Casey' POV
Vaccant Time...
"Si Ayhan ba yun?" tanong ni Jade sa akin, so tumingin ako sa gawing dulo noong upuan sa Pathway
"Parang!" sagot ko sabay tingin ko ulit doon sa phone ko, katext ko kasi si Renan, sya ang pag-ibig ko.
"Diba si Eyi yung kasama nya?" tanong naman ni Yuri na abalang-abala sa pagtotono ng kayang guitara
"Oo, parang!" maikli kung sagot sabay balik ulit doon sa ginagawa ko
"Eh, anung ginagawa nila doon?" tanong ulit naman ni Sab sa akin
"Guys, walang katapusang tanong na yan ah, lapitan nyo na kaya sila nang sa ganoon di na kayo magtanong noh!" inis kung sagot sa kanila
"Si Ego ba yun?" tanong pa ulit ni Raffy sabay ngiti ng nakakaloko sa akin
"Isa pa guys, naiinis na ako!"
"Relax, Kalma ok, pwede namang hindi ikaw ang sumagot eh, sagot ka kasi nang sagot!"
"Owww nice move Dhafny, nabara mo ko doon ah"
napatingin ako ng masama kay Dhafny then sabay hinga ng super lalim
"K.... Dhafny, may araw ka din sa akin" pananakot ko kay Dhafny dahilan para panlakihan sya ng mata at mapanganga
"Hala, wala naman po akong ginawa!" sabi ni Dhafny sabay yuko na lang sa isang sulok
"Casey, humingi ka ng kapatawaran kay Dhafny, hindi nya wari ang ika'y saktan!" napatingin lahat kay Raffy...
"Wow balagtas ikaw na ba yan?" imbes na mainis ako natawa na lang ako sa naging kalabasan ng pananalitang yun ni Raffy, so i decided na sagutin sya ng matatalinghaga ring salita
"Ako ay humihingi ng tawad sa aking nasabi sa iyo Bb. Dhafny, akong nabigla lamang!" natawa si Dhafny pati si Jade
"Anung subject to? Balagtasan? Abay napakalalim ho ng inyong mga talastasan, pakiwari ko'y hindi mahukay sa sobrang lalim niyan!" tawang-tawang sabi ni Jade
"Oh sige gawa tayo pustahan, kung sino ang magsasalita ng wikang English, magmumulta ng 20 pesos" Sam' suggested
"Sige, si Dhafny ang mangunglikta, ang mga malilikom nating salapi ay mapupunta sa ating pondo para sa nalalapit nating anibersaryo mga ka-CHA!" dugtong ko doon sa idea ni Sam
"Sige, walang problema!"pagsang-ayon ni Raffy
"Hay Maliit na bagay!" sabi ni Dhafny
"Deal!" sabi ni Sab
"Magse-set na ako ng time para makapag-umpisa na tayo ah" sabi ko sabay set ko noong timer ng phone ko
"Ok Casey!" sabi ni Yuri
"Ok, timer starts now"
"Nanahimik lahat, Ayaw magmulta ng 20 pesos?, hay mananahimik din ako!"
__________________
Di nakatiis si Dhafny...
"Guys ok lang ba tayo ang tahimik natin ah!"
o_O... reaksyon namin...
"Ikaw ay lumabag sa ating kasunduan, kaya dapat kang magmulta ng dalawangpung peso!" saad ni Sam kay Dhafny, kaya agad dumukot si Dhafny sa kanyang pitaka
"HALA, OO NGA NOH, DI NA NGA AKO MAGSASALITA!" natatawang kinuha ni Sam kay Dhafny ang multa nito, habang si Dhafny nanghihinayang
"Tara pumunta tayo sa kinaroroonan ni Ayhan at Eyi!" sabi ni Yuri
BINABASA MO ANG
CG Royalties- (Onhold)
RandomHindi sukatan ng kayamanan, nang katalinuhan, nang kagandahan, ang isang tunay at solid na pagkakaibigan Kundi nasusukat yan, sa tatag, determinasyon, pakikisama, at pagpapakatotoo ng bawat isa. Aanhin nyo yung kasikatan kung puro kaplastikan ang p...