SWAM 4

17 5 9
                                    

DALAWANG salita lang ang palaging sinasabi ng Boss/Mama niya sa kanya.

"You're Special."

Dalawang salita pero ang dahilan kung bakit siya pina home school. Dahil sa pagiging special niya, napahiya niya kasi ang teacher niya sa kinder. Simula nun, palagi nalang siyang nasa bahay nila.

Wala siyang kaibigan dahil hindi siya lumalabas ng bahay.

She can still remember the time where her Boss taught that she's just a doll. 1 year old pa siya nun pero namulat na siya sa mundong ginagalawan niya. Isang 1 year old pero kung umasta, daig pa ang 30+ years old woman.

How?

Hindi rin niya alam. Nagising nalang siyang nasa isang laboratory at parang ini-experementuhan. Sa England.

Dahil sa isip niyang 101% kung gumana, naka takas siya roon at sumakay ng eroplano kahit di alam kung saan ito papatungo. Pumasok siya sa isa sa mga Baggage.

Namalayan nalang niyang nasa US siya ng malagay siya sa newspaper nung nakita at dinala siya ng nagmamay-ari ng Baggage sa police station. Tinawag pa nga siyang 'Baby Doll.'

Naging usap usapan siya dahilan ng pagkabahala niya. Baka kasi umabot ang balita hanggang sa England.

Tinanong siya ng mga ito kung taga saan at kung sino-sino ang magulang niya ngunit ang sinagot niya lang ay 'I don't know.'

Sinabi niya ang nangyari sa kanya dahilan ng pagkaroon ng seryosong meeting ng mga namamahala sa bansang kinatatayuan niya.

Hanggang sa kinupkop siya ng kinikilala niyang Mama ngayon. Siya ang incharge sa Underground Agency- isang secret agency. May mga batang tini-training nila para maging agents mula sa iba't ibang bansa.

Dahil sa sitwasyon niya nun, napag-isipan ng mga nakakataas na turuan din siya at maging isa sa mga batang tinuturuang maging Agents.

About naman sa mukha niya, nawewerduhan ang mga nakakakita sa kanya tulad nalang ng mga taong nakakita sa kanya nung bata pa siya sa US, sa Mama niya, at sa mga naging tutor at trainer niya.

Hindi niya gusto ang nagiging reaksyon ng mga ito kaya napagpasyahan niyang itago nalang sa iba ito lalo na kapag magkita-kita o pinapatipon-tipon ang mga kagaya niyang Agents.

"ZELENIAAAAAA!!!!!!" rinig niyang sigaw ng dalawa na ikinadahilan ng pagbalik niya sa realidad.

"What?!?!" she answered pagkatapos niyang buksan ang pinto.

Tinutukan ni Mara si Zelenia ng baril sa pag-aakalang maligno ito. Wala lang reaksyon si Zelenia habang tinitigan ang pagka OA ng dalawa.

"Umalis ka sa pamamahay namin!" sigaw ni Alex na ikina taas ng isang kilay niya.

"As far as I remember, this is my house too. Kaya pwede ba? Quit acting like a child. Ang O-OA ninyo! Ang la-laki niyo na, may pa maligno-maligno pa kayong nalalaman-" napatigil si Zelenia sa pagsasalita ng biglang tumili ang dalawa.

"Zelenia?! Ikaw ba yan?!"

"Pota!"

"Really? Ngayon niyo lang talaga na realize?" naka poker face niyang wika.

....

"Di parin ako makapaniwala na isa ka palang walking doll kapag wala kang disgu-"

"Tumahimik ka nga Mara! Baka may makarinig pa sayo!" mahinang suway ni Alex kay Mara habang si Zelenia naman ay tahimik lang na naglalakad kahit na pinagbubulungan sila ng mga estudyante.

STUDENTS WITH A MISSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon