-wanted-
Lucille's POV
Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa kakaiyak pero nakita ko parin ang itina-type ni Rae sa kanyang cellphone.
May kung ano siyang pino-post sa Facebook at tungkol 'yun sa'kin!
'Wanted: Bagong jowa para sa tropa (tulungan ang babaeng luhaan, Luci)
Characteristics: kahit anong wala 'yung ex niya' then she hit the 'post' button! Nandoon pa ang cellphone number ko sa hulihan!Inilapag niya ang phone niya sa gitna namin bago nagsalita, "Share niyo 'yung post ko sa facebook, ah! Tapos, maghintay tayo ng tatawag kay Luci, isa-isa tayong sasagot. Syempre, tropa niya tayo kaya dapat pasado sa'tin 'yung magiging bagong jowa nito!" Sabi niya sabay pindot ng balikat ko.
Nanlaki nalang ang aking mga mata at hindi na nakagalaw para pigilin siya. Wala naman sigurong masama sa ginawa niya. She's just trying to help me. Sinusubukan niya lang na tulungan akong maka-move on. At malaking tulong nga ang ginawa niyang 'yon, kailangan ko ng bagong boyfriend! So my ex could realize na mali ang panlolokong ginawa niya sa'kin.
Muli akong napa-iyak na parang batang inagawan ng candy.
"Shush.." pagpapatahan ni Margo sa'kin nang hindi mahinto sa pagtulo ang mga luha ko. Hinaplos niya pa ang likod ko para kumalma lang ako.
Ano? Anong akala niya, hindi ko kayang maghanap ng kapalit niya? Hindi 'no! Madami pang iba riyan na hindi manloloko katulad niya. Damn him. Balikan sana siya ng karma! Mabaog sana siya! Mauntog sana ang alaga niya sa kanto ng mesa! O kaya naman, mabungi sana 'yung babae niya!
Fucking cheater!
Pilit kong isinisiksik sa isip ko na tumigil na sa kakaiyak dahil magmu-mukha lang akong kawawa at talunan sa paningin niya pero hindi ko magawa. Masakit padin.
Two fucking years! Dalawang taon ang itinagal ng relasyon namin tapos magloloko pa siya?! Ano?! Hindi pa siya kuntento sa'kin gano'n?! E binigay ko naman lahat, ah! Hindi nga ako nagkulang sakanya! Through ups and downs kasama niya 'ko!
Pero anong iginanti niya? Niloko niya lang ako! Pinaglaruan! Pinag-mukhang tanga!
Hindi ko nalang sana siya nakilala.
Hindi ko nalang sana siya pinatulan.
Hindi ko na sana siya sinagot.
E hindi naman siya guwapo! I lied. Guwapo talaga siya. Siya nga ang 'campus crush' dito. Tsk!
Hindi naman siya matalino! Kasama talaga siya sa dean's list. Bwisit na utak 'yun! Hindi bagay 'yung talino niya sakanya. Bakit? Kasi for sure, gagamitin lang niya ang talino niya para manloko. At isa na 'ko sa naloko niya. Bwisit.
Hindi naman siya masipag! Paano niya kami bubuhayin ng magiging mga anak namin?! Masipag talaga siya. Super. As in. Every free time, nasa library 'yun, nag-aaral lang nang nag-aaral. Pero kahit na anong busy niya sa pagbabasa, nakuha niya pang mambabae at lokohin ako.
Ang baho pa niya! Oo na, hindi talaga siya mabaho. Ang bango niya talaga. Sobra. Sa two years naming relasyon, na-memorize ko na nga ang amoy niya. Sa sobrang bango niya, daig pa niya ang amoy ng bagong paligong baby. Kaya siguro siya lapitin ng mga babae dahil sa bango niya.
Lihim akong napairap nang maalala lahat ng 'yon sakanya. Perfect na sana siya, e. Manloloko nga lang 'yung kupal na 'yun.
"Tama na, pre." Awat ni Alexi sa'kin nang magsasalin nanaman sana ako ng panibagong beer sa baso ko.
Nag angat ako ng tingin sakanila at nakitang halos lahat sila ay nakatitig na sa'kin, awang-awa sa kalagayan ko.
Natawa ako ng mapait. Kailangan ko 'to. Hindi ako kakalma hangga't hindi ako nalalasing at namamanhid. Tsaka mas tumatapang ako kapag lasing. Malay niyo, makasampal ako roon sa ex ko na hindi ko kayang gawin kapag nasa tamang huwisyo pa ako.
YOU ARE READING
My Winter (Quarantine Series #1)
RomanceMeet Lucille Cerezo, Ang babaeng marupok na pinakilig, niligawan, naging girlfriend at pinagpustahan lang pala nila Winter Guevarra. Pero maniniwala nga ba siya at bibigyan ng another chance si ex na nagbago na raw para sakanya at sa anak nila. May...