1

14 0 0
                                    



1

The Night We Met


"Villaceran. Wala na naman ba?! Sino ba'ng kaibigan niyan dito, ha? Pagsabihan niyo nga 'yang batang iyan. Kung hindi pumapasok, huli naman sa klase ko!" Rinig ko mula sa pinto ng classroom si Ms. San Jose ang paga-attendance niya. Ako na naman ang bukambibig niya! Hindi ko tuloy alam kung papasok pa ba ako o hindi kasi paniguradong bubungangaan lang naman niya 'ko.


Laging ganito ang ginagawa niya tuwing klase niya sa section namin. Ako lagi ang pinagdidiskitahan. Hindi ko alam sa babaeng iyon kung anong problema niya.


Huminga na lamang ako ng malalim bago napagdesisyonang pumasok na sa klase gamit ang pinto sa likod. Yumuko pa ako para hindi niya mapansin ang pagpasok ko pero talagang matalim ang paningin niya pagdating sa akin.


"Good morning Miss Villaceran! Napaka-aga mo namang pumasok ngayon." Napatayo ako ng ayos nang marinig kong tinawag ako.


"Good morning po." Seryoso ko lamang siyang binati na para bang hindi ako late sa klase niya at saka diretsong naglakad papunta sa upuan ko. "Pasalamat ka at mataas ang grado mo sa klase ko, Villaceran." Edi, thank you?


Nang makaupo ay agad naman akong kinalabit ng katabi ko. "Ba't late ka? Naggi-gig ka na naman ba? Naku Eris, lagot ka na naman sa tatay mo." Bulong niya nang lingunin ko siya.


"Siyempre 'di mo sasabihin sa kanya. Sakto pa nga at wala sila nina kuya kagabi sa bahay kaya hindi ako nahirapang tumakas. Buti nalang at hindi rin ako sinusumbong ni Manang kay Mommy. Panigurado ay susumbatan na naman ako no'n ng kung ano-ano." Kwento ko sa kaniya.


Paano ba naman kasi ay ayaw ng ama at mga kuya na sumasali ako sa mga banda. Kaya tumatakas nalang ako kapag gabi tuwing wala sila, para makisali sa mga bandang rumaraket sa isang pub na 'di kalayuan sa bahay namin.


"Nasa'n ba ngayon? Nakauwi na ba?" Palihim kaming nagkukwentuhan ni Tasha sa likod ng libro na timatakip sa bibig niya. Habang ako ay sinusulat ang kung ano-anong sinasabi ni Ms. San Jose. "May business trip ata yung mga 'yon. Ewan ko sa kanila. Puro gano'n naman inaatupag lagi eh."


"Kailan ang uwi ng mga 'yon?" Tanong niya pa. Nagkibit balikat nalang ako nang mapatingin ang guro sa amin ng masama. Nang mawala ang tingin niya sa amin ay kinalabit na naman ako ni Tasha. Kailan ba titigil sa kakadaldal 'to?


"Ano? Bakit na naman?" 'Di ko na siya nilingon at baka mahuli pa kaming hindi nakikinig. "May banda ako para sayo mamaya. Naaalala mo si Mando? Kasama niya yung barkada niya galing Manila. Susubukan daw nila tumugtog mamaya dito sa'tin." Nakuha naman niya ang atensyo ko nang banggitin niya ang tungkol sa banda ni Mando.


High school nang una kong makikala si Mando na pinsan ni Tasha. Dito sa Cavite nag-aral si Mando ng ilang taon bago lumuwas ng Maynila. Dinadala nila akong dalawang magpinsan palagi para manuod ng mga bandang tumutugtog sa pub ng mama ni Mando. Mula noon ay nahilig na ako rito. Sila rin ang nagturo sa aking mag-gitara. Kung minsan pa'y napapakanta rin sa pub kapag wala masyadong tao.


Kaya lang, nang malaman ng tatay ko na ginagabi ako minsan ng uwi ay pinagbawalan na akong lumabas kasama sila. Ilang taon pa ang lumipas ay nadiskubre ko ang pagraraket sa tulong na rin ni Tasha.


136199Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon