Davao Mission Begins,
Part 3
-Hotel-
(Shinowa's POV)
I woke up to the sound of my phone ringing aloud. Dad was calling me..oh shoot! I told him I would call him once we arrive. I grabbed my phone and quickly answered it.
"Hello dad" ako
["Shinowa?"] papa
"Yes pa, ako to, sorry di kita natawagan nang dumating na kami dito sa Davao kanina. Inantok kasi ako at nakatulog" ako
["It's okay dear, sinabihan na din kasi ako ni Youwyjie kanina. How are you? I heard may nangyari kanina"] tanong ni papa, alam niya? Besides kung hindi ako, si Youwyjie naman ang parati niyang tinatanong tungkol sakin.
"Everything's fine naman dad, may pa welcome lang naman sila..pero wala namang nasaktan sa amin" pagsagot ko sa tanong ni dad.
["That's a relief to hear dear, anyways magpahinga ka pa kung kailangan mo. Always stay safe baby"] Tugon ni papa, napangiti naman ako at tumango.
"You too dad, bye" Pagtatapos ko sa tawag namin ni papa. Pinatay ko na ang tawag at humiga ulit sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame nang biglang kumulo ang tiyan ko. Ngayon ko lang na alala na hindi pa pala ako kumakain simula ng pagdating namin dito.
Tumayo ako galing sa pagkakahiga at tumawag ng room service. Ayaw ko muna lumabas, tinatamad ako. Tumawag ako at nag order ng pagkain, ngayon pa ako kakain ng lunch dahil nakatulog nga ako kanina.
Habang naghihintay para sa pagkain ko, lumabas muna ako sa balcony ng aking kuwarto, may mga upuan doon at may lamesa din, malaki ang balcony ko, ngayon ko lang to napansin kasi pagdating ko dito sa kuwarto natulog agad ako. Umupo ako sa isa sa mga upuan na nandoon at pinagmasdan ang view sa harapan ko. Ang tangi ko lang nakikita ay ang swimming pool at ang beach. Wala masiyadong turista nayon dahil bago pa lang nagsimula ang pasukan.
Habang tumitingin tingin dito sa kuwarto ko, ay dumating na din sa wakas ang pagkain na hinihintay ko. Kanina pako naghihintay at gutom sa gutom na ang tiyan ko. Inihanda nila ang pagkain ko sa lamesa na nasa balcony dahil doon ko pinalagay, doon din ako kakain. Nang matapos sa paghanda, kumain na agad ako.
___
Nang matapos ako sa pagkain, naisipan ko na mag swimming muna. Sabi naman ni Youwyjie tatawag lang daw siya if ever kailangan na kami. Sabi din niya mag relax muna kami, kaya okay lang naman siguro na mag swimming muna ako.
Tinawagan ko sila Luna kung gusto ba nila sumama sakin, pero sabi nila nag t-tour daw sila sa buong resort, pero baka mag kikita kita kami mamaya. At dahil di sila makasama sakin ngayon, ako nalang mag isa ang mag s-swimming. Kinuha ko na ang mga camera's ko at nagbihis.
Bumaba nako sa lobby area at nagpahatid sa area ng swimming pool. Mamaya nako mag b-bihis ng pang swimming pagkatpos ko mag picture taking. Naka yellow summer dress kasi ako ngayon, para ma feel ko ang hangin at ang summer vibes. Puro missiyon lang kasi ginawa namin nung summer vacation ko.
BINABASA MO ANG
My Gangster Princess
Teen FictionThis story is fictional Language: Taglish- English Tagalog --- THE UPDATES FOR THIS STORY HAS BEEN TEMPORARILY STOPPED. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING. Shinowa Zain, the Legendary Gangster Princess in this so called world where gangsters like her...