INIHIMPIL ko ang scooter na sinakyan ko at nagmamadaling bumaba mula roon para tumakbo paakyat sa hagdan patungo sa entrada ng simbahan.
I drove there in my pajamas and disheveled hair. Malamang ay may muta pa ako sa mga mata. Ni walang hilamos at toothrush at baka nga may dried drool pa ako sa gilid ng mga labi. But who cares? I needed to stop a wedding! Kung igu-groom ko pa ang sarili ko pagkagising ko kanina bago pumunta roon ay wala na akong aabutan. Wala na akong mapipigilan pang kasal.
Oo, nandoon ako para pigilan ang "wedding of the century." Ang pag-iisang dibdib ng elitistang si Cara Miranda at ng isa sa heirs ng Villaroman Empire na si John Paul Villaroman.
JP... He was my boyfriend for eight years. Eight long years. Napakahabang panahon kaming nagmahalan kaya hindi ako makapapayag na magpakasal siya sa ibang babae. He was supposed to be mine!
A year ago, nag-propose siya sa akin ng kasal at dapat sa mga oras na ito ay kasal na kami at baka may laman na ang sinapupunan ko. Five months ago pa ang date ng wedding namin. Hindi iyon natuloy dahil... dahil sa isang pangyayaring hindi ko pa rin maalala hanggang ngayon.
I just woke up a week ago and found out that my life had suddenly changed. I had an accident and developed a strange amnesia. Nawala ang alaala ng isang taon ng buhay ko. Kaya hindi ko maalala kung paano nagkaganoon ang buhay ko. I practically lost everything, including the man I loved.
But no, I could not lose him completely and forever. I would snatch him back! He belonged to me. Kaya kung kinakailangang sirain ko ang "wedding of the century" na iyon ay gagawin ko.
Bubuksan ko na sana ang nakapinid na dalawang malaking panel ng pinto ng simbahan nang may humagip sa balikat ko. Isang lalaking may malaking bulto at nakasuot ng dark sunglasses ang nalingunan ko. Nakasuot ito ng barong. Malamang ay isa sa bodyguards ng chairwoman ng VillaGracia Group of Companies na siyang lola ni JP o ng mga magulang ng bride.
"Saan ka pupunta?" matigas na sita ng bodyguard na halatang hindi makapaniwala sa hitsura ko. Iniisip sigurong isa akong homeless person.
"Obvious ba?" hindi nagpatinag na sagot ko. "Sa loob."
Hindi ako natatakot sa pumuputok na muscles ng lalaking ito. Hindi nga ako natakot na lumabas ng bahay na ganoon ang hitsura at hindi pa nagtu-toothbrush, ang maharang pa kaya nito? Na-anticipate ko na ito. Alam kong may magiging balakid sa gagawin ko pero wala akong balak na magpapigil. Nilinga ko ang paligid at may nakita akong isa pang bodyguard na nakatayo sa di-kalayuan pero mukhang busy ito sa pagpindot sa cellphone.
"Hindi banyo 'yang papasukin mo, miss. Simbahan 'yan."
"Alam ko."
Bahagyang ngumiwi ang bodyguard. Iniisip siguro na hindi lang ako isang homeless person kundi isang baliw na pakalat-kalat na rin. "Hindi ka puwede rito. May ikinakasal."
"Alam ko rin 'yan." Tinapunan ko ng tingin ang kamay nitong nakahawak pa rin sa braso ko. "Bibitiwan mo ba ako o sisigaw ako rito at mag-eeskandalo?"
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. "Ano'ng sabi mo?"
"Don't make me repeat myself," banta ko rito na may kasamang piercing look.
Nagbuga ng hangin ang lalaki. Kung makatingin ito sa akin ay parang isa lang akong kutong mabilis lang nitong matitiris. Lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin nito. Hinila ako nito palayo pero kahit isa lang akong "kuto," nakalimutan yata ng bodyguard na literal na bloodthirsty ang isang tulad ko at kaya kong manipsip ng dugo.
Kinagat ko ang kamay ng lalaki kaya nabitiwan ako nito. Hindi ko sinayang ang saglit nitong pagka-sidetrack. Mabilis kong tinuhod ang crotch nito. Agad na napauklo ang bodyguard. Siya namang pagbukas ko sa pinto ng simbahan.
Bumungad kaagad sa akin ang tanawing ayaw kong makita—si JP, nakasuot ng tuxedo at may katabing babaeng nakasuot ng puting traje de boda sa harap ng marriage officiating priest sa altar ng simbahan. Pakiramdam ko ay nadurog ang puso ko nang ma-realize na maaaring nahuli na ako ng dating. Pero nang magsalita ang pari ay mabilis na nabuhay ang dugo ko.
"If anyone can show just cause why this couple cannot lawfully be joined together in matrimony, let them speak now or forever hold their peace."
This was it! Hindi ako nahuli ng dating dahil talagang nakatakdang mapigilan ko ang kasal na iyon. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis akong lumakad sa aisle at tumigil sa gitna niyon.
"Me!" sigaw ko, sabay taas ng kamay.
Nagtinginan sa akin ang lahat ng naroon. Nang lumingon sa akin ang bride at groom ay sinalubong ko ng determinadong tingin ang nanlalaking mga mata ni JP. Halatang hindi siya makapaniwala na naroon ako at nanggugulo sa kasal niya.
But this was supposed to be our wedding! He was supposed to be my groom. Ako dapat ang nakatayo sa tabi niya nang mga oras na iyon. Kami dapat ang magpapalitan ng "I do."
Kukunin ko lang ang para sa akin. Hindi ko kayang hayaang magpakasal si JP sa maling babae. Itatakbo ko ang groom palayo sa simbahang iyon sa ayaw at sa gusto ng bride.
"I object!" malakas na sabi ko.
Narinig ko ang singhapan sa buong paligid. Alam kong hindi lang dahil sa ipinahayag kong pagtutol sa kasal kaya sila nagulat kundi dahil sa hitsura ko. Lahat nga naman ng nasa engrandeng pagtitipong iyon ay dressed to the nines pero heto ako at naka-"woke up like this" look.
"Can you tell us," tanong ng pari," why you object to this wedding?"
Napalunok ako. Ano nga ba ang sasabihin ko?
AUTHOR'S NOTE: This novel is now available to order. To get a copy, please go to my profile/bio for the link to the order form. Thank you!
BINABASA MO ANG
Snatch The Groom
RomanceNow available in print book and in ebook format. See the details in my bio/profile on how to order I woke up one day and found out how my life had changed suddenly, shockingly. Wala na akong bahay. Wala nang trabaho. At higit sa lahat, wala nang lov...