"Mahal Kita, Kaibigan"

112 4 0
                                    

Balikan natin ang alaala ng kabataan.
Masaya tayong maglalaro  ng tagu-taguan.
Gaganap na mag-asawa sa bahay-bahayan.
Walang kalungkutan, puro lang kasiyahan.

Pareho tayong naniniwala sa superhero.
Favorite isuot darna't superman custom.
Sabay tayong tatalon sa aking bedroom.
Kunwari nasa lugar ng ating imagination.

Ang sarap bumalik sa 'ting kabataan.
Hindi natin tinatago ang nararamdaman.
Daling sabihin ang salitang Mahal kita.
At sa puso natin ay wala itong malisya.

Sa paglipas ng mahabang panahon.
Binigyan ako nang panginoon ng hamon.
'yon ay mahulog ang puso ko sa iyo.
Maniwala ka sana hindi ko ito ginusto.

Pilit kong itatago ang nararamdaman.
Dibdib ko'y aking pagsisinungalingan.
'wag lang mawawala ang nasanayan.
Nangakong habang buhay magkaibigan.

Ika'y isang diyamante sa 'king paningin.
Sa mga mata ko ika'y nagniningning.
Mga ngiti mo'y napakahalaga  sa akin.
Siguro tuluyang nahulog sa'yo bestfriend.

Ang tunay na tinitibok aking ikikimkim.
Para 'di masira ang pagkakaibigan natin.
At wag ka lang mawala sa aking piling.
Dahil kung mangyari ito 'di ko kakayanin.

Kaibigan, ikaw ang aking pinakaespesyal.
Nadevelop sa'yo kagaya ng isang hangal.
Friend lang tayo, pero bakit ako ganito...?
Nakadama ako ng tulad nito para sa'yo.

Para sa'yo ang mga katanungang ito.
Balang araw, kung Ito ay malaman mo,
Matatanggap kaya ang aking pagsinta?
Pagkakaibigan natin ito ba'y itataya?

POETRY: IT'S ABOUT US AND OUR HEARTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon