SWAM 3

13 5 3
                                    

"Why did you do that?!" Vash angrily shout.

"What do you mean? Wala akong ginawa sa kanya!" saad ni Lyra.

"Wag ka nang magmaang-maangan pa dahil may CCTV kaming nilagay sa loob kaya nakita namin ang lahat ng ginawa niyo!"

"Wait— what?!?! Bakit kayo naglagay ng cctv sa cr ng mga babae?!?"

"Don't change the topic woman!"

"Naninilip ba kayo sa mga babaeng umiihi?!?"

"Don't over react dahil wala sa loob ng cubicle ang camera!"

"Why are you shouting at me like that?!? Dahil lang sa pangit na nerd na yun, nagkakaganyan ka?!? Ginayuma kaba niya?!? Ipagpapalit moko sa pangit na yun?!?!"

"She's not ugly!"

Sigaw ng magkasintahan ang namayani sa clinic.

"Bulag kaba?!?! O sadyang—"

"—Pwede bang manahimik muna kayo?!?!" pagsingit ni Alex na ikinatigil ng dalawa.

"Ang iingay niyo ah." wika naman ni Mara habang abala sa paghimas sa mukha niyang namumula pa dahil sa
pagsampal kanina.

"Ano tinitingin mo dyan?!" maangas na tanong ni Alex kay Chayce ng mapansing kanina pa siya nito tinititigan.

"W-Wala." nauutal at namumula nitong saad habang iniiwasan ang  mga mata ni Alex.

"Bat namumula mukha mo?" natatawang tanong ni Mara kay Chayce.

"Huh?" maangmaangan nito na ikina tawa ni Mara ng tuluyan.

"Ang pangit mong tumawa." wika ni Acer na ikina tigil ni Mara.

"Pake mo? Umalis ka nga!" pagtataboy ni Mara.

"Tsk. Wala man lang thank you." bulong ni Acer.

"Edi thank you!"

Lumapit si Lyra kay Zelenia at tinatapik-tapik ang pisngi nito na ikina alarma nina Mara at Alex.

"Wag kang magtulog-tulogan dyan bruha!" sigaw niya sa pagmumukha ni Zelenia.

"Stop that Lyra!" utos ni Vash.

Tatapikin na sana niya ulit ang mukha ni Zelenia ng may tumigil dito.

"Touch me again and I will end you." Zelenia coldly said.

"Ouch! Nasasaktan ako!" Daing ni Lyra ng nanggigigil itong pinisil ni Zelenia.

"Pake ko? Sinaktan mo din naman ako diba? Ngayon, patas na tayo." huling salita ni Zelenia bago binitawan siya.

"You bitch! You're gonna pay for it!" sigaw ni Lyra.

Hindi niya ito pinansin at tumayo na kahit nanghihina pa ito.

"Girls, umuwi na tayo." utos niya kina Mara at Alex. Tumayo rin ang dalawa kahit nanghihina pa rin. Well, what do you expect? Mga professional agents eh. May mas malala pa dyan ang mga naranasan nila.

PAGKARATING palang nila sa pent house nila, kaagad nilang tinanggal ang mga disguise nila.

"Shit. Muntik nang matanggal wig ko!" naiinis na saad ni Alex.

"Bakit kasi kailangan pa nating mag-disguise?! Tapos kailangan pa nating magpanggap na mahina at duwag?! Fuck that Boss!" reklamo ni Mara.

Hindi nalang pinansin ni Zelenia iyon at dumeritso sa loob ng cr para alisin ang brown cream na nakadikit sa mga balat niya. Ng matapos siya, napakunot ito ng hindi pa rin pumasok sa cr ang dalawa— Kailangan din kasi nilang matanggal ang cream na nakadikit din sa mga balat nila.

"Tulungan mo nga ako dito, Mara! Di ako marunong magtanggal ng wig ko eh."

"Teka lang! Di pa ako tapos sa pagtanggal ng wig ko eh. Ang higpit! Kaya siguro di natanggal nung sinasabunotan tayo ng mga aliparos ni Lyra!"

"Zelenia! Pwede mo ba kaming tulungan?!" panghihingi ni Alex ng tulong.

Bago lumabas, tinignan muna niya ang sarili sa salamin at nag-isip kung lalabas ba siyang ganito ang porma. Hindi pwedeng may makakita sa totoong siya. Pero di naman siguro ipagkakalat to ng dalawa dahil professional agents sila diba? Sanay na silang maglihim ng mga secreto.

Kinakabahan siya dahil first time niyang ipakita ang totoong siya sa iba maliban nalang sa boss nilang nag-ampon sa kanya.

Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nila.

'Here goes nothing.' saad niya sa sarili niya.

"AHHH!!"

"Luh inaano ka?" nakakunot nuong tanong ni Alex kay Mara ng bigla itong sumigaw ngunit hindi niya ito sinagot but instead, may tinuro siya na ikinalingon ni Alex.

"Woah! San nanggaling yang manika?" namamanghang usisa ni Alex ngunit ng lumakad papalapit sa kanila ang tinutukoy niyang manika ay bigla itong napatili.

"AHHHH!!" tili ni Alex na sinabayan din ni Mara.

"Ang OA niyo ah!" cold na saad ni Zelenia habang naka cross arm.

"AHHH!! NAGSASALITA!!" tili pa ng dalawa na ikina taas ng isang kilay niya.

"Di ako pipe." huling salita niya bago kinuha ang damit niyang pambahay at pumasok ulit sa cr.

"SHE TALKS AGAIN!!"

"LORD!! DIKO NA PO ITUTULOY ANG INIISIP KONG BARILIN SI ACER BASTA PO IALIS NIYO NA PO ANG MANIKANG NAKA PASOK SA PAMAMAMAHAY NAMIN!!"

"MAGBABAGO NA PO AKO! PIPILITIN KO PONG MAGPAPAKABABAE!! KUNG GUSTO NIYO, PAPATULAN KO NA LANG RIN PO SI CHAYCE!! BASTA PO PAALISIN NIYO LANG ANG MALIGNONG MANIKA NA NARIRITO!!!"

Napa face palm nalang siya ng marinig ang pinagsisigaw ng dalawa.

'Sabi na nga ba!'

Napatingin siya sa sarili niya sa salamin at tinitigan ito. Mukha nga siyang manika— barbie to be exact.

Napakunot ang nuo niya ng may maalala. Yung ina kaya ni Vash, mukha din kaya itong manika?

"Hala ka! Si Zelenia! Baka anong ginawa ng walking doll sa kanya!"

"ZELENIA!!"

"BUHAY KAPA BA?!"

"ZELENIA SUMAGOT KA!!"

Nawala siya sa kanyang pag-iisip ng marinig ang mga sigaw nila Mara at Alex.

"ANONG GINAWA MO SA KANYA!!"

'Ano naman ang gagawin ko sa sarili ko?'

"PAPATAYIN KITA KUNG SINO KAMANG WALKING DOLL KA KAPAG MAY GINAWA KA SA KAIBIGAN NAMIN!!"

She paused when she heard what Alex just shout. Di niya mapigiling mapangiti ng marinig ang salitang 'kaibigan'.

'Bakit ang sarap pakinggan?'

Hindi pa gaano silang ka tagal magkakilala pero tinuring na siya ng mga ito bilang isang kaibigan.

It's her first time hearing those kind of words from someone. All her life, she always focus on how to protect herself and how to protect someone.

Bata palang siya, wala na siyang naging kaibigan nakakulong lang siya sa kanilang bahay. Ni wala siyang panahon maglaro kagaya ng ibang mga bata.

1 years old palang ay nagkaroon na siya ng private trainer kung papaano ipagtanggol ang sarili at makipag-laban. Hindi na siya pinag-aral dahil sa nangyari noong nag enroll siya sa kinder.

STUDENTS WITH A MISSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon