UMALIS na ang doktor at maging si Pepay pero nakatulala pa rin ako at hindi makapaniwala sa nagaganap. Apparently ay nagka-amnesia raw ako. Nawala sa alaala ko ang isang taon ng buhay ko. Ang huling na-store sa memory ko ay ang eksena kung saan magkasama kami ni JP sa bagong condo unit niya.
Lahat ng pangyayari sa buhay ko sa nakalipas na isang taon ay burado sa isip ko. Kaya wala akong ideya sa lahat ng mga sinabi ni Pepay. Hindi ko alam na nasisante ako sa trabaho, ginawa kong collateral sa bank loan ang bahay na siyang tanging iniwan sa akin ng nanay ko, niyaya ako ni Chona na mag-invest sa isang kompanya pero na-scam lang kami at nawalang parang bula ang perang inutang sa bangko, pinagtaguan ako ng best friend ko, nailit ang bahay ko at... hiwalay na kami ng fiancé ko.
Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng isang taon dahil wala akong maalala. Hindi raw masasabi ng doktor kung kailan babalik ang mga alaalang nawala sa akin o kung mare-retrieve ko pa ba ang mga iyon. Puwedeng mawala na nang tuluyan ang mga iyon.
Hindi ako makapaniwala kung paanong sa isang iglap ay nagbago ang buhay ko. Ang huling alaala sa isip ko ay napakasaya at perpekto ng buhay ko pero ngayon ay para akong nahulog sa isang malalim at madilim na bangin, nag-iisa at walang makatutulong.
Ang puting kisame kung saan ako nakatitig ay biglang naging itim. Suddenly, I was in a complete mess. My life was ruined. Walang trabaho, walang bahay, walang kaibigan at walang love life. At ni hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng isang taon.
Bakit ako nasisante sa trabaho?
Bakit ako pumayag na gawing collateral ang bahay ko kahit alam kong iyon na lang ang tanging naiwan sa akin ng nanay ko?
Bakit ko naisipang mag-invest sa isang negosyo nang wala naman akong pera?
Sino ang walanghiyang nang-scam sa amin ni Chona?
Paano ako nagawang iwan ng nag-iisa kong kaibigan?
Bakit... bakit kami naghiwalay ni JP?
Ang sabi niya, ako lang ang babaeng mamahalin niya sa buong buhay niya kaya hindi ko maintindihan kung paano niya ako nagawang ipagpalit sa iba. Kung hindi pa ipinakita sa akin ni Pepay ang prenuptial photos ni JP at bagong fiancée, hindi pa ako maniniwala na hindi lang ako pinagti-trip-an nito.
Hindi mawala sa isip ko ang ngiti ni JP sa mga larawan. He was happy. He was happy that I was out of his life now.
Ano ang nangyari? Bakit ako iniwan ni JP? Paano niya nagawang kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin? Paano niya naatim na itapon lang nang ganoon ang walong taon para sa babaeng iyon?
Did that bitch seduce him? Inagaw ba nito sa akin ang boyfriend ko?
Nagbago ba si JP dahil nagbago na ang kapalaran niya? Na-realize ba niyang magkaiba na ang mundo namin? Na mas marami siyang makikilalang ibang babaeng mas higit pa sa akin dahil mayaman na siya?
"I love you, Dallie. Ikaw lang ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko at wala na akong ibang mamahalin kundi ikaw lang. Gusto kitang makasama habambuhay..."
Namalayan ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko habang binabalikan sa isip ang araw na nag-propose sa akin ng kasal si JP. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga salitang binitiwan niya. Ang akala ko, habambuhay ko nang makakasama si JP simula nang araw na iyon. Nagkamali ako.
Hindi totoong wala na siyang ibang mamahaling iba kundi ako lang dahil iniwan na niya ako para sa ibang babae.
Sa sobrang sakit ng dibdib ko, hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. Alam kong nakabulahaw ako sa mga kasama ko sa charity ward pero hindi ko pinansin ang mga tingin nila sa akin na para bang nanonood sila ng drama sa TV sa hapon.
I lost everything I had. I had nothing now. Sana pala ay hindi na lang ako nagising dahil isang bangungot pala ang naghihintay sa akin sa paggising ko.
This novel is now available in print book!
0rder here➡️ heartyngrid.com/orderform
Also available in Shopee➡️ https://shp.ee/hip324a
Also available in ebook format. See the link on my bio.
BINABASA MO ANG
Snatch The Groom
RomanceNow available in print book and in ebook format. See the details in my bio/profile on how to order I woke up one day and found out how my life had changed suddenly, shockingly. Wala na akong bahay. Wala nang trabaho. At higit sa lahat, wala nang lov...