“ALICE! Anak! Gising na!”
Nagising ako sa mga katok ni Nanay Felicia sa pinto ng kuwarto ko. Grabe! Halos matanggal na yata ‘yong pinto sa lakas ng katok niya, ah. Agad akong bumangon upang pagbuksan siya.
“Gising na ako, Nay,” bungad ko sa kanya.
“Diyos kong bata ka! Ang tagal mo talagang gumising. Kanina pa ako kumakatok. Si Louisse, nasa sala na.”
Automatic namang namilog ang mga mata ko. “Ano?!”
“Si Louisse, nasa sala na at hinihintay ka. Sabay na raw kayo pumasok sa CFIL.”
Tiningnan ko ‘yong wall clock sa kuwarto ko. “Anak ng kabayo! Alas sais pa lang, oh!” Napasapo ako sa noo. Walang hiyang Louisse na ‘to!
“Sige na. Bababa na ako. Lumabas ka muna riyan,” saad ni Nanay Felicia at bumaba na ng hagdan.
Sumunod ako and there I saw Louisse, sitting prettily on the sofa sa sala namin. Nakangisi pa ang bruha at naka-dekuwatro habang naka-crossed arms. Ready na talaga siya. Napanganga na lang ako.
“Sabi ko na nga ba’t tulog ka pa, eh. Hay, naku! Tulog mantika ka talaga kahit kailan, siszt!” sabi niya sabay iling.
Nailagay ko sa kanang baywang ko ang kanang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. “Ang aga mo, ah. Parang ikaw ‘yong mag-a-apply at hindi ako,” sarcastic kong sabi.
“Aba! Dapat lang. I know you, siszt. Baka nasa work na ‘ko, nananaginip ka pa rin kay Sir Theo.”
“Whatever.” I rolled my eyes at her.
Tumayo siya at lumapit sa akin. “Ano? Daks ba si Sir Theo? Ilang inches ba?”
Nagulat ako sa sinabi niya. “Nay, oh! Si Louisse, ang bastos ng bibig!” pagsusumbong ko sa kanya kay Nanay na nasa kusina.
“Aysus! Painosente ka pang babaita ka. Narinig nga kita noong isang araw. Sabi mo ang sarap ni Sir Theo mo. Kung alam ko lang, wasak na ‘yang hiwa mo sa panaginip mo.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nanay. Si Louisse naman ay todo halakhak na parang walang bukas. Hinahampas pa ako.
“Wala akong matandaan na sinabi ko ‘yan, Nay!” Totoo naman. Uminit bigla ‘yong pisngi ko.
“Tulog ka ng oras na ‘yon. D’yan ka pa nga natulog sa sopa, nanaginip ka.”
Anak ng kabayo! Nakakahiya!
“Sige na, siszt. Maligo ka na. Bilisan mo na. Baka ma-late pa ‘ko,” ani Louisse na tumatawa pa rin.
Napailing na lang ako.
Matapos ang ilang minuto, natapos na rin ako. Kumain muna kaming tatlo. Nasa kabisera nakaupo si Nanay at magkatapat naman kami ni Louisse.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ka pa nag-breakfast, ‘no?”
“Nag-breakfast na ‘ko, siszt. Round two na ‘to.” Humagikhik ang bruha. “Ang sarap naman kasi ng luto ni Tita Feli, eh,” dagdag pa niya.
“Salamat, hija. Gusto mo talaga ang mga niluluto ko lagi.”
“Totoo naman, Tita, eh,” turan ni Louisse sa nanay ko.
Tumingin si Nanay sa ‘kin. “Ba’t ‘di mo sinabing mag-a-apply ka pala kay Sir Theo mo? Ginising sana kita nang maaga.”
“Okay lang ‘yon, Nay. Mag-a-apply lang naman,” tugon ko.
“Kahit na. Dapat ready.”
Hindi na ako sumagot. Tinapos na namin ang pagkain. Matapos ang lahat, tinulungan ako ni Louisse na mamili ng susuotin. Dapat daw kasi mag-ready ako talaga dahil minsan daw, i-interview-hin agad kahit kapapasa pa lang ng résumé. Depende kung ano’ng mangyayari o trip nila sa buhay.
