ETHAN POV
"Ethan" dinig kong pagtawag ng kung sinong kilala ko
"Ethat" pag uulit nito. Nagdilat ako ng mata
"HAAHHH" napabalikwas ako sa pagkakahiga. Nahulog pa ako sa kama at halos mabalian na ng likod. Pagdilat ko kasi ay nakatingin mismo siya saakin at sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa.
"Hahahhaha" dinig kong pagtawa ni Bellatrix.
"Aray ko po" pagdaing ko, dahan dahan akong bumangon. Nagkapit pa ako sa gilid ng kama upang kumuha ng alalay doon.
"Pasensya na nagulat kita. Ayusin mona ang sarili mo pagkatapos kumain ay magsisimula na tayong mag-ensayo" sabi niya at lumabas ng kwarto.
Kaagad kong inayos ang sarili, isinuot ang pekeng pakpak na tinakluban ng tela at nakangiting lumabas. Dumiretso ako sa hapag kainan at nadanan ko ang buong pamilya ni Bellatrix pati na sina Leanna at Khalon.
"Magandang Umaga Ethan" bati ni Leanna na kumakaway pa.
"Magandang umaga po" bati ko sa lahat, lumapit na ako at umupo sa bakanteng upuan katabi ni Bellatrix.
Nagsimula na kaming kumain,
"Kumain ka ng marami Ethan, dahil paniguradong magugutom at mapapagod ka sa gagawin natin." Bulong ni BellatrixKahit hindi ko alam ang dahilan niya ay sumunod na lamang ako, nakadalawang damak ako. At nagpakabusog. Matapos kumain ay nagpaalam na kami nina Bellatrix kasama sina Khalon at Leanna.
Kaagad kaming lumipad patungo sa kweba at wow
"Ano ang mga ito?" Takang sabi na medyo namamanghang ako.
Madami kasing gamit na nakaimpok sa kweba. Hindi siya gamit sa bahay, o kusina. Kundi sa pakikipaglaban. Sibat, pana, espada at marami pang iba na hindi ko na alam.
Dahan dahan kong nilingon si Bellatrix at Lunok. Nakangiti itong nakatingin din saakin.
Anong iniisip mo
"Ngayon Ethan ay tuturuan ka naming tatlo sa pakikipaglaban. Para kapag iniligtas natin ang iyong mga kaibigan ay marunong ka. At mapuprotektahan mo ang iyong sarili. " paliwanag niya.
Kinabahan ako.
Wala kasi akong alam sa kahit anong pakikipaglaban. Masyado akong mabait. Hahahaha at inosente.
"Kung ganun ay isaayos na natin ang lahat para makapagsimula na. " Ganadong si Khalon na kaagad kinuha ang mga gagamitin.
Nagsimula na kami.
"Ang una mong pag aaralan ay ang paggamit ng iyong mga paa, binti braso at kamao. Si Khalon ang magtuturo sa iyo dahil siya ang mahusay doon"paliwanag saakin ni Bellatrix
Kinakabahan ako dito ah
"Wag kang kabahan. Mag-eensayo ka pa lang naman. Isipin mo nalang na para ito sa mga kaibigan mo at sa-sarili mk
.""O-OKAY"
"Simulan na" sigaw ni Khalon, tiningnan ko muna si Bellatrix, sinenyasan ako nitong pumunta sa gawi ni Khalon.
"Ethan, handa ka na ba" Khalon
"Ha-"
"Pss. Wala ka bang alam sa pakikipaglaban.?"
"Wa-wala eh. Wala akong karanasan."
"Ahh ganun ba?. Tanggalin mo muna iyang nasa likuran mo"
Kaagad kong inalis ang pekeng pakpak at hinarap muli si Khalon.
BINABASA MO ANG
BeLLaTRiX
RandomIto po ay istorya ng Paglalakbay ni Ethan at ng kanyang mga kaibigan. Na kung saan ay magkakahiwa-hiwalay sila at makakatagpo si Ethan ng kaibigan na tutulong sakanyan na makauwi. Makikita din dito. Ang buhay ni Bellatrix, ang kanyang pagkatao, at...