Hindi ko na alam kung tama pa bang nabubuhay ako?
I killed a lot of warriors and even civillian!
Wala silang malay.Wala silang ginawang masama.
Pero bakit ko sila binawian ng buhay?
Putangina.
Kung sana hindi ako binigyan ng ganitong kakayahan edi sana walang namatay.Walang mangungulila sa kanilang mahal sa buhay,kasalanan ko ang lahat ng ito.
Alam na alam ko ang pakiramdam ng nawalan pero bakit ko iyon nagawa?
Mabilis kong pinahid ang luha na kumawala sa aking mga mata ngunit kahit anong gawin ko,patuloy lang itong umaagos.
"Should I just end my suffering here?"mahina kong bulong sa aking sarili.
Pagod na pagod na ako.
My body and soul are already defeated so whats the use of living?
Tiyak ako na galit lahat sila sa akin.
Even my friends.
Sino ba naman?
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at pinagmasdan ang aking paligid.
Maraming puno at halaman ang nakapaligid sa akin,may malinis na ilog rin sa kalayuan ngunit wala kang makikitang buhay na nilalang,tanging ako lang ang nandito.
Unti unti akong naglakad papunta sa ilog at pinagmasdan ang repleksyon ko.
Napakalayo ko na sa dating ako bago mangyari ang lahat ng ito,hindi ko na nga makilala ang aking sarili.
Malaki ang nabawas sa aking timbang at kapansin pansin ang maputla kong balat at labi.
Hinawakan ko ang buhok ko at di ko mapigilang mapasimangot sapagkat sobrang dry na nito,malayong malayo sa malambot kong buhok noon.
Pagdating naman sa aking mga mata,ito ay sobrang namamaga dahil sa aking pagiyak at maitim na rin ang ilalim nito dulot ng hindi ko pagtulog sapagkat paulit ulit lang akong binabangungot.
Marumi at may bahid pa ng dugo ang aking kasuotan ngayon kaya mukha na talaga akong dugyot.
Napatawa ako sa sarili.
Kumuha ako ng tubig sa ilog at saka hinilamos sa aking mukha at braso pagkatapos nito ginamit ko ang aking palad upang makainom ng tubig dahil ako ay uhaw na uhaw na.
May nakita akong malaking bato kaya sumandal ako doon pagkatapos ay tumingala ako sa kalangitan at napansin na may nagbabadyang bagyo.
Isang minuto.
Limang minuto.
Sampung minuto.
Napangiti ako ng bumuhos na ito ng tuluyan at kasabay non ang pagbuhos na naman ng aking pinipigilang luha.
Ang sakit sakit na ng puso.
Itinapat ko ang aking kamay sa aking dibdib at pinakiramdaman kung natibok pa ang aking puso.
Bobo ko ba?
Baka kase ilusyon lang lahat ng ito eh.
Masaya naman ako dati,napakasaya ko pa dati.Kaso mula ng namulat ako sa mundong ito at nasaksihan lahat ng karahasan,dun na nagsimula lahat.Tapos ngayon,marami pa akong nadamay na inosenteng nilalang.
Mas lalo na namang bumuhos ang luha ko sa halo halong nararamdaman.
Maayos na naman akong nabubuhay ,kung sana hindi lang ako nagambisyonmaging pinakamalakas at pumunta sa Kapital edi sana hindi mangyayari to.
Wala akong masasaktan.
Walang magdudusa.
At higit sa lahat,hindi ako magkakaganito.
Kasalanan ko ang lahat ng ito.
Kung maibabalik ko lang sana ang oras,makukuntento na lang ako akong maging hunter kasama ang aking tatay.
Sinabunutan ko ang buhok ko at pinagsusuntok ang katawan ko ng paulit ulit.
"Ang sakit sakit na po,ayoko na"paulit ulit kong sigaw kahit alam kong walang makakarinig sa akin.
Bakit ba kase ako nagambisyon?
Hindi naman ako binayayaan ng kahit anong mahika na pinakamahalaga sa mundong ito.
▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎
Note:
Thank you for reading !Matagal na pong tapos ang story na ito sa aking utak but I think I dont have the skill to properly write and narrate this fantasy story yet so bear with me.Im gonna work on my grammar and vocabulary for this story because I want to be satisfied once this story is finished.
$))))))
BINABASA MO ANG
The Journey
FantasiPaano kung sa mundong mahika ang pinakamahalaga,hindi ka binayayaanan nito??