Regrets Of A Broken Heart

10.3K 174 1
                                    

She didn't believed him. She hurt him. She dumped him like a trash.

But it came to her knowledge that everything was a lie. She ran after him. But it was too late. He's gone and nowhere to be found.

Pinangako niya sa sarili nya na babawi sya. And this time, she'll trust him. Fight for him. And love him with all of her being...

5 years later. He was back.

But gone.

He's a total stranger. He was transformed into to a monster.. Wala na ang lalaking minahal nya..

And now, he doesn't believe anything that she says. He doesn't trust her. He dumps her every now and then.

And she's agonizing with regrets.

Kaya pa ba nya? O hanggang sa huli ay mananatili na lang syang nagsisisi?

********************************************************
HER REGRETS.......

Napatingin ako sa wall clock na nasa kwarto namin ni Enzo. Pasado ala una na ng madaling araw ngunit wala pa rin ang asawa ko ...

Napabuntong hininga ako. Kahit hirap akong kumilos dahil malaki na ang aking tiyan ay tumayo ako mula sa kama. Hindi ako mapakali. Bakit wala pa sya? Kung anu ano na ang pumapasok sa isip ko. Pilit kong pinapalis pero hindi ko mapigilan.

Pano kung may nangyari na sa kanya? Hindi sya nagrereply o sumasagot man lang sa tawag ko. Hindi ko naman madalasan ang pagtawag dahil siguradong magagalit sya. Masakit mang isipin pero malaki ang posibilidad na nasa kandungan na naman sya ng babae nya.

I smiled bitterly. I am damn hurt. But I need to endure. Kasalanan ko naman kung bakit sya nagkaganyan. He became a MONSTER. And it's because of me. I was the one who created that monster.

Napapikit ako ng mariin ng maalala ang nakaraan.

Masaya naman kami noon. Simple lang ang lahat. Pero dahil sa kagagahan ko. Nasira kami. Nasira kaming lahat.

Batid kong maraming umaaligid sa isang Lorenzo Iñigo Tuazon.

Gwapo. Hot. Mayaman. Gentleman. Sweet. Maalaga.

Kung perfect boyfriend din lang naman ang hahanapin, walang dudang sya iyon.

Nasa 4th year college kami nung niligawan nya ako. Noong una ay hindi ko sya pinapansin. Sino ba ako? Siguradong pinagtitripan nya lang ako. Maybe he's bored. Kaya nag try sya ng isang plain, boring at simpleng Lauren Denise Dela Riva.

Actually, I have a crush on him since we were freshmen. Pareho kaming Business Ad pero magkaiba kami ng major, Management sya at ako nama'y Marketing. Gayon pa man, nagiging magkaklase pa rin kami sa ibang subjects. But I suppressed my feelings for him. Alam kong hindi nya ako magugustuhan. Lahat ng mga naging girlfriends nya ay may pagkakapareho. Rich. Beautiful. Sexy. Yung tipong pang beauty pageant o pang model ba. At hindi ako ganon. Kaya tinago ko na lang yung pagkagusto ko sa kanya.

At nung 4th year na nga kami. He started hitting on me. He even asked for my dad's permission to court me. He was so persistent kahit pa sinusungitan ko sya. I saw how sincere he was and told me that he was so in loved with me.

After 3 months of courtship, I finally said YES.

At hindi ko pinagsisihan na sinagot ko sya. Kahit kami na ay nililigawan pa rin nya ako. He always made me feel so loved and cared. And that makes me fall so hard, more and more each day. It was a full bliss.

Maraming hindi natuwa nang maging kami. Bakit daw ako? Eh wala naman akong panama sa mga naging ex nya at sa mga babaeng umaaligid sa kanya. But he always defended me. He is so proud that I am his girlfriend. Lagi nya akong pinagmamayabang sa mga kaibigan nya. At pinangangalandakang mahal na mahal nya ako. He always pulled surprises kahit walang okasyon. Mahilig sya sa PDA. Sinasaway ko nga kasi nakakahiya talaga. Pero yun daw ang paraan nya para bakuran nya ako. He really loved me that much, I can say.

Regrets Of A Broken Heart : A Short Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon