-war-
Lucille's POV
"Happy 3rd Anniversary, love!"
Sumimangot ako at agad siyang niyakap. Ibinaon ko pa ang mukha ko sa dibdib niya para hindi niya makitang umiiyak ako.
I was shocked! Sabi niya may lagnat siya at hindi siya makakapasok ng school. Tapos pag-uwi ko, madami nang decorations 'tong kwarto ko.
"Babe, hindi mo ba nagustuhan?" Mahinahong tanong niya nang marinig ang paghikbi ko.
I was damn worried kasi akala ko na-dengue na siya o kung ano! Sikat pa naman 'yung dengue ngayon.
"Gusto ko!" Tinampal ko siya sa dibdib. "Nag-alala lang ako sa'yo! Sabi mo kasi may lagnat ka!"
Tumawa siya at hinaplos ang buhok ko para kumalma.
"Tahan na, lalagyan mo pa ng sipon 'tong damit ko."
Kinurot ko siya sa balikat dahil sa pang-aasar niya. Lagi siyang ganyan, iniinis ako o kaya naman inaasar ako. Ewan ko ba kung jowa ko ba talaga 'to o tropa ko lang e.
"Joke lang. Tahan na, kakainin pa natin 'yung cake."
"Mommy?" Napakurap ako ng dalawang beses nang marinig kong tinawag ako ng anak ko.
"Y-yes, baby?"
Narinig ko pa ang pagtikhim ni Winter na nasa kabilang gilid ng anak ko.. namin.
"Kakainin natin 'yung cake, 'di ba, baby? Let's go, sama ka kay Daddy kuha tayo ng platito sa kusina." Tulala parin ako sa cake na nasa mesa nang buhatin ni Winter si Leslie paalis.
One year and eight months na si Leslie. Hindi naman niya birthday pero gustong i-celebrate ni Winter ang birthday ni Leslie ngayon dahil wala raw siya noong mga nagdaang birthdays ng anak namin kaya merong kaunting salo-salo rito sa mansyon.
Mansyon na si Winter mismo ang gumawa, engineer kasi siya.
Buti pa siya nakapagtapos, samantalang ako, hindi. Naging abala kasi ako sa pagbubuntis kay Leslie kaya hindi na ako nakapag-aral pa.
At saka, kung mag-aaral man ako habang buntis, dagdag pa sa gastusin 'yun ni papa. Nakakaawa naman si Papa kapag gano'n, siya na nga ang nagta-trabaho para maka-ipon sa pampanganak ko tapos siya pa magbabayad ng tuition ko kaya nag-decide nalang akong huwag nang mag-aral.
Hindi naman kasi alam ni Winter na nagkaroon kami ng anak. Nitong isang linggo lang niya nalaman, at ngayong alam na niya, gusto niyang dito muna mag-stay para makasama ang anak.
Bwisit nga e. Iniwan na nga ako noon tapos ngayong nalaman niyang may anak siya sa'kin, babalik siya.
Kaya ko namang alagaan mag-isa si Leslie e. Hindi ko siya kailangan. Hindi ko siya kailangan sa buhay ko. Umalis na siya noon, dapat hindi na siya bumalik.
Naalis ang tingin ko sa cake nang marinig ang boses ng anak. Kasunod niya ang bwisit niyang daddy, may hawak na isang platito.
"Mommy, mommy."
Ngumiti ako sakanya at binuhat siya. Pinanggigilan ko ang pisngi niya at hinalikan 'yon. Humagikgik naman siya at pilit na inilalayo ang mukha ko sa pisngi niya, "Kain tayo cake?" Tanong ko pagkatapos.
Hindi siya nagsalita, itinuro niya lang ang cake na nasa mesa.
Ipinaupo ko saglit siya sa upuan at humiwa na ng cake. Maliit lang kasi siya lang ang kakain, busog pa kasi ako.
YOU ARE READING
My Winter (Quarantine Series #1)
RomansaMeet Lucille Cerezo, Ang babaeng marupok na pinakilig, niligawan, naging girlfriend at pinagpustahan lang pala nila Winter Guevarra. Pero maniniwala nga ba siya at bibigyan ng another chance si ex na nagbago na raw para sakanya at sa anak nila. May...