The Rebellion

5 1 0
                                        

Chapter 4

The Rebellion

“ Mag-usap nga tayo, Fatima! “ sigaw ng kuya Faws niya pagkuwing pagkauwi nila. Dumiretso na siya sa kanilang kwarto habang niraratrat ng bunganga ng kuya niya.

Nagtalukbong siya.

“ Kuya, please, I’m tired “ naiiritang sabi niya.

“You’re tired?! “ sarkastikong sabi nito. “Akala mo ba kami ay hindi napapagod sa kasasabi sayo na. wag kang makipag-usap sa kanya, maski lumapit man lang sa Rex na yon?! “ siagaw nito sa kanya.

“ Bakit ba kasi nakikialam kayo masyado sa buhay ko!!? “ hindi nya sadyang sambit. Napuno na siya.

Galit ang mukha, nanlilisik na mga mata, iyan ang nakita niya sa mukha ng kuya niya ng tumayo siya sa pagkakahiga. Nakikita niya rin ang gulat sa mukha nito sa ginawa niyang pagsagot. Ngunit ganun pa rin ang ekspresyon nito. Walang emosyon. Wala talagang puso ang kuya Faws niya, nasabi niya sa sarili.

“ Okay fine! “ parang sumuko na doon si Faws.  Iyon ang akala nya. Humarap ito sa dalawa pang kapatid.

“ Kuya at Diko, simula bukas, wala ng maghahatid sa kanya sa school, wala ring sasabay sa kanya. Walang sasabay sa cafeteria o kahit saan sa school. Walang magsusundo sa kanya. Walang tutulong sa mga assignments niya, projects at sa pagrereview niya. Walang papansin sa kanya sa bahay na ito. As long as hindi niya binabawe ang sinabi niya sakin kanina. Paki-inform si Felix, ako nang bahala kay Steve. Ang sinomang sumuway, buwag ang f5. Wala nang babantayan si Steve, dahil sobrang taas ng pride ng prinsesa niya “ mahabang sabi nito at mabilis na lumabas ng kwarto.

Tahimik lang sila pati ang mga kapatid niya. Walang imikan. Hanggang sa marinig nila ang sigaw ni Faws sa Terrace. Sumigaw ito nang pagkalakas lakas. Ngunit walang sinomang pumigil sa kanya. Pagkatapos ng sigaw ay ang mahinang pag-iyak nito.

“ Kuya, bakit kayo ganyan? Mas matanda kayo kay kuya Faws pero siya yung sinusunod nyo. “ sabi niya sa dalawang kapatid.

“ Sumunod ka na lang kasi “ sagot ni Fivo at umayos na nang higa.

“ Bahala nga kayo!! “ nainis siya sa sagot ng kuya niya. Imbis na maawa sa kuya Faws niya ay lalo siyang nagngit ngit dito.

Ang kaninang awa ay nawala. Hindi naman ito naaawa sa kanya kaya bahala na ito. Nakatulog na siya sa pag-iisip.

Kinabukasan,

Puno ng pagbabago ang lahat. 8:00 am na siya nagising ngunit wala na ang mga kuya niya. Tanging ang mga magulang lang niya ang nasa kusina. Masayang kumakain. Nagdilim ang paningin ng mga ito nang Makita siya.

“ Nasan sila kuya , papa? Mama? “ tanong niya sa mga ito, ngunit hindi ito sumasagot. Naglalambibgan na muli ito sa harapan niya.

“ Ma!, Pa! “ sigaw niya, ngunit deadma pa rin ang mga ito sa kanya. “pati ba naman kayo?! “ inis na umalis siya sa kusina matapos mamapak ng ilang putahe roon.

Nagtungo siya sa bandang likod ng bahay. Sa swimming pool, nandun ang mga kapatid. Naglalaro ang mga ito ng habulan sa tubig. Taya ang kuya Felix niya at ang hinahabol ay si Fivo.

 Tumingin ang tatlo sa kanay, as usual, ang kuya Faws niya lang ang hindi tumingin.

Binati niya ang mga kapatid nginit nagpatuloy lamang ito sa kanilang ginagawa.

Malungkot siyang umalis sa lugar na iyon. Plano niyang pumasok ng maaga ngunit hindi pa rin nagpaparamdam si Queenie sa kanya. Tinatawagan niya ito ngunit ang sabi ng maid ay wala ito sa bahay nila.  

Wala na siyang maisip na pwedeng sumama sa kanya kundi si Rex. Tinext niya na ito.Hindi pa siya nagbe-breakfast, ayaw niyang kumain sa bhay nila at nababadtrip siya.

Nareceive niya ang text ni Rex na hindi ito pinpasok ng Guard sa gate nila. Lumabas siya para kausapin ang guwardiya.

“ Bakit hini nyo siya pinapapasok?” tanong niya sa guard

“ Utos po ni Sir. Faustino, ma’am” magalang na sagot ng guard.

“ Faustino na naman?! Papasukin mo siya!” inis na sigaw niya rito.

“ Pero, ma’am-“ depensa ng guard, naputol ang sasabihin niya ng magsalita si Faws.

“ Wag kuya Nestor, wag papasukin ang hindi dapat papasukin. “ sabi ni Faws. Lumapit ito sa gate ng nakatrunks lamang kasama ang mga kapatid na nakasakay sa bike “ pakibukas nga ang gate kuya nestor, iikot kami sa Hometown village.” Dugtong nito.

Bago sumakay muli ng bike at pedalin ng mabuksan ang gate.

Nandoon pa rin si Rex, naghihintay habang nakasandal sa pula nitong kotse.

Galit na Galit na pumasok siya ng bahay, mabilis na ngabihis at lumabas na. Sasama siya kay Rex kahit saan, at walang makakapigil sa mga gusto at dapat niyang gawin.

“ Steve!!” tawag sa kanya ni Faws mula sa malayo. Kasama nito ang mga kapatid na nakasakay sa bike nang nakatrunks lamang. Siya man ay ganuon din kaya kitang kita ang bato bato niyang mga muscle sa katawan.

“Faws” naghigh-five silang dalawa, maging sa tatlo pang kapatid nito.

“ Ikot muna tayo sa hometown Village, papawis muna, bago ka magkwento sa update.” Sabi ni Faws.

“Anong update yan?” tanong ni Fivo.
“SA twitter ba yan?” sabat ni Felix. Ngunit walang pumansin sa kanya.

“punta tayo sa clubhouse at doon n makapag-usap.” Deklara ni Faws. Sumakay na ito nag bike at nauna na.

Sumunod naman silang apat kay Faws sa mabilis na pagbibisikleta nito. Ngapaikot-iko pa ito, bago nagtungo sa clubhouse.

Sa clubhouse ay nakita niyang may mga katulong na nag-aayos ng mga pagkain. Talagang pinaghandaan ni Faws ang araw na ito.

Hingal silang lima na naupo sa mga upuan sa parihabang mesa. Pinagsilbihan naman sila ng dalawang katulong at binigyan sila ng tubig na maiinom.

“Magsimula na tayo”  sabi ni Faws,makalipas ang ilang minute.

“Anong nangyayari kay Fatima?” may pagtatakang tanong niya. Nakita niya itong nakikipag-away sa guard kanina. Buti na lamang at hindi siya nakita ni Rex.

“Ayun, ayaw sumunod kay Faws, nagrebelde na dahil dun sa Rexna yun” sabi ni Felix sa pagitan ng paglamon.

Tahimik lamang siya maging si Faws. Pinag-iisipan ila kung sasabihin na mga kapatid nito ang kanilang mga plano.

“ Kailangang lumayo ni Fatima kay Rex, may balak si Rex sa kanya at siguradong hindi maganda iyon.” Sabi na niya. Tumingin lahat ng magkakapatid sa kanya. Handa na ang mga ito na makinig sa lahat ng sasabihin niya.

F5: PretendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon