Meeting

7 1 0
                                    

Chapter 5

Meeting

Masayang Masaya si Fatima habang kasama niya si Rex. Huling huli nito ang kiliti ng mga babae na para bang babae rin ito. Kayang kaya nitong dalhin ang mg Gawain ng mga babae na noon ay hindi niya nahalata. Bakit kaya nagalit ang mga kuya niya rito? Hindi man lamang ba inintindi ang panig nito?

“Nagustuhan mo ba ang pagkain dito? Gusto mo pa ba?” tanong ni Rex sa kanya.

“Masarap, gusto ko pa nga sana kaso masakit na ang aking tiyan.” Sagot niya.

Nagpaalam itong mga-si-cr sandali. Ngunit wala pang ilang minuto ay na-si- cr na rin siya.

Sumunod siya sa pinuntahan nito. Hindi pa siya nakakaliko papuntang ladies room nang marinig niya ang galit na boses nito.

Sa paraan nang pagsasalita nito ay may kakaiba siyang naramdaman.

Nabangga siya ng isang babae kaya nausod siya paabante. At doon ay nakita siya ni Rex. Nakita niya ang gulat sa mga mata nito.

“Fatima ? kanina ka pa ba diyan?” medyo kinakabahang tanong nito na labis na ikinataka niya.

“ Hindi, kapupunta ko pa lang, nabangga lang ako nung isang babae kanina.” Sabi niya rito. “ saan ba ang ladies room?” tanong niya rito.

“ dito, diretyohin mo ito tapos kumaliwa ka.” Sagot ni Rex habang sinesenyasan ng kamay.

“ ahh, sige salamat.” Tanging nasabi niya at sumunod sa tinuro nitong daanan. “Sandali, sino yung kausap mo kanina?” hindi mapigilang tanong niya. Ilang metro lang ang layo kay Rex.

“kanina?, waka, isa lang sa mga dealers yun.” Sagot nito.

“bakit kailangang pambakla yung boses?” tanong niya. Medyo nagulat ito sa sinabi niya. Nahalata niya iyon

“akala mo lang siguro yun, pero baka oo, nagagaya ko siguro yung kausap ko. Bakla kasi yun, ee.” Biglang paliwanag nito.

Tumango-tango lamang siya at tinahak na ang daan na tinuro nito. Pumasok na siya ng cr at inilabas ang kanina pang iniiyak ng kanyang pantog. Nawala na rin sa isip niya ang mga alalahanin, ito ang araw nila ni Rex at dapat walang kj, sabi ng isip niya.

Muntik na siyang mahuli ni Fatima kanina. Mabuti na lamang at mabilis ang utak niya.

Tumawag sa kanya ang isa sa mga tauhan niya. Nakawala daw si Queenie ayon sa tauhan niya. Ngunit nahuli na muli iyon at pinagbubuti na ang pagbabantay. Tanga tanga lang talaga ang mga tao sa hometown village. Kapag nakawala si Queenie, mamamatay na siya, dahil kalaboso ang lahat. Madaldal pa naman ang matabang panget na iyon.

Kapag nahuli sila, mawawala na sa kanya ang lahat. Ang lahat lahat na pinaghirapan ng papa niya ay hindi sa kanya mapupunta kung hindi nito magawa ang pinagagawa nito. Hindi nito sinabi kung bakit kailangang gawin niya iyon. Sundin na lamang niya at ito na ang bahala sa kanya.

2 months lang ang palugit sa kanaya ng ama. Iton din ang sinabi niya sa kanyang mga tropa. Mag-iisang buwan na ngunit hindi pa naman siya nag-uumpisa.

“ Anong klaseng plano ba yun?” tanong no Fex sa kanya.

Tumingin siya kay Faws. Na sa oras na iyon ay nakatingin din sa kanya, at mukha namang okay lang dito na sabihin niya sa mga kapatid.

Humanda siya, huminga ng malalim at nagsalita.

“ Ang akala ni Rex, ibang tao ako. Brandon ang pakilala  ko sa kanya.” Umpisa niya. Nakatingin ang apat sa kanya. Kahit si Faws , na alam na lahat ng iyon.

“Maski ako, hindi kita nakilala” comment ni Felix. “ ganyan ka na lang, dre” dugtong pa nito at umaktong binabae.

Natawa siya sa sinabi nito. “ Salamat, sige” sabi niya. Tumahimik na muli ang lahat. Si Felix lamang ang kumakain.

“ngayon, magkaklase kami-“ pagpapatuloy niya sana, pero nasamid si Felix na sa mga oras na iyon ay umiinom pala.

“Magpupulis ka?” tanong ni Felix. Hangang hanga sa kanya.

“Part of the plan.” nakangiti niyang sabi.

“Grabe utak mo dre, HRM at criminology”- si Felix.

Tumawa naman si Fivo at Fex. Nagtataka naman si Felix kung bakit.

“biruin mo, alam niya na yung criminology ay pagpupulis” sabi nito sa pagitan ng pagtawa.

Tahimik lang si Felix na nakatingin kay Faws.

“Stop!!” sigaw ni Faws. “ hindi matatapos ang meeting na ito kung puro kayo side comments!! Kami na lang dapat ni Steve ang nagmeeting!!”

Pagsabi noon ay tumahimik na ang lahat. Nakayuko ang tatlo. Siya ay nagulat sa naging reaksyon ng tatlong kapatid kay Faws. Na kahit bunso ito sa mga lalaki ay ito ang boss.

“magpatuloy ka na!!” sigaw ni Faws sa kanya.

Nagulat man ay ginawa na nga niya.

“ sinasabi niya sakin lahat ng mga plano niya. Nang panahon na kasama ni Rex si Fatima sa school noon? At sinagot niya daw ito? Nang sunduin nyo siya. Kayong tatlo Fivo, Fex at Faws? Nang umalis kayo nun, doon niya sinabi ang mas malala nyang plano. Plano na hindi niya kayang gawin, kaya kailangan niya ng tulong ko.”  Huminto siya. Nakatunganga ang lahat maging si Faws. Walang nagsasalita. Walang gumagalaw. Nakatingin ang lahat sa kanya at hinihintay ang susunod niya pang mga sasabihin.

“ si Queenie ay dinukot ni Rex, tapos-“

“Si Queenie?” gulat na sigaw ni Felix, napahampas pa ito sa lamesa nang tumayo ito. Namula ito bigla. “Walan hiya talaga iyang Rex na iyan.” Naibato nito ang babasaging baso, nabasag iyon ng tumama sa pillar ng clubhouse. Tumulo ang mga luha nito, nakatingin lamang ang lahat sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay tumingin ito sa kanya.

“Saan siya dinala ng gago?” tanong ni Felix.

“hindi kayo maniniwala, pero, sa hometown village lang ikinulong si Queenie.”

Tumahimik muli ang lahat. Biglang nagsalita si Faws.

“walang ibang pagkukulungan dito dahil walang lumang bahay dito, lahat ay may nakatira. At makakpasok lamang ang isang estranghero kung may kakilala siya sa loob ng village.” Paliwanag ni Faws sa mahinahong boses.

“ Pero maaari namang sinasabi niya lang iyon at may iba pa siyang pinupuntahan sa loob ng village.” Sabi ni Fivo.

Nakikinig na lamang siya sa mga suhestiyon ng mga Buenbenbara. Napangiti siya. Lahi talaga ang mga ito ng mga matatalino.

“Oo, tama kayo” tumingin lahat sa kanya. Nagtataka. “ Gingamit nga ni Rex si Fatima para makapasok sa village, ngunit may dinadaanan pa siyang iba.” Paliwanag pa niya.

“Paano mo naman nalaman yan?” – si Fex.

“Nasama na niya ako dun sa pinagkulungan niya kay Queenie.” Sabi niya.

“Alam mo kung saan?” tanong ni Felix.

Tumango siya. “Oo, sa bahay mismo ni Queenie Camille.

F5: PretendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon