Chapter 1

77 8 0
                                        

“ALICE, kailan ka ba kasi mag-a-apply ulit ng trabaho? Mahigit isang taon ka na kayang tambay. Gusto mo bang maging unemployed habambuhay?”

Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Louisse. “Naghihintay lang naman kasi ako ng tawag, siszt. Alam mo namang sobrang dami na ng mga companies na in-apply-an ko before. Until now, wala pa ring response. Walang tumawag kahit isa for interview. Pero okay lang din ‘yong pagtambay ko. Natulungan ko naman si Nanay sa karinderya niya kahit paano, eh. At saka, rumaraket naman ako paminsan-minsan para matulungan si Nanay.”

“Yeah, I know. Pero iba pa rin ‘yong may work ka na talaga, ‘di ba?”

“Oo naman. May sahod, eh. Kaysa naman sa karinderya namin. Maliit lang at ang dami pa naming kailangang bayaran. Ewan ko rin sa mga kompanyang ‘yon. Mukhang hindi ata ako qualified. Baka ‘yong mga kasabayan kong nag-apply, eh, may experience na. Baka sila ang na-hire.”

“Try again, siszt. Gaya ng ibang mga games na nasa mga phones natin, mag-game over man, puwede pa ring mag-try again until mag-succeed, ‘di ba? Never give up, siszt. Baka this time, it’s your time to shine.” Ngumiti si Luoisse. “Apply ka na ulit,” pangungumbinsi pa niya.

Grabe talaga ‘yong motivation and encouragement nitong kaibigan kong bruha.

Napaisip akong muli sa sinabi ng kaibigan ko. Sa totoo lang, hindi na mabilang kung ilang beses na akong kinumbinsi ni Louisse na mag-apply nang mag-apply. Panahon na rin ulit siguro.

Huminga ako nang malalim saka binuga iyon. “Okay. I will apply for a job again. This time, doon ako sa company kung saan nagtatrabaho ‘yong crush ko,” sabi ko sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya.

“Wait. You mean, sa company rin na pinagtatrabahuan ko ngayon?” tanong niya na may malapad na ngiti.

Tumango ako. “Nando’n si Theo, eh.” Napangiti ako sabay kagat ng fried chicken. Bigla yata akong nabuhayan ng loob nang maisip ko siya.

“Talaga, siszt?! Sure na ‘yan?! Final na?!” sambit niya dahilan para mapalingon sa amin ‘yong mga taong nasa loob dahil sa lakas ng boses niya.

“Bruha, hinaan mo nga ‘yang boses mo,” saway ko sa kanya.

Nag-peace sign naman siya sa mga tao saka inabot ‘yong balikat ko para lang hampasin ako kaya napaaray ako. Ngumisi lang siya.

“Kasi naman, eh. Finally, lagi ko nang makikita ‘yang pangit mong mukha. Bruha ka,” sabi niya saka humalakhak.

Inirapan ko siya. “Hindi ikaw ‘yong gusto kong makita lagi roon,” buwelta ko sa kanya. “And hindi pa nga ako nakapag-apply at na-hire, grabe ka maka-react d’yan,” dagdag ko pa.

“Whatever.” Umirap siya pero ngumisi ulit siya at parang kinikilig. “Nai-imagine ko na ‘yong mangyayari kapag nagkita na kayo ni Sir Theo. Siszt, kinikilig ako sa inyo!”

“Aray!” Bruhang ‘to! Kaya ayoko kapag kinikilig ang Louisse na ‘to, eh. Bugbog sarado talaga ako. Hinampas na naman ako sa balikat. This time, mas malakas kaysa kanina. Anak ng kabayo talaga! Ba’t ba ganito ang bruhang ‘to? Kung hindi hampas ang inaabot ko sa kanya, batok, sundot sa tagiliran at hila ng buhok naman ang gagawin sa ‘kin.

“Sorry, siszt. Hindi ka pa ba sanay?” Natawa ang bruha. Hindi na ako nagsalita pa pero dumaldal pa siya. “Final na talaga ‘yan, ha. Baka niloloko mo lang ako, eh.”

“Oo nga. Sure na.”

Lagi ko kasing sinasabi sa kanya noon na ayokong mag-apply sa company na pinagtatrabahuan niya kasi nando’n si Theo. Marami na kasing naging secretary si Theo. For sure, may nangyari sa kanya at sa mga naging secretary niya. Mga magaganda at sexy pa ang type niya. At natatakot ako na kapag naging empleyado ako roon, madalas kong makikita si Theo at baka masaktan lang ako kapag nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Pero ngayon, okay na sa ‘kin. Hindi ko iintindihin ‘yon basta’t magkaka-work lang ako.

Blaze of a VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon