Lisanin ang Nagdaan

59 11 2
                                    

Dati rati akala ko'y 'di ko kayang wala ka.
Nang ikaw sa'kin nawalang parang bula.
Buhay ko'y dumilim na parang isinumpa.
Ngiting matamis naglaho na lamang bigla.

Kinulong ko ang puso sa mahabang panahon.
Nakagapos sa madilim na bakas ng kahapon.
Oras na siguro upang kumawala ako ngayon.
Punasan ang mga luha para nakaraa'y yumaon.

Ipapakita ko sa'yong kaya ko kahit wala ka.
Pangarap nating binuo tutuparing mag-isa.
Aahon ako sa kadiliman na iyong ginantingpala.
Titiyaking sa rehas ng kasawian ako'y makalaya.

Naramdaman ang liwanag sa basag kong puso.
Habang nakaukit ang pag-asa sa maliit na piraso.
Nagsasaad na harapin kong katutuhana't tumayo.
Nagsasabing kahit wala ka tuloy ang ikot ng mundo.

Alalahanin mo ang pagmamahal ko sa iyo.
Pag-ibig ko sayo'y walang katulad ito'y alam mo.
Ngunit pagod na akong magkunwari sa ibang tao.
Pagod na pagod na akong linlangin ang aking puso.

Siguro hindi ikaw ang tamang nilalang para sa'kin.
'Di ikaw ang taong habang buhay kong mamahalin.
Walang ako't ikaw ang tinadhana ng mga bituin.
Kaya tama na't mas makakabuting itigil na natin.

Papalayain kita dahil alam kong dito ka masaya.
Papakawalan at hahayaan na kitang umibig sa iba.
Bibitawan ko ang kamay mong sa'kin nanlamig na.
Dahil ayaw ko ng kumapit sa naglahong nadarama.

Ang pagpapalaya sayo'y ang nais ng aking isip.
Magtitiis kahit napakasakit nito sa'king dibdib.
Handang tanggapin ang sunod-sunod na hapis.
Maging maligaya ka lamang, ito ang aking nais.

Papalayain ko ang pusong ilang dekadang sugatan.
Papakawalan ang mga ala-alang aking hinahawakan.
Bibitawan ang nagdaan nasa damdami'y nananahan.
Ito ang paraan para lisanin ang lumbay ng nakaraan.

POETRY: IT'S ABOUT US AND OUR HEARTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon