2

9 0 0
                                    



2

The Last Time


"What?" Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi niya inalis ang paningin sa akin. At ang mokong ay may gana pang kindatan ako! Napasinghap nalang ako nang alisin niya ang atensyon sa akin tsaka uminom sa bote ng alak niya na para bang walang ginawang kaweirdohan.


Napailing nalang ako at inalis ang paningin sa kaniya. Ngunit ang isip ay hindi maalis sa kaniya. Akala ko ba ay may girlfriend, pero kung makatingin sa akin at makakindat akala mo kung sinong gwapo.


Well, yes. Gwapo siya. Pero aanhin ko yung mukha niya kung ganyan naman ugali. Kahit malayo girlfriend niya ay dapat hindi siya lumalapit basta basta sa mga babae at makipaglandian! Buti ay natitiis siya ng jowa niya.


Natigil lang ang pag-iisip ko nang bumalik na si Adrian at sabihing mag-ayos na dahil sila na ang susunod sa entablado. "Let's go boys! And girls!" Tumayo narin kami upang lumapit sa stage para mas makapanuod ng maayos sa kanila.


Napili lang naming pumwesto sa gilid banda at hindi masyadong harapan. "Eris!" Napatingin ako sa kaliwang bahagi nang tawagin ako ni Mando. Nginitian ko naman ito. "Good luck sainyo!" Bati ko nang makalapit na siya sa amin ni Tasha.


"You mean sa atin?" Tumawa pa ito bago hawakan ang palapulsuhan ko at hilahin sa pinto papuntang backstage. "Bakit atin? Ha?" Parang nablangko bigla yung utak ko at hinayaan nalang si Mando na hilahin ako papunta sa kung saan. Hindi pa ata nagpoprocess yung nangyayari sa akin.


Bumalik nalang ako sa realidad nang huminto na siya sa paghila sa akin at hawakan ang magkabilang balikat ko. Napalingon ako sa paligid at nakitang nandon din sina Adrian, Steven, pati si Jameson. At sa likod ni mando ang daan patungong entablado.


Kitang kita mula sa kung saan kami nakatayo ang mga instrumentong nakaayos na. Pati na rin ang mga taong nag-aabang sa kanilang banda.


"Stay here, okay? After two songs tsaka mo kami sasamahan. You still remember the song we used to always sing?" Napatango ko ng wala sa sarili habang nakatitig sa kaniyang mga mata at pilit na ipinapasok sa utak ko yung mga pinagsasasabi niya. Para akong kinukulang sa brain cells at hindi ako makapagisip ng ayos.


"Okay good." Tinapik niya pa ang ulo ko bago umalis. Natulala na lang ako sa isang tabi. Nang marinig ko na ang sigawan mula sa labas ay saka lamang ako nakabalik sa wisyo. Ano ba 'tong pinasok kong kalokohan? Jusko naman Eris! Ayusin mo nga 'yang bobo mong utak!


Ramdam na ramdan ko yung kabog ng dibdib ko na para bang gusto nang kumawala mg puso ko sa sobrang kaba.


Tinignan ko ang entablado at nakitang nakatayo si Steven at sa harap nito ay isang keyboard, si Mando naman ay nasa likod ng drum set. Sa pinakaharapan ay si Adrian na may hawak na elecyric guitar at mikropono sa harapan nito. Katabi ni Adrian ay si Jameson na mayroong nakasabit na acoustic guitar sa balikat habang inaayos ang taas ng mikropono.


Hindi pa sila nagsisimula pero itsura palang nila ay malakas na ang hatak sa mga manunuod. May iilan pa akong naririnig na tinatawag ang pangalan ni Mando. Marahil ay kilala nila ito dahil dito rin lumaki si Mando.


'Di rin nagtagal ay nadinig ko na ang pagtapik ni Mando ng dalawang drum sticks niya hudyat ng pagsisimula nila. Unang tumugtog si Steven na dahilan naman kung bakit nagtilian ang mga kababaihan. At ang hindi ko inaasahan ay ang pagsisimulang kumanta ni Jameson.


"Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan.."


Malalim ang boses niya ngunit kahit na ganoon ay napakalambot niyon sa panrinig ko.


136199Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon