Chapter 3
Her Crush- Her boyfriend
Naglalakad na pauwi sa Fatima. Kakatapos lang ng meeting nila ng mg Co-members sa drama club. Papalabas pa lamang siya ng Gate ng school ng may tumawag sa kanya.
“ Fatima!! “sigaw-tawag nito sa kanya mula sa malayo. Tumatakbo palapit sa kanya.
Nagulat man sa tumawag, tuloy tuloy pa rin siya sa paglakad palabas. Wala siyang kasabay pag uwi, si Queenie na bestfriend niya ay isang lingo ng wala. Maging si Steve ay hindi rin nagpaparamdam. May mga institions ang isip niya sa mga maaaring ginawa ng dalawa.
“ Fatima!! “ Tawag muli nito, ngunit sa malapit na, hawak hawak nito ang kanyang kaliwang braso.
Pumalag siya, ngunit mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanya.
“ Bitawan mo ko sabi eh!! “ bulyaw niya rito.. Galit na may panlilisik ng mga mata. Bitiwan na naman nito ang mga braso niya. “ bakit ba??!! “ galit na tanong niya.
“ May sinabi ba sayo si Steve ? “ tanong nito pagkatapos ng ilang minutong pag iisip.
“ Si Steve?, wala, pero yung mga kuya ko meron!! “ sabi niya, paasik. Na kunwa’y may nalalaman talaga siya.
“ I know, I know, hindi ko alam na may boyfriend na siya. Sabi niya kasi single siya ee, pero nakipagbreak na ako sa kanya nang malaman kong sila pala ni Rex.”
Nangunot ang noo niya. “ Anong pinagsasasabi mo diyan? “
“ Yung girlfriend ndg kuya Faws mo ay naging girlfriend ko “ paglilinaw nito.
Kahit medyo naguguluhan siya sa mga nangyayari. Napag-alaman na niya kung bakit nasapak ng kuya Faws niya si Rex. Sa makatuwid , sa isip isip niya, kawawa pala si Rex.
Tumango lamang siya….
“ Wag ka n asana magalit sakin “ malungkot na sabi nito.
“ Ang totoo, hindi ako galit sayo, nang Makita nga kita nun sa center campus , mukhang ikaw pa yung galit sakin, eh. “ Masaya na siya na makausap ulit ang crush niya. Kahit medyo nilalamig at kinakabahan dahil hawak hawak nito ang dalawang kamay niya.
“ Kasi naman, selos na selos ako, bakit mo ko pinagseselos? “ malungkot na tanong nito.
“ Pinagseselos? “ nagulat siya sa sinabi nito.
“kay Steve? “ sabi nito, nakanguso ang labi.
Hindi siya sumagot, hinila niya ang mga kamay na hawak nito.
“ Alam kong hindi talaga kayo ni Steve. “ sabi nito
“ P-pano mo nalaman? “ taking tanong niya rito.
“ kay Queenie? Sa bestfriend mo. “
Kay Queenie? Eh, mag iisang lingo ko na siyang hindi nakikita?
“ Nasaan ba si Queenie? “ tanong niya.
“ Iniiba mo ang usapan ee “ malungkot na mukha ang pinapakita nito sa kanya. Na labis na nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.
“ Hindi naman sa ganun, isang lingo ko na kasi siyang hindi nakikita ee. “ paliwanag niya rito.
“ Talaga?, Hindi ko alam ee “ sagot nito
“ Kailan niya sinabi sayo? “ tanong muli niya
“ Hfmft, mag-iisang lingo na rin siguro. “
Natahimik lamang siya at nag-isip. Nasan na ang kaibigan? Nasan narin si Steve? Parang sabay silang nawala ahh? Nagtanan kaya ang dalawa? Hindi, hindi magagawa ni Queenie iyon dahil ang kuya Fex niya ang gusto nito. Ganun din si Steve, dahil siya ang gusto nito at hindi ang bestfriend niyang si Queenie.
“ Talaga bang walang sinabi sayo si Steve? “ tanong muli ni Rex.
“ Wala naman, isang linggo na kaming hindi nagkikita. “ sagot niya
“ Talaga? “ paninigurado nito.
“ Bakit? May sasabihin ba dapat siya? “ tanong niya sa pagtataka.
“ ahh, wala naman, kasi, may huli kaming pag uusap. “ sagot nito.
Tumahimik lamang siya at tumingin tanda ng isang taong handa ng makinig.
“ Mahal ka daw niya, pero sinabi ko sa kanya na alam ko na hindi naman talaga kayo. Na pinagseselos nyo lang ako, at kung bakit sineryoso niya ang relasyon nyo kahit hindi naman totoo. Sabi niya, sa kanya ka lang daw gagawa siya ng paraan para malayo ka sakin, sisiraan niya daw ako sayo para lang lumayo ka sa akin. Hindi daw siya makakapayag sa sinabi ko na akin ka, na matagal na rin kitang gusto, kaya our feelings are mutual diba? Diba? “ inilapit nito ang mukha sa mukha niya.
Walang paligoy ligoy na tumango siya dito
Masaya itong niyakap siya. Kahit nagulat siya ay gumanti siya ng yakap.
Sa gate, nakita niya ang isang lalaki, na mukhang kanina akatayo malapit sa kanila. Medyo pamilyar yung mukha ng lalaki para sakanya. Ngunit hindi niya marecall kung saan niya ito nakita. May dala itong libro at sukbit na shoulder bag na black. Nakatingin ito sa kanila ng Makita niya.
Humiwalay na sa pagkakayakap si Rex, at ang mukha nito umaliwalas, bakas na bakas ang kasiyahan sa mukha.
“ Pwede ban a maging tayo? Ngayon na? “ tanong nito pagkatapos.
Nag-isisp siyang sandal bago tumango.
Nagyakap silang muli ni Rex. Nasa ganoon silang pwesto ng dumating ang kanyang sundo, ang mga kuya niya, sina Faws, Fex, at Fivo., wala si felix dahil nasa trabaho ito.
Bumaba agad ang kuya Faws niya at hinila siya palayo kay Rex.
“ ano bang gusto mo? Bakit ba ginugulo mo kami? Ha? “ tanong ng kuya Faws niya sa malamig na tono.
“ ako ang nagnggugulo? Baka kayo ang nanggugulo? “ bara ni Rex kay Faws.
“ Rex, tama na “ pigil ni Fatima. Baka sabihin ni Rex na sila na. magagalit ang mga kuya niya.
“ Masaya na kami ni Fats, sumisingit pa kayo “ sabi pa ni Rex.
“ anong ibig mong sabihin diyan ha?” si Faws.
Bumaba na ng kotse sina Fex at Fivo.
“ kami na ni Fatima.” Pagmamalaki ni Rex.
“ Rex!! “ naiyak na si Fatima sa sinabi ni Rex.
“ Totoo ba yun, Fatima?!!” Malakas ang boses ng kuya Faws niya, nangangahulugang, galit na galit na ito. Masama ang tingin nito sa kanya. Na kahit maliit ito sa kanilang lima na magkakapatid ay ito ang pinakamalakas.
Umiyak lamang siya
“ Pasok sa Kotse !! sigaw nito sa kanya, “ pasok!!” pumasok na silang tatlo sa kotse.
Humarap si Faws kay Rex at dinuro ito.
“ hindi magiging kayo!! “ sigaw ni Faws.
“ hindi magiging kami? Eh, kami na nga? “ pang-aasar ni Rex.
Lumapit si Faws rito at binirahan ng suntok, sa mukha, at sa tiyan. Bagsak ang duguang mukha nito.
Pagkatapos ay pumasok na ito sa kotse at pinaarangkada iyon paalis.
Tinulungan ng isang lalaki si Rex.
“ salamt , Brandon “ sabi niya.
Ngumiti lamang io.
“ Maganda ba girlfriend ko? “ tanong niya rito
Tumango lamang io.
“ Hindi ka talaga palasalita ano? “ komento niya,lumapit siya rito at inakbayan. “ alam mo, kahit maganda yung girlfriend ko? Iba an gusto ko ee. “ pabulong na sabi niya malapit ang bibig niya sa tenga nito.
Tumingin lamang ito at tumango.
Maya maya pa’y, nagulat si Brando sa ginawa ni Rex..
BINABASA MO ANG
F5: Pretenders
Teen FictionSa buhay, mahirap gawin ang bagay na hindi mo gusto. At lalong mahirap kapag ang gusto mong gawin ay ipinagbawal sayo. Ganyan ang nangyayari kay Fatima. May gusto siya ngunit maraming pumipigil dito. Nagpapanggap lamang siya na ayos ito ngunit sa ka...