Chapter 6 - In Sickness & In Health

29 2 0
                                    

Dahil sa sobrang saya ko sa nangyari kahapon ay hanggang sa pag-uwi ko ay naloloka pa rin ako sa mga pangyayari sa amin ni Macky sa Convenience Store.

Hanggang sa paghiga ay para akong naka-drugs na lumulutang sa saya at para akong tanga na dinadampian ang kamay ko ng dulo ng unan para i-reminisce ang nakakakilig na moment ng mga kamay namin ni Macky. Buti pa ang mga kamay ko naka-moment na kay Macky.

Dahil hindi ako sanay na si Macky ang nakatingin sa akin ay naging parang kamatis sa pula ang mukha ko at saka pasimpleng lumabas ng tindahan at tumakbo sa sakayan pauwi. Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at hindi ko na hinintay si Macky at nagmadali na akong umuwi. Siguro dahil sa naka-quota na ako.

Sa kabila ng pagod ko sa paghahabol kahapon ay hindi rin ako nakatulog ng maaga. Hindi rin ako nakakain ng hapunan kahit masarap ang niluto ni Mama na ulam at ngayon naman ay pumasok ako ng hindi rin nag-aagahan dahil pakiramdam ko ay bloated pa rin ang tiyan ko. Pakiramdam ko rin ay masusuka ako at mailalabas ko pa ng buo ang mga fish balls na kinain ko kahapon. Pag nagkataon ire-refund ko talaga ang mga iyon kay Manong.

Habang naglalakad ako sa corridor papunta sa klase ay tumatakbong kumapit sa akin si Peggy. Buti naman at hindi ito late.

Nang makita ako nito ay napahinto ito sa pagnguya ng hawak nitong pandesal. Lumunok muna ito at saka nagsalita.

"Aba Casper! Nasobrahan yata ang foundation mo ngayong umaga?!"

Wala talagang kakupas-kupas si Peggy sa pang-aasar.

"Huh?! Wala kaya akong make-up! At kelan pa ako nag make-up?!"

Sambit ko habang pinupunas ng hawak kong panyo ang mukha ko at ipinapakita iyon kay Peggy.

"Uhm, ngayon?! Hahaha!"

Malakas na halakhak nito habang nakikita ko pa ang basang tinapay na nginunguya nito sa loob ng bibig nito. Eww.

"Kung hindi ka nag make-up malamang nakigulo ka na naman sa pag-be-bake ng tinapay ni Tita no?! Parang puro harina kasi ang mukha mo eh! Pakisabi kay Tita penge ha! Hahaha!"

Panghihingi pa nito kahit na hindi naman talaga kami marunong magbake ni Mama at kahit na may hawak pa itong tinapay na nilalantakan. Ang takaw talaga ni Peggy, buti at hindi ito tumataba.

"Anu bang meron sa mukha ko?!"

"Eh, ang puti eh! Parang kang Geisha!"

Agad na kinuha ko ang salamin ko sa bag at pinagmasdan ang aking mukha.

"Ba't namumutla ako?"

Nang makita ko ang mukha ko ay doon ko lang naramdaman na medyo masama pala ang aking pakiramdam. Kasalanan siguro ito ng mga fish balls ni Manong.

"Ah, putla ba yan? Kala ko baking powder lang, hehehe!"

Muling pang-aasar ni Peggy.

"Ikaw talaga! Mamamatay na nga ako, inaasar mo pa ako!"

"Wow! Patay agad?! Di ba puwedeng nakagat lang ng bampira?!"

Bulalas nito saka muling tumawa ng malakas.

"Hmp! Tara na nga!"

Yaya ko dito pagkatapos kong kumapit sa braso nito at saka kami dumiretso sa klase.

Buti na lamang at absent si Mr. Malimlim at hindi ko kailangang mag panggap na nakikinig. Sa pumipintig kong ulo ay malamang na hindi talaga ako makakapakinig ng maayos sa mga turo nito.

"10, 9, 8, 7, 6, 5..."

Napalingon ako sa nag-ka-count down na si Peggy.

"Bakit?"

The Stalker In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon