Davao Mission Begins,
Part 4
-Hotel-
(Shinowa's POV)
"BAK--"
"AHHH!!" Sigaw ko pero bigla niya'ng tinakpan ang bibig ko.
"Sh-shh" Hirap na sabi niya. Pinapasok ko siya at pinaupo sa couch ko.
Gulat pa din ako'ng tinignan siya. Halo ng gulat, galit at pag-aalala ang nararamdaman ko.
"Ano'ng nangyari sa'yo at nagka ganiyan ka ha?!" Galit na sigaw ko sa kaniya habang kinukuha ang first aid kit.
"Zain, pwede bang mamaya mo na'ko pagalitan, tulungan mo muna ako" Sabi niya habang pinipilit ang sarili'ng kayanin ang sakit.
Tiningnan ko naman siya ng masama. "Tulungan? Mamaya na pagalitan? Eh kung tuluyan ko kaya yan ha? Ginagalit mo ba ako ha?"
"I know your mad Zain, but please naman oh" Pagmamakaawa niya, ay bahala ka.
"Umayos ka ng upo, bilis!" Utos ko habang nilalagyan ng gamot ang sugat niya.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo at nagkaganiyan ka ha? Sa'n mo yan nakuha?" Galit na tanong ko sa kaniya. Eh sino ba nama'ng hindi magagalit, eh kumatok tong tao na to sa kuwarto ko ng gabi at nanghihina na, ang lalim ng hininga at dumudugo ang gilid ng katawan.
"N-nung-Aray! Hinay hinay lang Zain" Pag iinarte niya.
"Sige, mag inarte ka at di ko yan gagamutin. At, ba't ba Zain ka ng Zain, Shinowa nga gamitin mo" Naiinis kong sabi.
"A-ayaw ko, Zain gagamitin ko" Tinopak na naman tung kumag.
"Oh, bakit nga? Sa'n mo nga to nakuha?" Sabi ko habang dinidiinan ang sugat niya. Dumaing naman siya sa sakit. Yan tuloy, ginagalit mo'ko.
"Nung pa ambush nila, nadaplisan ako ng bala nung nag putukan na" Pag amin niya, mas diniinan ko pa. "Zain naman eh, ang sakit kaya" Reklamo niya.
Nanahimik nalang ako habang ginagamot ang sugat niya. Hindi lang to basta basta daplis, mas malalim ang sugat. Napa lingon ako sa mukha niya dahil titig na titig siya sa mukha ko at parang tatawa na. Binigyan ko naman siya ng nagtatanong na tingin.
"Worried ka? Nagaalala ka?" Sabi niya at nagsimulang tumawa. Batukan ko kaya tong taong to?
"Mark Samuel De Vera! Sino'ng hindi'ng mag aalala kung ang best friend mo ay nadaplisan ng 'bala'?! Ha?! Kung hindi pa gagaling ang sugat mo o magiging maayos ang kundisyion mo bukas, hindi kita ipapasali sa missyion. Kaya umayos ka kung ayaw mo'ng ipadala kita sa opsital!" Galit na pag sesermon ko sa kaniya. Yan! Tapos na'ko sa pag gagamot sa kaniya. Tumigil na din siya sa pagtawa at sumeryoso.
BINABASA MO ANG
My Gangster Princess
Teen FictionThis story is fictional Language: Taglish- English Tagalog --- THE UPDATES FOR THIS STORY HAS BEEN TEMPORARILY STOPPED. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING. Shinowa Zain, the Legendary Gangster Princess in this so called world where gangsters like her...