KIMIA POV
Naidilat ko ang mata, at bumangon na sa pagkakahiga. Nag-unat pang bahagya bago tuluyang lumabas ng tent.
"Good morning sunshine" nasabi ko nalang nang tuluyang makalabas ng tent, kaagad akong sinalubong ng masarap at maaliwalas na simoy ng hangin.
"Ako pa lang ba ang gising?" Tanong ko sa kawalan. Pero madilim dilim pa kaya hindi na ako magtatakang ako pa lang ang gising.
"Oh, babe good morning" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Reid sa harap ko.
"Babe naman wag kang mangulat. Good morning" saad ko, nagtungo ako sa parte na pinlano naming gawing lutuan. May lamesa kami doong ginawa.
"Kanina kapa gising, babe" tanong ko kay Reid na nagsisimula nang magdikit ng apoy.
"Medyo, tinatamad akong bumangon kanina. Hehehe" Reid habang patuloy sa ginagawa.
Kumuha na ako ng kaldero at nilagyan iyon ng bigas, siguro ay magsasaing muna kami. Madali na ang ulam.
Nang matapos sa pagdidikit ng apoy ay isinaplang ko na ang bigas.
"Ikaw kanina kapa gising" Tanong ni Reid, na nagdidikit ulit ng panibagong apoy.
"Kagigising ko lang. Ang sarap ng gising ko, nakakarelax dito babe. Buti kasama kita na nakapunta dito" saad ko. "Bakit nagpapaliyab ka pa ng apoy. ?" Puna ko sa ginagawa niya.
"Ahhhh... para mas mabilis tayong makapagluto, magpapainit tayo ng tubig pang kape. "Sagot nito, tumango nalang ako.
Ilang minuto ng matapos maluto ang sinaing. Nagprito kami ng itlog at hotdog.
Ilang minuto rin ay nagising na ang aming mga kaibigan.
"Good Morning" bati ko ng lumabas ng tent si Rocco
"Good morning" ngiting tagumpay si Rocco, siguro ay sobrang ginahawa ng tulog nito. Nginitian ko nalang siya.
Sunod na lumabas ng tent si Aliana "good morning Aliana" bati ko dito, ngumiti lang ito saakin at naglakad papunta sa gawi namin.Sunod kung napansin ang paglabas
Ethan, bahagyang napakunot ang noo ko. Parang lantang gulay ito,puyat ba sya? Tanong ko sa sarili, parang pagod na pagod ang katawan nito habang ramdam ang mabibigat na paghakbang papunta sa gawi namin. Nagpakawala ito ng buntong hininga ng tuluyang makalapit saamin at naupo. Naupo pa siya sa tabi ko kaya tinanong ko na sya."Ethan, ayus ka lang. Bakit parang pagod na pagod ka ata? Puyat ka ba kagabi?" Tanong ko, tumingin naman saakin ang matamlay niyang mga mata. Weird..
"A-ah kasi hi-hindi ako nakatulog kagabi. Si-siguro ay namahay ako, d-hindi ako sanay dito. " nauutal na saad nito, para siyang naiilang ganun. Napatingin ako sa aking mga kasamahan na nakatingin kay Ethan siguro ay napansin nila ang itsura nito. Para kasi siyang nakipagsayawan hanggang madaling araw at 1 oras lang ang naitulog.
"Ayus ka lang ba talaga" seryosong tanong ni Aliana, nakita ko ang paglunok ni Ethan. What the, may itinatago ba sya? May hindi ba kami nalalaman?
"ETHAN" Aliana seryos talaga si Aliana. "May problema ba. Sabihin mo " dagdag pa nito.
"Wala, puyat lang ako kagabi hindi ako nakatulog. Yun lang" diretsong sagot nito. Tumango nalang si Aliana
"Pasensya na kayo guys, hindi kasi ako nakatulog, naisip ko si lolo. Kaya puyat ako hehehe" dagdag pa nito."Un naman pala eh, sige na kumain na tayo, "Rocco at nagsimula na kaming kumain.
Nang matapos ay naggayak na kami para maggala, sinigurado namin na walang makakapasok sa loob ng aming tent. Pati mga dalang pagkain ay inilagay namin sa loob.
BINABASA MO ANG
BeLLaTRiX
De TodoIto po ay istorya ng Paglalakbay ni Ethan at ng kanyang mga kaibigan. Na kung saan ay magkakahiwa-hiwalay sila at makakatagpo si Ethan ng kaibigan na tutulong sakanyan na makauwi. Makikita din dito. Ang buhay ni Bellatrix, ang kanyang pagkatao, at...