SWAM 5

14 5 0
                                    

MAINGAY ang buong paligid ng cafeteria sa Luna University dahil sa mga estudyanteng taga ibang eskwelahan. Ito kasi ang napili nilang puntahan para sa kanilang research.

Hindi naman bago yun sa mga taga Luna Students dahil sikat ang kanilang paaralan kaya di na kataka-taka kung ito ang mapili nila.

Hanggang ngayon ay masama parin kung tumingin si Acer kay Zelenia dahil sa nangyari kanina.

"Alam mo? Ang sikat mo na ngayon ah." pagbasag ni Alex sa katahimikan. Kanina pa kasi silang tatlo tahimik sa pagkain.

"Huh?" naka-kunot nuong tanong ni Mara.

"Si Zelenia ang tinutukoy ko." sagot naman ni Alex.

"Bat naman?" tanong ulit ni Mara.

"Tignan mo oh. Andaming naka tingin sa kanya."

Iginala ni Mara ang kanyang mata para kumpirmahin ang sinabi ni Alex.

"Naka tingin nga, masamang tingin naman." pag correct ni Mara sa sinabi ni Alex.

"Hindi lahat ah. Tignan mo yung grupo na yun" utos ni Alex habang ininguso ang direksyon kung saan naroroon ang grupong kanina pang tumitingin kay Zelenia.

"Do you know them?" Mara asked.

"No." Zelenia answered shortly.

"Then why—"

"—Hi." someone cutt Mara's words.

"Ahhmm... Hi?" nagdadalawang isip na pagbati ni Mara.

"Kilala kaba namin?" maangas na tanong ni Alex dito.

"Hindi pero kilala ko siya." sagot nito sabay turo kay Zelenia na dahilan ng pagtigil nito sa pagkain.

"Gaano mo siya kakilala?" nakataas kilay na usisa ni Mara na ikina tawa lang nito.

"Kilala ko siya bilang isang secret weapon ng Underwo—"

"—How do you know that?" pagputol ni Zelenia sa sasabihin pa nito. Lumapit ito sa kanila at bumulong.

"I'm an agent too." aniya na ikina tahimik nilang tatlo.

"Come. Let me introduce you to my friends..." lumingon ito sa isang grupo na kanina pa tingin ng tingin sa kanila. "... They are also agents just like us."

Tumayo sila sa pagkaka-upo maliban kay Zelenia.

"Di kaba sasama?"

"I'm not yet done eating."

"Dalhin mo nalang yan. Dun mo na taposin yan." natatawang saad ng babae. Sinunod naman niya ito.

"By the way, I'm Alessia Reyes but you can call me Sia." the girl introduce when they reach their destination.

"I'm Amara Dela Cruz. Mara in short."

"Ako si Alexandra Garcia. Alex nalang."

"Zel—" Di natuloy ang pagpapakilala ni Zelenia ng inunahan siya ng isang babae.

"—Zelenia Amaris. We all know. Actually, idol ka po namin. OMG! I can't believe nandito ka sa harapan namin! By the way, I'm Lily Ramos. Your biggest fan."

"A-Ahmm... Your older than me kaya no need with the 'po' thingy." naiilang na saad ni Zelenia. Di naman maka-paniwala sina Alex at Mara dahil sa binanggit ni Lily.

STUDENTS WITH A MISSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon