[5SOS3] SHE LOOKS SO PERFECT 1

199 15 2
                                    

>ASHTON'S POV<

Nung nakita kong tapos na s'yang kumain at naglakad na palabas ng canteen ay tumayo na din ako.

"Oh? san ka pupunta?" Tanong nung tatlo sa'kin.

"Papasok na. May class pa ako e." Pagdadahilan ko.

"Magpractice na lang tayo tol. Malapit ng Battle of the bands for Summer Fest e." Pagdidiscourage sa'kin ni Luke.

"Mamaya na lang after class. Hanggang 5pm ang class ko e." Sagot ko pa at umalis na.

I know them. 'Di sila papaawat hanggat 'di nila ako napipilit. Si Luke pa. He only wants what's best for the band.

"Nasaan ba sya?" Natanong ko na lang sa sarili ko ng di ko na sya makita paglabas ko ng canteen.


Nakakabadtrip naman. Makapasok na lang nga sa Physics na next class ko.

Sa Classroom..

Same lang din ang classroom namin kanina sa IT101

(A/N: wala talaga akong alam sa course checklist ng IT. kaya pagpasensyahan nyo na. haha! Kunyare meron nalang ganyan xD)

Uupo na sana ako sa inupuan ko rin kanina ng may nakalagay ng shoulder bag doon.

Tsh! May naunang pumwensto sa favorite spot ko.Wala akong naging choice kundi umupo sa sunod na pinakadulo sa harapan kung saan malapit ang pintuan.

Napatingin muli ako sa shoulderbag na nakapatong sa dapat na upuan ko. Parang familiar.

Mayat maya pa, pumasok na ang Prof at occupied na ang ibang mga upuan maliban sa nasa kanan at kaliwang upuan ko. Wala bang tatatbi sa'kin?

"Oh, Miss. Dito ba ang klase mo? Pasok ka na mag uumpisa na." Kausap ng Prof namin sa tao sa labas. Isasara na kasi nya ang pinto. Medyo maingay din kasi sa labas.

Dideadmahin ko na sana kung sino man ang pinapasok na studyante ni Prof ng tumabi ito bigla sa'kin. Dun sa may nakalagay na shoulderbag. So, sakanya pala yun.

"Okay Class. I'm your Prof in Physics. I'm Ms. Apple Marjorie Rebujio. Now, kindly introduce yourselves too. Tell me your name, age, and what do you expect from our subject" Pag-uumpisa nito.

At yung katabi ko nga ang naunang nagpakilala.

" Aaah... Hello guys. I'm Alesandra Mae Marmolejo. 17. I expect to learn more about Physics in a not boring way Ma'am.""Next."

At tumayo na ako para magpakilala. Ganito naman talaga kapag 1st day diba?

Nakatayo na ako't magsasalita na--nang makita ko s'yang nakatayo pa rin at nakayuko at parang tinatago ang mukha sakin.

"Miss ma-upo kana." puna ko pa sakanya.

Natarantang napalingon naman sya sakin..

At ng magtama ang mga mata namin.

Aba kaya pala. SYA pala yan! ANG BABAENG HUMALIK SAKIN 1 WEEK AGO.

"Umupo ka na Miss Alesandra." Nakasmirk na ulit ko sakanya.

"S-Sorry" Hinging paumanhin nya pa.

"Okay magpakilala ka na Mr?" sabi ng Prof namin at nagpakilala na nga ako.

"Great day guys. Ashton Irwin VangaAlen. 18. And I strongly expect that this class will be fun despite of the fact that we'll only be discussing about solving for velocity, acceleration, projectile, sin, cosin in this subject." sagot ko at umupo na.

Nagpakilala na rin yung mga iba ko pang kamag-aral pero 'di na ako nakinig.

I'm more busy planning on things, kung paano ako makakaganti sa ginawa ng babaeng to sakin. >:D

>ALESANDRA'S POV<

Grabe! Akala ko pa naman natakasan ko na sya.

Kaso nag CR lang ako nang babalik na sana ako ay katabi ko na sya! nahiya tuloy akong pumasok. Di na nga sana ako papasok kaso nakita ako ni Mam, yun tuloy--- Anyways, nalaman ko naman name nya e!

Ashton Irwin VangaAlen.

Ang hot ng name nya. Kasing HOT-- ANO NA BANG NANGYAYARI SAKIN? T~T

He really look so perfect standing there-- infront introducing himself... KAHIT pa pina-alis nya ako. Hmp!

 A/N : Please vote and comment :)

5 seconds of summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon