3

5 0 0
                                    



3

August

Narinig ko pa siyang nagsalita bago ko maisara ang pinto ng sasakyan. "I am not."


"Whatever." Ikinaway ko na lamang ang kamay ko habang nakatalikod at naglalakat papalayo sa kaniya.


I opened the gate to our house and made my way to the door. Nilingon ko muna ang sasakyan ni Jameson na hanggang ngayon ay naroon parin sa tapat ng bahay.


I opened the front door and that's when I heard Jameson's car go. Inside the house was my mom sitting at the couch of our living room, sipping from her cup of tea. "Good evening." I said when I walked passed her and went straight towards the stairs.


"Sino ang naghatid sa'yo?" Napatigil ako sa paghakbang paakyat at saka siya nilingon.


"Sabi ni Gabriel ay hindi ka daw niya maihahatid at mayroon siyang kailangan asikasuhin sa resort. Sino naghatid sayo?" Her voice was cold as it usually is pero parang hindi na ako nasanay doon. Her face was blank so it's really hard to tell what she's thinking about or what's she's feeling.


I tried my best not to sound nervous or what. I didn't really do anything wrong pero 'pag siya ang kausap ko ay lagi akong kinakabahan na para bang ano mang oras ay pwede niya 'kong itakwil.


"My uh.. my friend took me home." Gusto kong batukan ang sarili ko nang hindi ko pa mailabas ng ayos ang sasabihin.


"Sinong kaibigan? Eris, don't lie to me. Wala kang kaibigang lalaki."


That's when my heart started pounding. How did she know that? I don't know what to say to her or how to even explain that Tasha was so drunk she can't drive anymore so I allowed her cousin's playboy friend that I just met tonight take me home.


I can't make up any alibi so I just blurted out whatevers. "I have mom."


That's how I ended our conversation and continued my way up the stairs.


The next few weeks were a hassle and tiring for both me and Tasha. Finals week na kaya naman ay todo review kaming dalawa, lalo pa't graduating na kami next year. Tasha and I are both nursing students in a university just around our city in Cavite.


After that night in Rudolfo's ay hindi ko na muli pang nakita ang magkakaibigan maliban kay Mando na palaging nakatambay sa pub ng nanay niya. He is an intern sa architectural firm ng tatay niya sa Manila at sabi'y nagbabagot kaya napagdesisyonang magbakasyon muna.


Ewan ko ba sa isang iyon at tamad na tamad magtrabaho. Sabi pa nya na mas gusto niyang tumulong sa pub ng nanay kaysa sa magdrawing.


"Eris, naintindihan mo ba 'tong tinuro ni Sir Ronaldo? Wala akong magets! Ang hirap pa naman magpaexam no'n. Kala mo nagtuturo ng maayos. Halos basahin na nga lang n'ya yung PPT." Reklamo ni Tasha nang umupo sa upuan sa harap ko.


We decided to study sa pub nila habang hindi pa nasisimula ang trabaho ko at maaga pa. Kadalasang oras ng dating ng mga customer at alas singko o alas sais ng gabi. And it's just three in the afternoon so we still have some time para mag-aral.


"Alam mo ba," ani Tasha at ipinatong pa ang mga siko sa mesa para mailapit lalo ang mukha sa akin. "Yung quiz ni Ronaldo last last week, nakita ko sa internet." Nanlalaki pa ang mga mata niya habang sinasabi.


"Dai, kaya pala ang hirap jusko! Hindi naman pala siya ang gumawa. Gosh! Na-stress pa ako ng slight do'n tapos sa net lang pala galing." Sabay simsim nito sa straw ng juice niya at nakataas pa ang mga kilay.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

136199Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon