Vingt-quatre

57 3 0
                                    

Isinama ni Tiffany si Caleb at Alexandra sa lunch bonding nilang magkakaibigan sa Le Mortejo. Naroon na rin si Alexander dahil pumapasok pa rin ito paminsan para magtrabaho pa rin bilang bartender dahil napamahal na kay Alexander ang trabaho na 'yon.

Nang makarating sila Le Mortejo, kumpleto na halos ang lahat, silang tatlo nalang ang kulang. Habang naglalakad sila papalapit sa mga kaibigan, hindi maiwasang magtanong ng kapatid ni Tiffany sa kanya.

"Talagang nagtatrabaho pa rin sya dito?"

"Yes Kuya. Mahal nya ang ginagawa nya eh."

Napailing ang kapatid nya. "I still can't believe he's a billionaire."

Tiffany chuckled. "Kahit naman ako Kuya. Pero kahit ano pang pagkatao nyan ni Alexander, mahal na mahal ko yan."

"Ang swerte ni Kuya sayo Tiff." Sabi naman sa kanya ni Alessandra.

"We're both lucky and blessed to have each other Alessandra. Malay mo, ikaw din, dito mo na pala mahanap ang lalaking magseseryoso sayo."

At nagkatinginan si Alessandra at ang kapatid nyang si Caleb kaya't napatakip nalang ng bibig si Tiffany sa kilig dahil mukhang may namumuo sa pagitan ng dalawa.

"Hey! Love! Nandyan na pala kayo! Come here!" Excited na sigaw ni Owen at maya-maya pa, may lumilipad nang ice cube papunta kay Owen.

"It's Tiffany for you! Ako lang tatawag sa kanya ng Love!" Singhal ni Alexander na ikinatawa ng lahat.

"My gosh parang dati lang hindi naman ganito si Kuya Alexander! Naging possessive dahil kay Tiffany!" Sabi ng kapatid nyang si Alexandra. "Come here Alessandra sit beside me."

"Sige!" Excited na sambit ni Alessandra at tumabi ito sa kapatid na si Alexandra.

Si Tiffany at Caleb naman ay tumabi kay Vaughn dahil si Alexander ay nasa bar counter pa at medyo busy. Pero tumingin sya kay Alexander na nakatingin din pala sa kanya saglit sabay kindat na ikinapula naman ng pisngi ni Tiffany.

"Haba ng hair mo hoy!" Asar ni Krislene sa kanya.

"Feel na feel ko nga Krislene!" Sagot nya na ikinatawa nito. "Ay oo nga pala guys! I want you to meet my brother, Kuya Caleb."

At isa-isa naman nagpakilala ang magkakaibigan sa kanila.

"I already know him." Sabi ni Krislene. "Minsan nagpupunta sa bahay si Kuya Caleb."

"Anyway, welcome to our circle of friends. Isang pamilya tayo dito. And since you're Tiffany's brother and my husband's secretary, kasama ka na agad sa pamilya." Sabi naman ni Kristene.

"Thank you." Sabi ni Caleb ng may ngiti sa labi.

"Heads up Bud, mga siraulo karamihan dito. Kaya pagpasensyahan mo na kung makita mo man kami na weird minsan." Paalala ni Zach.

"Anong minsan? Madalas tayong weird lalo na 'yon!" Kontra ni Denver sabay turo kay Alexander kaya't napatingin ito sa kanila sabay pakita ng gitnang daliri.

"Alam kong gwapo ako huwag nyo na punahin!" Sigaw nito kaya't napailing nalang ang lahat.

Pero may mas gago dyan. Iyon. Yung Doctor na 'yon." Sabi naman ni Dylan sabay turo kay Owen na inaasar nanaman ang seryosong si Marco.

"Yup. Hindi lang halata pero Doctor yon. Pero sa aming lahat, silang dalawa ni Alexander ang siraulo." Sabi naman ni Vincien.

"Oh anyway Bud, I need you to sign something later. Just one sign and you'll be an Alcazar in no time." Sabi naman ni Ezequiel kaya't napakurap-kurap si Caleb.

LOVE At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon