"I love you.." Naimulat ko ang aking mga mata dahil sa narinig ko. Napatingin ako kay Ely at natagpuan siya'ng nanonood ng movie sa cellphone niya. Kung ano ano na naririnig ko, hayss. Nadatnan ko naman si Luna na natutulog at nakasandal sa window ng van. Hindi namin siya pinaupo sa gitna namin ni Ely dahil baka maipit namin siya.
Nakinood ako kay Ely sa pinapanood niya, tinanong ko din siya kung naka kain at nakainom na ba si Luna ng gamot niya. Tumango lang siya at lubog na lubog sa pinapanood. Maya maya naman ay tinanggal ko na ang tingin ko sa pinapanood niya dahil sumasakit na ang mga mata ko. Pipikit na sana ako ulit dahil sumasakit na din ulo ko nang may umabot ng bubble gum sakin.
Napangiti ako at tinanggap ito. Ever since I was a child, only gum makes me feel better at times like this. Nagpasalamat ako kay Mark at nginuya ang bubble gum. Napadpad din tingin ko kay Youwyjie na kausap pala si Sunshine.
...
"KYAAAAAAAAA!" Malakas na sigaw ni Ely habang bumababa sa van. Sa ka excited niya nakalimutan na niya'ng alalayan si Luna. Tsk tsk. Tutulungan ko na sana si Luna nang biglang hinila ako ni Mark palabas ng van. Binigyan ko siya ng nakakatakot na tingin, trip niya? Aalalayan ko pa si Luna-
"Oh chill, sabi ni boss siya na daw. Wag ka nang ganiyan ng ganiyan, di bagay sa suot mo ang mukha mong ganiyan" Natatawang sabi niya at nagporma ng smile sa mukha ko. "Yan". Inirapan ko lang siya at sinundan si Ely na nagtatakbo papunta sa entrance.
"Aww, dahan dahan lang, masusundan din natin sila okay". Nasasaktang sambit ni Luna kay Youwyjie, tumango lang ito at nag sorry. Ngumiti lang naman si Luna at tinuloy ang pag uusap nila ni Sunshine habang akay akay siya ni Youwyjie.
Nasiyahan naman ako nang makita sina Luna at Youwyjie na okay na. Ano ba kasi nangyare sa kanila...pero kung ano man yon, masaya ako at okay na sila ngayon. "Hoyy! Bilisan niyo naman!". Atat na sigaw ni Ely, gusto na niya kasing mag picture sa malaking sign kung saan makikita ang tawag sa pinuntahan namin ngayon.
'Davao Crocodile Park'
"Picture tayo dito oh, daliii". Hila ni Ely samin lahat...kaso sino kukuha ng picture?
"Mark! Ikaw na kumuha ng picture, nakakahiya naman kasi, kamukha mo yung mga crocodile dito tas pag i p-post ko sa IG at FB baka ma sira yung reputation mo nang makita nilang mga kambal mo nandito pala" Sarcastic na sabi ni Ely tas hinila kami lahat at binigay kay Mark ang camera ko. Hindi na nakapagsalita si Mark at kinunan nalang kami.
"Pasalamat ka lang Ely at hindi toh farm kundi makikita mo talaga ang totoong pamilya mo na mga baboy, ha" Pang iinis ni Mark kay Ely at binalik ang camera sa akin. Lalakad na sana si Mark palayo nang hilahin ko siya pabalik. "Diyan ka lang, stay still" Sabi ko at kinunan siya ng pictures. Sayang naman kung wala siyang mga pictures. Nang matapos sinundan na namin sila papasok.
Aside sa mga crocodiles, may ibang mga hayop din sila dito. Nasisiyahan ako sa mga hayop kaso naririndi din sa alitan ng mga saway nila Mark at Ely. Ayaw talaga tumigil nitong dalawa. Nilapitan ko sila at kinuha ang mga kamay nila. Nagtatakang tumingin naman sila sa akin, nginitian ko lang sila at idinikit ang mga kamay nila.
Pinanglakihan ako ng mata ni Ely, pero binalewala ko lang. "Kung di kayo titigil, mag h-holding hands kayo ng 24 hours". Natatawang sabi ko. Tinaasan lang ako ng kilay ni Mark, iniisip niya siguro kung bakit sila susunod pwes makikita niyo.
Lumapit kami sa isang wall at nakitang may poster na sinasabing 'free couple picture for couples' . "Kung di kayo titigil sasabihin ko sa kanila na couple kayo at magkaka free pictures kayo. Kaso sabi din sa poster na 'couples should hold hands for the rest of their visit in the park to verify their relationship together and claim their free picture at the exit door'." I winked at them and smirked. Ofc kagagawan ko yan noh, di pa Feb kaya ba't sila mag gaganiyan dito sa park. May kakilala kasi ako dito at kinontak siya para may twist naman ang visit namin dito. Nagamit ko sa magandang paraan HAHAHA.
BINABASA MO ANG
My Gangster Princess
Teen FictionThis story is fictional Language: Taglish- English Tagalog --- THE UPDATES FOR THIS STORY HAS BEEN TEMPORARILY STOPPED. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING. Shinowa Zain, the Legendary Gangster Princess in this so called world where gangsters like her...