Ayhan's POV
Dumaan ang ilang araw. Behave ang CG Royalties... Di nangugulo ang mga M. Companies. Sa tingin ko medyo perfect tong araw na to para maging hayahay ang buhay...
Walang quiz, walang homework, ang reporting at walang epal, so it's time to have some fun. Yung katuwaang di nakakatuwa...Hay ang gulo ko naman, basta gusto ko ma-relax, mag-relax at lumanghap ng good vibes...dahan-dahan kung inunat ang nga braso ko sa damuhan sa may field."Hay ang sarap naman" nakapikit kung bulong sa hangin...then pinikit ko ang mga mata ko...humiga sa malambot na bermuda grass.
May mga time na naiisip ko si Emman, may time na sobrang nasasaktan ako, may time din na nanghihinayang ako sa amin, pero magsisi man ako, umiyak man ako at magwala , baliwala pa rin. Hindi na sya babalik, wala na sya. Kung may bagay man na gusto kung balikan at ulitin yun yung araw kung saan may chance pa akong makausap si Emman, for the last time. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon noon, kung alam ko lang sana eh, di sana nagkausap pa kami. Kung may dapat man akong pagsisihan yun ay hindi ko nasabi sa kanya na sobrang mahal na mahal ko sya kahit sobrang ang sakit-sakit na. Kahit hindi na dapat.
Nasa huli talaga ang pagsisisi, wala akong ginawa noon para makita sya, kahit sa huling sulyap man lang. Now para akong bilanggong walang pagkakataong makalaya, kinukulong ko ang sarili ko sa isang sitwasyong ako mismo ang may gawa, sitwasyon hindi ko alam kung anung sulosyon para makalaya.
Sa mga pinagdaanan ko, Moving-on is the hardest part na ginawa ko. At syempre Acceptance na din. Ang mawalan ka ng mahal sa buhay ay katumbas ng paglaho ng pangarap mo sa buhay. Mabuti lang at kinaya ko at nakaya ko.
Sa ngayon parang kahapon lang nangyari ang lahat ng to. All i have to do is to make a good vibes, makakahanap din ako ng TL at TH, di ako papayag na ako na lang lagi ang tinutukso nilang walang love life.Tanaig ang katahimikan sa paligid ko,...Ilang sandali lang naramdaman kung may yapak palapit sa akin.
"May I?" I slowly opened my eyes, para tignan kung sino tong maton na tong nangiistorbo sa pananahimik ng kaluluwa ko.
"Kieth?" gulat kung sabi sabay umupo sya sa tabi ko, habang ako nakahiga pa rin sa damuhan
"Long time no see!" sabi nya sabay titig sa mga mata ko
"It's been one week Kieth!" this time umupo ako, medyo nakakailang kasi eh
"You know what, uhm actually I'm looking for you this past few days!" kunot noo akong napatingin sa kanya
"Ha? Bakit mo naman ako hinahanap?" taka kung tanong
"Tell me, your not a man-hater right?" biglang umawang ang mga labi nya dahilan para makita ko ang perfect smile nya.
"Do i look like...?" natigilan ako ng bigla syang lumapit sa akin as in 3 inches na lang ang gap namin
"No your not!" nagkasalubong ang mga mata namin. Pakiramdam ko nagmagnet ng mata nya ang mga mata ko
"Bakit ganyan ka makatingin?" mahina kung tanong sa kanya
"Ewan ko" nakangiti nyang sagot dahilan para mailang ako ng bahagya sa kanya
"So ganoon talaga?" tanong ko nang bigla kung maramdamang uminit ng bahagya ang mga pisngi ko
"You know what bagay sayo!"
"Ang alin?" taka kung tanong
"Ang mag-blush, para kang apple, sobrang pula ng pisngi mo Ayhan!" dahan-dahan nyang hinawakan ang pisngi ko, pipigilan ko sana sya pero nangibabaw ang kilig sa puso ko eh
"Hey, pag tayo nakita ng mga friend natin dito, pag-iisipan tayo ng masama!" Tumawa sya pero yung tamang tawa lang na medyo may halong ka-sweetan. Oh diba pati tawa may sweetness na rin
BINABASA MO ANG
CG Royalties- (Onhold)
RandomHindi sukatan ng kayamanan, nang katalinuhan, nang kagandahan, ang isang tunay at solid na pagkakaibigan Kundi nasusukat yan, sa tatag, determinasyon, pakikisama, at pagpapakatotoo ng bawat isa. Aanhin nyo yung kasikatan kung puro kaplastikan ang p...