CHAPTER 7

8 9 0
                                    

ETHAN POV.

Ngayon ay nakatayo na kaming dalawa sa tapat ng mataas at napaka laking pinto ng gate.
@_@

Nagulat ako sa biglang pagtunog ng isang malaking Gong. Pinalo ito ni Bellatrix at tumunog ito ng napakalakas...
Makatapos hampasin ng tatlong bese ay bumaling na ito ng tingin saakin at lumapit sa gawi ko.

"Humanda kana" siya. Tumango lang ako at tumingin sa malaking pinto ng gate.

Maya maya ay unti unti nang bumubukas ang malaking gate, hanggang sa bumukas na ito ng tuluyan. ⊙_⊙. Lunok

"Pasok na tayo" aya ni Bellatrix,  nagulat ako sa paghawak nito sa kamay ko. Inakay na niya ako papasok.

Kaagad naman kaming hinarang ng hindi karamihang kawal o bantay. Mga taong ibon din.

"Anong ginagawa nyo sa labas. Gayong gabi na. " biglang usal ng isa sa mga kawal o bantay. MANDARAGITONG KAWAL,. Lalaki ito, makisig, may pakpak. Ang kasuotan niya ay katulad ng kay Khalon. Ngunit iba ang kulay nito.

"Paumanhin, may hinanap lamang akong halamang gamot. Sa labasan kaya ako lumabas." Simple sagot ni Bellatrix

Napalunok ako ng tumama na ang paningin saakin ng isa sa mga nagtanong kaninang Mandaragitong Kawal.

"Ikaw lalaki. Mukhang hindi ka tagarito, sino ka naman?" Seryosong tanong ng Mandaragitong Kawal.. Napalunok muna ako bago magsalita.

"E-Ethan, Ethan ang ngalan ko. Galing ako sa ibang kaharian, ngunit nautusan ako ng aking ina na lumipad sa kagubatan para humanap ng halamang gamot na makapagpapagaling ng aking kapatid na may sakit, ngu-ngunit na-na-naho-"

"Nakita ko siyang nahulog sa mataas na puno at bumagsak sa lupa, nakitang kong nagdugo ang kanyang kanang pakpak siguro dahil sumabit siya sa mga sanga, isinama ko siya dahil naawa ako at mukhang kailangan niya ng aking tulong." Pagtatapos ni Bellatrix sa aking sasabihin, matapos kong mautal.

Ang totoo ay hindi ako sinungaling hehehee,, natatakot talaga akong magsinungaling kasi masama un...

"Ganun ba, sige tumuloy na kayo, magpagaling ka, E-Ethan" anang Mandaragitong kawal, nakahinga ako ng maluwag.

Naramdaman kong muling hinawakan ni Bellatrix ang kamay ko at inakay.

"Hindi masamang magsinungaling o maglihim, kung para naman sa kaligtasan." Nagtaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga ni Bellatrix sa aking tenga, at bumulong. Kabado akong lumingon sa kanya,

"O-oo, salamat ng pala ULIT. hehehe"

Ilang minuto ay nahinto kami sa paglalakad at nasa tapat na kami ng hindi kalakihang bahay, katamtaman lamang ang laki. Naramdaman kong binitiwan na ni Bellatrix ang kamay ko, dahilan na makaramdam ako ng pagkabitin at panghihinayang sa hindi masabing dahilan.

"Nandito na tayo" Bellatrix, habang pinipihit ang pinto..

Tuluyan na itong bumukas at sinenyasan akong pumasok. Nauna siyang pumasok, kasunod lamang ako..

'"Bellatrix, saan ka nanggaling gabi na ah" kaagad na sumalubong saamin ang hindi katangkarang babae, kauri rin ito ni Bellatrix,.

"Galing po ako sa labas ng palasyo Ina Tesha" sagot ni Bellatrix.

Napatingin naman sa gawi ko si INA TESHA.

"Oh, mukhang may kasama ka Bellatrix, anong pangalan mo?" Tanong niya at kaagad ako nitong nilapitan.

"E-Ethan po"

"Ahh. Bakit may taklob ang iyong pakpak" takang tanong nito, akmang hahawakan ang tela ay umatras ako, naramdaman ko naman ang biglang pagkilos ni Bellatrix palapit saakin.

BeLLaTRiXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon