WtH3

9 1 0
                                    

Nag-uunat at humikab pa ako bago bumaba ng hagdan.4:00 ng umaga pa lang at tulog pa ang kambal. Kinuha ko ang phone ni Mr. Soriano sa ilalim ng kama ni Sapphire. I decided to go to my room.

Mayroon kaming sariling kwarto pero napagpasyahan naming magpagawa ng kwartong sama-sama kami. We usually kept our things in our private place but we slept together. Mas madali rin naming mapoprotektahan ang isa't isa kung magkakasama kami.

My room was full of black and white stuffs. Mayroon akong tatlong drawers. Isa para sa mga files ng iniimbestigahan namin, isa para sa mga potion na ginagawa ko at isa para sa mga balang nalagyan ko na ng lason. Mas malaki ang espasyong inilaan ko para sa mga weapons na koleksyon ko kaysa sa walk-in closet ko. Mayroon ding lugar para sa mga teddy bear. Ayoko ng mga teddy bears! I really hate them. Nag-iipon lang sila ng dumi at alikabok. Mayroon ding gamit ng mga normal na kwarto ang kwarto ko.

Napatingin ako sa phone na hawak ko. Maaaring matrack ni Amethyst ang user nito pero... Ughhh. Ano ba yung P113 na yun?!

Kinuha ko lahat ng files ng mga nagtatrabaho sa Gandle, specifically yung mga napatay na namin.

Ilang folders na ang natapos kong basahin pero hindi ko pa rin maisip kung ano ang codes na to. Palagi silang nagpapalit ng porma ng codes. Nakalimang folder na ako pero wala pa rin akong hint. Then I found Mr. Soriano's files.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko na ang sagot. Alam ko na kung ano ang mga codes na iyon.

****

"Pupunta tayo sa Palawan." I stated before taking a sip of my hot choco.

"Really?" Tuwang-tuwang tanong ni Sapphire.

"Yeah. Call your gang kailangan natin ng tulong." Seryoso kong wika.

"Alam mo na yung code?" Nanlalaki ang matang tanong ni Amethyst. Hawak nya ang kapirasong tinapay na may palamang cheese.

"Yep." Maikli kong sagot.

Kumuha si Sapphire ng chips at binuksan iyon.

"Ang aga-aga nagjujunkfood ka!" Singhal ni Amethyst tsaka kumagat sa tinapay nya.

"Mind your own business tweenie!" She said sarcastically before sticking her tongue out.

"Whatever!" Hinarap ako ni Amethyst at uminom ng kape.

"When? Where? How?" Sunod-sunod nyang tanong.

"Kaninang umaga. Sa kwarto ko. Binasa ko lang yung mga files nila." Nakangiti kong sagot. Napangiti rin si Sapphire na orange juice ang nilalantakan.

"Sounds fun. Magpapabook na ba ako?" Tanong nya.

"Yeah. Amethyst itrack mo ang may-ari ng phone number na ginamit dyan." Initsa ko sa kanya yung phone kanina.

"A-huh." Nakangiti syang tumakbo paakyat.

Hinugasan ko yung ininuman namin.

"Ruby. May mga grupong papuntang Palawan pero magkakaiba ang destinasyon nila." Tumango ako.

"Okay lang iyon." Sabi ko.

"Sa ika-11 hotel ng mga Gandle. 3 araw. Sa loob ng tatlong araw pwedeng maganap ang transaksiyon." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Okay. Private plane?" She asked.

"Of course. Bukas ng umaga makakatanggap tayo ng imbitasyon kaya bukas din tayo kikilos papunta sa Palawan."

Tumango-tango sya. Bumaba si Amethyst ng nakayuko. Yung bangs nya nakatakip sa

"Isang linggo ng hindi ginagamit ang number na yun." Halatang pissed off sya. Tinawanan ko sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Welcome to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon