Yeeeeyyyy! May surprise ako kina mama at papa! Siguradong matutuwa sila nito. Nagpalit muna ako ng pambahay tapos kinuha ko yung card ko sa bag.
Lalalalala!! Lalalala!
"Kayo po ba si Fernando Gonzaga?"
Sino kaya yung kausap ni Papa? Sumilip ako sa bintana ng kwarto. Tanaw na tanaw mula dito yung pintuan namin papasok ng bahay. Isang matandang lalaki at isang mukhang binata yung nandun, nakangiti sila kay Papa. Malugod silang pinapasok sa bahay.
Pinsan ko ba si kuyang binata tapos si kuyang matanda yung tito ko? Pero bat di nila kilala si Papa? Ahh. Baka kapatid yun ni mama.
Tumakbo ako papuntang aparador para magbihis. Kinuha ko yung regalo sakin nina Papa noong kaarawan ko. Ito yung pinakabago kong damit tsaka pinakamaganda. Color pink nga e. Sinuot ko rin to nung nagsimba kami, Christmas party, Pasko, New Year, tsaka valentines. Ang ganda talaga!
* bang *
* bang *
"Ano yun?" Napatakbo ako papalapit pero hindi ko nagawang lumabas ng kwarto.
"Nasaan si Ziemlich?!" Ikinubli ko ang sarili ko sa likod ng pinto na bahagyang nakasara, sumilip ako sa maliit na butas nito.
May hawak na baril yung mga lalaki at matalim ang tingin nila kina mama at papa. Ipinulupot nung binatang lalaki yung kamay nya sa leeg ni mama tsaka tinutok ang baril sa sentido nya.
"Ilabas nyo na si Ziem." Mahinahon nyang sabi.
"Sino bang Ziemlich ang sinasabi nyo?" Naiiyak na sagot ni Mama.
"Yung batang kinuha nyo kina Mr. Gandle." Iritang-iritang sabi nung matanda.
"Hindi namin alam ang sinasabi nyo." Wika ni papa.
"Parang awa nyo na. Wala dito ang batang hinahanap nyo." Dagdag nya na halos lumuhod na.
"Ilabas nyo na." Sabi nito.
"Wala sya dito baka nasa kabilang baryo. Maraming tao roon baka nandun yung Ziem na hinahanap nyo."
Wow. Ang tapang pala ni Mama. Siguro kung ako yung tinututukan ng baril baka umiiyak na ako ngayon o kaya naman nahimatay na ko sa sobrang takot. Pero medyo nanginginig yung boses nya.
*bang*
"Ma!!!" Napasigaw ako nung makita ko yung dugo mula sa ulo nya. Tumakbo ako palabas ng kwarto.
"Akala ko ba hindi nyo alam ang sinasabi ko." Sabi nung matanda.
"Anak namin sya."
*bang*
Isa pang putok ng baril ang bumalot sa sistema ko.
"Pa!!"
Isang hakbang na lang ang layo ko mula kay Papa na nakahandusay sa sahig.
Hindi ko pa nasasabi sa kanila yung gusto kong sabihin. Niyakap ko si Mama.
"Pa. Wag mo ko iwan.. Ma.." Isang malaking braso ang bumuhat sakin.
"Bitiwan mo ko! Ang sama-sama mo!" Pinalo palo ko yung kamay nya.
"Ibalik mo ko kina Mama!" Sigaw ko pa.
*bang*
Isa na namang putok ng baril ang umalingawngaw. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak sakin at bigla syang natumba. Hindi ako makagalaw dahil sa malaking taong nakadagan sa akin.
Ano bang nangyayari? Bakit nila pinatay ang mga magulang ko? Sino yung Gandle? Sino yung Ziemlich? Bakit kami nadadamay sa gulo nila? Mamamatay na rin ba ako tulad nina Papa? Sana nga mamatay na rin ako para magkakasama pa rin kami.
****
Tatlong buwan akong nakatulog. Tatlong buwan na nakahiga lang at inaalagaan ng mga nurse at doktor. Sa hospital na iyon ko nakilala sina Mr. and Mrs. Velasco kasama ang kambal nilang anak. Sila ang may-ari ng hospital, at ayon sa mga nurse madalas nila akong dinadalaw noon. Sa anong dahilan? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, sila ang kumupkop sa akin. Pinag-aral nila ako sa maayos na paaralan, minahal at inalagaan na parang tunay nilang anak. Lahat ng hindi magandang nangyari sa akin ay napalitan ng mga magagandang alaala. Pero tulad ng mga magulang ko, iniwan din nila ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung sino. Hindi ko alam kung saan at paano iyon nangyari. Ang alam ko lang, simula noon. Nawala na yung mahinang Ruby. Yung Ruby na walang nagawa nung pinatay ang mga magulan nya sa harap nya.
Mata sa mata. Ngipin sa ngipin.
Buhay para sa buhay.
O mas dapat kong sabihing...
The show must begin.
Magsisimula pa lang ang tunay na labanan.
Buhay ang kinuha nila sa akin kaya buhay din ang kapalit.
This is a game with a tricky twist at kung sinu ang malaglag siya ang talo at mkakatanggap ng napalaking surpresa.
BINABASA MO ANG
Welcome to Hell
ActionAkala ko simple lang ang buhay. Isang mundong puno ng mga mapagmahal at mabubuting tao. Pero mali. Ninakaw nila sa akin ang lahat. Ang malinis na puso ng musmos na bata. Ang inosenteng isipan nito. at simula ng araw na iyon, binuksan nila ang daan p...