Chapter 10 (Saying Sorry)

47 4 1
                                    

Wala akong nagawa kundi ang iuwi sa bahay ko si stanley.

Ano pa nga bang choice ko diba?

"Maam? sino po yan maam? anong nangyare sakanya?" tarantang tanong ng yaya namin nong pagbuksan niya kami ng pintuan

"Pwede ba? tulungan mo nalang muna ako dito. mamaya kana mag reklamo" utos ko sakanya. at nagmadali naman itong tulungan ako dalhin si stanley sa room ko at agad hiniga ito sa higaan ko. 

Maya maya lang din ay my dala ng towel si yaya para punasan si stanley. kitang kita ko sa yaya namin ang pagkaexcite nito punasan si stanley.

"Maam napaka gwapo naman itong kasama niyo" akmang tatanggalin na niya ung buttones ng polo na suot ni stanley ng magsalita ako.

"Teka anong gagawin mo?" pagtatakang tanong ko dito. nahihiya pero nakangiti itong tumingin sakin ng ikinataas ng kilay ko.

"Maam huhubarin ko lang po ung polo niya para mapunasan ko po ung katawan niya" masaya at excited na sabi niyo na lalong kinataas ng kilay ko.

Ayos din tong yaya namin ha. napaka harot.

"Hindi na. ako na jan. makakaalis kana" utos ko sakanya at halata sa mukha niya ang pagkadismaya.

"Sige po maam" tungon nito at mabilis na lumabas sa kwarto ko.

Napatingin naman ako sa natutulog na si stanley. Kitang kita dito ang mapupula niyang labi at makinis na mukha. di ko rin masisisi si yaya. ang pogi naman kasi talaga niya eh.

"Shit ano ba tong iniisip ko" agad akong lumapit upang punasan na si stanley. at shitt gagawin ko ba talaga to. napapikit ako habang binubuksan ang polo ni stanley at nakapikit din ako ng punasan ko ito. baka kasi sabihin pinang nasahan ko ang katawan niya eh. duh! medyo lang naman hahaha.

Matapos kong punasan iyon ay agad na ko nag tungo sa guess room. dito nalamang ako matutulog.

"Nasan ako?" rinig ko ang sigaw ng isang lalaki mula sa labas ng kwarto ko. shit sino ba yun napaka ingay! natutulog pa ung tao eh!

"Sir dinala ka po ni Maam Aliyah dito sa bahay kagabi, dala po ng kalasingan niyo" Bigla akong napamulat ng mata sa narinig ko mula sa isa sa yaya namin. agad akong napabangon at kinuha ang makapal na salamin ko at mabilis na lumabas sa kwarto

"Shit si stanley"

"Asan siya? bat wala siya dito"pag sisigaw pa nito. aga aga nitong lalaki nato!

"Hey! ano bang problema?" tanong ko kay stanley ng makita ko siya sa harap ng kwarto ko at tila galit. aba bat ba galit na galit siya.

"Ano ginawa mo sakin weirdo? bat andito ako" sigaw nito sakin. aba sumusobra na tong lalaki na to ha!

"Hoy FYI lang po sir stanley! ikaw na nga tong tinulungan eh. ikaw pa my gana magalit ngayon? kundi kaba naman kasi uminom ng marami kagabi. edi sana hindi ka ngayon nagtatanong kong bat andito ka" inis na sagot ko sakanya.

"Tinulungan ako ng isang nerd na katulad mo?" sagot nito. na kinainis ko. siya na nga tong tinulungan aba talaga! 

"Umalis kana nga dito kong puro pang iinsulto lang naman ang sasabihin mo." inis na sagot ko dito at saka mabilis na pumasok sa room ko. mag aasikaso nako at papasok nako sa school. mamalate lang ako kong papatulan ko yung lalaki na yun!

@@@@

"Oh ayan na ung nerd na dikit ng dikit sa mga Campus prince"

"Kala mo naman maganda shit! napakapanget naman niya"

Pagka pasok ko ng school ay ayan na ang mga naririnig ko. ang aga aga nitong mga boset nato! napakuyom ako ng kamay ko sa inis. nag titimpi lang ako sa mga to! pag ito pinatuluan ko! 

Napansin ko naman si Stanley, Grey at Zeus sa gilid kong saan nakatingin sila sa direction ko.

Agad kong pinigilan ang sarili ko at naglakad muli ng walang nangyari.

Halos patayin naman ako ng tingin sa classroom ng mg classmate ko. potek na yan.ano bang ginawa ko sakanila para gawin nila to sakin? kundi lang talaga ako nerd eh.

Naunang lumabas ang mga classmate ko pagkaring palang ng bell. nag ayos nako ng mga gamit at saka lumabas ng room.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. bat ang daming tao dito sa labas ng classroom namin.

"Hey nerd" tawag sakin mula sa likod ko. sino paba nerd nito. malamang ako lang yun.

"Ano ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko nong makita ko si stanley mula sa likod ko nakasandal ito sa pader at napakabulsa at napaka gwapo niya dito! kaya pala ang daming tao eh.

"My god siya nanaman?ano bang meron sa nerd na yan!?

"Gigil na gigil nako sa nerd na yan ha! ayaw tantanan mga bebe ko"

"Napaka panget naman!"

rinig kong mga bulong bulungan sa likod ko. pero di ko sila pinansin.

Nilapitan ako ni Stanley na mas lalong kinagulat ko. pero mas nagulat ako sa mga sinabi niya.

"Sorry about kanina. Sorry kong nagwala ako sa bahay niyo. kala ko ibang tao ang kumuha sakin lalo't na hindi ko alam ang nangyare sa sobrang kalasingan ko"

Mas lalong lumakas ng mga bulungan sa likod ko. 

"OMG! tama ba ang narinig ko? nang galing si Stanley sa bahay ng nerd na yan?"

"Ano bang meron sa Nerd na yan!"

Lalong sumasakit ang ulo ko sa mga naririnig ko.

"Okay lang. Don't worry." maikling sagot ko dito.

"Ano meron dito" sigaw ng isang lalaki mula sa likod. at niluwa nito sila Zeus at Grey.

"Stanley?" 

"Aliyah? anong meron dito?" nagtatakang tanong ni Grey.

Halata naman ang pagkabigla ni stanley.

"Ah eh. wala. halika kana!" mabilis na umalis si stanley at agad naman sumunod ang dalawa na my halong pagtataka sa mga mukha.

At naiwan akong nakatayo sa gitna ng mga mata ng mga chismosa.

"Halika ka nga ditong babae ka!" mabilis na my humatak sa mga buhok ko at agad ako kinaladkad. aba putcha ang sakit ha!

*********

A/N

Super tagal ng update nito. at ako'y nanghihinge ng sorry sainyo guys.

Happy readings! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Nerd Girlfriend is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon