N: Magso-sorry na ko kung hindi ganun kaganda tong kwentong to katulad ng sa iba)
Hi, i'm Kiana Dulay, 25 years old Isa na akong ganap na stewardess at hanggang ngayon ay umaasa pa Rin ako sa highschool crush ko.
Inaayos ko ngayon ang gamit ko dahil nandito ako ngayon sa room nang hotel Kong saan kami titigil nang isang buwan ng mga katrabaho ko sa airline, kasama ko dito si helena.
Dito sa Italy Ang last stop namin Kaya ngayon magsstay muna kami dito. Habang inaayos ko Ang mga gamit ko ay, nakihalikwat Naman tong kasama ko na katrabaho ko din na si Helena.
"Sino to?" Tanong nya ng makuha nya yung pinakakaingatan kong nagiisang picture namin ng highschool crush ko.
"Boyfriend mo ba to?" Tanong nya ulit.
"Hindi no! Crush ko Lang Yan nung highschool" sagot ko naman.
"Ahhh" tatango-tango nyang sagot.
Hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy Lang sa pagaayos ng gamit ko. Nang matapos ako ay inilagay ko na sa may tabi ang maleta ko, at tumingin Kay Helena na hawak pa rin pala Ang picture frame.
"Bakit hawak mo pa rin yan?" Tanong ko dito nang mahiga ako sa tabi nya sabay kuha ng frame.
"E kase naman, ang cute nung guy!" Sagot nya kaya napatingin ako sa kanya.
"sira ka! aagawan mo pa ako ha!" Sabi ko dito at tinawanan nya Lang ako. "Alam mo crush ko pa Rin sya hanggang ngayon" dugtong ko habang sa picture namin nakatingin.
Ito yung unang picture naming dalawa, sobrang kaba ko pa nun dahil sa hiyang nararamdaman ko. "Seriously? So no boyfriend since birth ka pa dahil hinihintay mo Yan na magkagusto sayo?" Hindi makapaniwalang tanong nya.
"Parang ganon na nga" Sabi ko sabay ngiti.
"Sige lang umasa ka lang jan. Dami-dami ditong Italiano tapos ayaw mo maghanap dito!" Sabi nya.
Hays Hindi nya ako naiintindihan. Siguro Kong nasa sitwasyon ko sya ganto din iisipin nya.
"Basta ako, aasa Lang ako hanggang sa may mapala ako!" Sabi ko naman dito.
"Ikaw bahala! Tatanda kang dalaga Jan!" Sabi pa nya.
"Okay Lang!" Sagot ko dito na ikinatingin nya pa ng masama sakin.
Tinalikuran ko na Lang sya at pumikit.
Magkaibigan na kami ni Helena simula palang ng pagtatrabaho ko dito kase parehas kaming sabay na nagapply kaya naging magbestfriend kami ngayon nya palang nakita yung picture na Yun, at ngayon nya Lang nalaman na yung crush ko ay nung highschool pa ako.
-----
"HOY KIANA GUMISING KA NA JAN!"
Nagising ako sa malakas na sigaw ni Helena.
"Bilis na bumangon ka na maglibot Naman Tayo dito!" Sabi nya habang niyuyugyog ako para magising ng tuluyan.
"5 minutes!" Sabi ko dito at nagtalokbong ng kumot.
"Kanina ka pa nagfa-five minutes Jan e!" Reklamo nya.
"Bilis na naghihintay na Yung boyfriend ko!" Sigaw na Naman nya.
Putcha talaga to e! Kasama Naman pala nya boyfriend nya bakit ginigising nya pa ako? Tsk! Porket katrabaho nya lang ang boyfriend nya! At tsaka Wala Naman akong sinabing sasama ako sa kanila.
"Umalis na kayo, magpapahinga na Lang ako dito" inaantok kong sabi.
"Tsk! Bahala ka nga jan! Basta tawagan mo ko pag may masamang mangyari sayo ha?" Paalala nito. Itinaas ko na Lang ang kamay ko bilang pagsagot.
YOU ARE READING
Her Highschool Crush
Fanfictionwhat if maging kayo ng crush mong matagal mo ng hindi kinakalimutan?