nakakaintriga tong lalakeng to huh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baby, you fixed me ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon