Chapter 2

12 1 2
                                    

"Mag-ayos ka na, at mamayang paglabas niya ay ipakikilala na kita." Saad ni Manang Ester kaya naman ay nagbihis na ako ng maid na uniform nila dito.
I took last glance at the mirror and lumabas na din after fixing my clothes. Nadatnan ko si Manang Ester na may kausap na dalawang may katandaan na katulong din dito. Maaaring sila ang mga kasamahan dito sa bahay. Tama nga si manang halos may edad na rin sila.
"Oh. Alli… Hannah, halika at ipapakilala kita. Maya maya rin'y lalabas na siya sa kanyang silid kaya namay humanda kana." lumapit ako sa kanila na nakaupo sa silya nang kusina, paglabas mo kasi sa silid ay ang kusina agad ang sasalubong sayo.
Lumapit ako sa kanila at tipid na ngumiti.
"Magandang araw po." Bati ko sa dalawang kasamahan ni Manang Ester. Ngumiti sila ng pagkalapadlapad at pinaupo ako sa tabi nila.
"Ito nga pala si Manang Lilia mo, siya ang tagapagluto dito sa bahay. Siya din ang nagoorganisa sa mga halamang nakatanim sa garden." Paliwanag ni Manang na itinuro ang may katabaan na babae. "Ito naman si Manang Nora mo na kasama ko sa paglilinis ng bahay na ito. Siya din ang naglalaba sa ibang damit ni Dexter, ngunit madalas kasi nagpapa-laundry na lamang siya." Tumango ako sa nalamang impormasyon.
"Kinagagalak ko ho kayong makilala."
"Siya naman si Hannah. Siya ang bagong personal maid ni Dexter ngayon." Halata mo'y sa pananalita ni Manang at sa tingin sa akin nila Manang Nora at Manang Lilia ay napakasaya nila. Kanina ko pa naririnig ang Dexter-kuno na yun, I think that's my Boss.
"Naku, hija! Napakaganda mo, sana ika'y magtagal dine." Komento ni Manang Nora
"Oo nga't siya'y may dalaga kami dito. Puro kami matatanda rine." Hirit ni Manang Lilia na may pagkakwela.
"Opo, sana nga po magkasama tayo nang matagal."
"Eh hija, ‘wag mong sukuan si Dexter. Ganoon lang talaga iyon." Saad ni Manang Lilia, ngumiti lamang ako bilang sagot, dahil ngayon ay hindi parin bumababa sa kanyang silid ang what-they-so-called Dexter. Siguro ay nagpapahinga siya ngayon dahil sa biyahe.
Habang nagkwekwento sila sa akin, inihanda rin nila ako ng tanghalian. Habang pansamantala akong nakatira dito marami akong matututunan.
Sa gitna ng pag-uusap, may narinig kaming habag na galing sa itaas at pababa sa hagdan. Dali-dali naman akong hinila ni Manang Ester at pinaayos ang sarili ko.
"Siya na iyon Hija, ayusin mo ‘yang sarili mo." Inayos ko lang ang damit at kaunting gusot na nakuha ko dahil sa pagupo at nagpatuloy na kami sa sala.
"You should rest first before you go Dexter, masama sayo ang mapagod. Sabi ng Dad mo ‘wag mong masydong gugulin ang oras mo sa company." Payo ng nakakatandang lalaki.
"Mr. Chen, don't worry. I can handle this."
Nanlamig ako sa narinig kong boses. Nakakakilabot.
"Ano ka ba!" Saway sa ‘kin ni Manang sabay yugyug sa akin.
"Who is she, Nay Ester?" Tanong ng nakakatandang lalaki, ngayon ko lang napansin na nakababa na pala silang dalawa at ngayon they are one meter away from us.
"Ah, siya ang bagong katulong dito. Buti nga may nag-apply, eh." Pahayag ni Manang sabay akbay sa akin. " Si Mr. Chen, secretary ni Dexter." bulong niya.
Tumango ako bilang sagot at tumingin sakanilang dalawa. "Magandang araw po." sabi ko at nag-bow pa.
Napansin ko nabiglang napangiti si Mr. Chen at tumingin sakin , at tumango.
"Dexter siya ang bagong makakasama mo kung may kakailanganin ka, mapaguutusan mo siya." Tumingin yung Dexter-kuno sakin at tinitigan ako, or should I say binubusisi akong mabuti.
"Name?" Ulaslas niya.
"Ha..hannah po, Sir." bulong ko.
"Tss. Next time, when I ask you, answer me immediately. Seconds are important to me."
"Ano ka ba Hijo bago pa lang siya dito. ‘Wag muna man paginit ng ulo." Anas ni Manang.Umiwas siya ng tingin at tumingin kay Manang. "Wala akong oras para dito Nay, sabihin mo nalang sakanya ang mga dapat niyang gawin at hindi." Yun lang at nilagpasan na niya ako at saka umalis. Uh? Galing ah. Ang sungit niya, hindi ba pwdng magkunwari siyang mabait para sa new employee niya, I mean maid? Ts. Pero bakit parang nakaramdam ako ng kilabot, nakakatakot ang aura niya.
" By the way Ms. Hannah...?"
"Gonzales po.." dugtong ko.
"Ah. Ms. Gonzales. Im Mr. Levin Chen, call me Mr.Chen. Nice meeting you. I hope you would have a long patience for him." He said then smile and walk away too. Sinundan ko lang sila ng tingin ng mawala na sila sa paningin namin ay pinaupo ako ni Manang sa sofa.
"Makinig ka sa akin, hija. Dahil ikaw ang bagong maid dito kailangan alam mo ang rules, ha."
"Rules? As in panuntunan?" Tanong ko.
"Oo, kung akala mo para siya timang dahil may ganito pa. Ay jusmiyo. Masanay ka na. Makinig ka: Una, ‘wag na ‘wag mong gagalawin ang mga gamit niya. Huwag kang papasok sa kwarto at sa library room niya hanggat hindi niya sinasabi. Pangalawa, kung may iuutos siya sa ‘yo, o itatanong sayo. kung maaari ora-mismo gagawin mo, at sasagutin mo, wala nang tanong-tanong. Lahat ng sinabi niya, gawin mo. At ang pinakahuli sa pinakaimportante, ‘wag na ‘wag mo siyang paghihintayin nang matagal. Ang ayaw niya sa lahat ang naghihintay. Kalimutan mo na lahat ‘wag lang ang pinakahuli. Nakuha mo ba lahat ng sinabi ko Hija?"
Nagsink-in na lahat sa utak ko ang sinabi ni Manang Ester.
"Opo, Manang."
Ngumiti siya. "Yun lang ang tatlong rules niya, pero halos lahat ng naging personal maid niya, sumuko. Sana ikaw tumagal ka pa rito," bilin niya sa akin.
"Opo Manang, yun lang pala eh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Runaway HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon