Chapter 1

21 1 2
                                    

Ms. Alliah, we can sit here while we are waiting for our next flight." Pag-aya sa ‘kin ng matipunong lalaki na naka-men in black at alam kong isa sila sa mga bodyguard ng future husband ko.

We are now in Philippine Airlines. Dahil na rin sa flight namin na nag-stop over sa airlines nila at hihintayin ang airplane na papuntang Japan. Tumingin ako sa ibaba. Parang wala na akong karapatan na mamili nang gusto ko. Parang si Papa na rin ang nagpapatakbo sa buhay ko sa ginagawa niyang ito.

Naisip ko ang ibinigay na bag sa akin ni Ate. Dahan dahan ako sa pagbukas nito na nagiingat sa mga lalaking nagbabantay sa akin. Pagkahalungkat ko, nakakita ako ng wig at sweater. Kinalkal ko pa at may nakapa akong isang maliit na papel.

"Gawin mo ang bagay na hindi ko nagawa noon. - Ate Allana"

Nagulat ako sa nabasa ko agad kong itinago ito. 

Alam ko kung anong dahilan ni Ate kaya niya pinadala sa akin ito, gusto niya akong tumakas at umalis sa delubyong kinahaharapan ko ngayon. 

"Uhm. Excuse me." Nagkukunwari pa ako na parang natatae. "Because you know… I need to go to the comfort room. NOW!" 

Tumakbo na ako sa restroom. As expected sumunod sila ngunit hanggang labas lang dahil lalaki sila. Dali-dali akong pumasok sa isang cubicle at sinuot lahat ng nandoon. Paglabas ko ay tumuloy ako sa harap ng mirror maging ako ay hindi ko makilala ang sarili ko. Tumingin ulit ako sa sarili ko bago lumabas.

Noong lumabas na ako ay wala pa rin silang malay tumitingin lang sila sa mga lumalabas sa restroom. At nakalabas na ako ng terminal. Sumilip ako muling sa mga guard at nakita ko na may pumasok na sa loob. My eyes widened alam. Mabilis akong tumakbo dahil panigurado ako hahanapin nila ako.

May nakita akong white SUV na nakabukas ang likod. Dali dali akong sumakay sa likod at may dalawang maleta ang nandito siniksik ko ang sarili ko at tinakpan ang sarili ko sa mismong maleta inalis ko na din ang design para hindi mahalatang iba to. Maya-maya ay naramdaman ko na may nagsara na ng pinto kaya nakahinga ako ng maluwg. Minadali kong alisin ang mga epalness sa mukha ko at lahat. May naramdaman akong may sumakay sa SUV kaya naman natahimik ako at dahan-dahang gumagalaw. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

"Sir we have an appoinment at Super Mall Company at 3:30 in the afternoon." Rinig ko. 

“6:30 in the evening you have a dinner meeting for all the manager of the Lim Company." 

Tumingin ako sa relo ko, magaalas dose na. Nagugutom na rin ako, ipinilig ko ang ulo ko para makatulog. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagstop ng sasakyan. Narinig ko na ang pagbukas ng sasakyan.

"Manang Ester, pakipasok nalang po ang bagahe." Narinig kong habilin ng matandang nagsasalita kanina.

"Oh Sige, hijo." Pahayag naman nito. 

Nanlaki ang mata ko, nasa likod nga pala ko. Naramdaman ko ang pagbukas nito, mas lalo akong kanakabahan.

"Manang Ester Sandali lang po, ha! Taeng tae na ako kanina pa." Narinig kong paalam ng isang mama.

"Naku, o siya, ako na dito. Magaan lang naman ‘to, baka dito mo pa ilabas yan." 

Napasinghap ako ng ibinaba na yung isang malate at yung isa, so nakikita na niya ang malate ko. Kinukuha niya ito pero hinihigpitan ko ang paghawak ko para hindi maalis sa harapan ko.

The Runaway HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon