#All we need is Love to make us happy
Yuri's POV
"Maraming salamat Anton sa pagtono ng mga guitara ko, ito kasing si Chad, matapos gamitin hinayaan na lang nya dito sa isang tabi" sabi ko kay Anton noon
"Anu kaba wala anuman, kung tutuosin kulang pa nga tong ginagawa kung ikukumpara ko doon sa pagtulong mo sa aking makapasok sa Dominican Dance Crew" nginitian ko sya then i tap his shoulder
"Alam kung hindi lang sa music umiikot ang mundo mo, may potensyal kang sumayaw kaya dapat madiskobre yan"
"Hayaan mo babawi pa ulit ako sayo Yuri, basta kahit anung kailanganin mo sabihin mo lang" i nodded then nginitian ko ulit sya
"Hwag mo nang isipin yun, basta hwag lalaki ang ulo mo, sikat kana sa Campus dapat be humble lagi Anton!"
"Oo lagi ko yung inaalala, hwag lang magalala"
"Natutuwa ako dahil ang laki na ng pinagbago mo ngayon"
"Oo dahil yun sa pagtulong mo Yuri, pano mauna na ako?" tumingin ako kina Dhafny, Casey at Jade pero di nila pinapansin si Anton
"Guys alis na si Anton"
"Sige ingat!" sabi ni Marion nang di man lang tumitingin sa amin ni Anton
"Sige hated na kita sa labas!"
"Ok, guys salamat ah" nag-nodded lang si Dhafny at Chad.
Ang taray ng mga CG ayaw pansinin si Anton samantang yung iba halos tumulo ang laway kapag ang nakikita. Ibang klase, well kilala na kasi namin si Anton noon pa man.
________________
Laking tulong ang ginawa ni Anton na pagayos sa mga guitara ko, ginagamit ko kasi ang mga to kapag romaracket kami ni Chad. Oo may sinasamahan kaming banda. But once in a bluemoon lang kami sumama, masyado na kasi kaming busy sa school, ayaw naming maapektuhan ang mga subject namin.
"Hwag nyo na ngang papuntahin yung Anton na yun dito, nakakairita sya!" inis na sabi ni Casey noong makaasok na ako sa loob. Kanina abala silang lahat sa mga ginagawa nila, ngayon naman bigla ko na lang silang makikitang nagtatawanan at nagaasaran
"Hay kung di ko lang kailangan ipaayus yung guitara ko hindi ko rin sya papupuntahin dito" sagot ko noon kay Casey
"Ang maniak kaya noon" sabi pa ni Jade
"Grabe ka baman Jade" sabi ni Dhafny
"Hay naku hwag mo ngang kampihan yun Dhafny, parang di kana nadala doon ah, baka nakakalimutan mong nabiktima ka na rin nong Anton na yun" inis na sabat ni Mau
"Move-on na kasi guys" natatawang sabi ni Jha-jha
"Eto kasing si Yuri pinapunta pa dito" naka konot noong reklamo ni Casey
"Guys markado na sya sa atin, sa buong CG kaya hindi na yun uulit, mahihiya at matatakot na yun"
FYI si Anton noon is kilala talagang maniac ng mga CG Royalties. Mahangin, mayabang, kahit wala namang naiibubuga. Sobrang inis ang mga CG dahil may ginawa syang kalokohan noon hindi sa amin sa iba, barkada na sana namin sya kaso lumabas ang tunay na kulay nya kaya hayon di natuloy ang pag-ampon sa kanya ng CG Royalties. May ugali kasi talaga.
But sa tingin ki naman nagbabago na rin sya eh, wala na kaming naririnig na balitang tungkol sa kanya. No lovelife at all. Tahimik nga sya ngayon eh."He deserved to be treated Casey, nagbago na sya" pagtatanggol ko noon kay Anton
"Ok whatever, basta hwag muna ulit papupuntahin yun dito, baka makapambiktima ulit" sabi ni Jade
BINABASA MO ANG
CG Royalties- (Onhold)
RandomHindi sukatan ng kayamanan, nang katalinuhan, nang kagandahan, ang isang tunay at solid na pagkakaibigan Kundi nasusukat yan, sa tatag, determinasyon, pakikisama, at pagpapakatotoo ng bawat isa. Aanhin nyo yung kasikatan kung puro kaplastikan ang p...