CHAPTER I

4 1 0
                                    

Third Person's P.O.V

Tahimik na nagmamasid si Prinsesa Mira mula sa himpapawid suot ang kaniyang kasuotan pangdigma sakay ng alaga niyang basilisk, isang uri ng dragon. Napadaan siya sa isla ng dating Reyna Mátia nang mapansin niyang may dalawang kahina-hinalang lalaki na nakasuot ng itim na kalasag at tila may hinahanap sa isla.

Agad na kinumpas ni Prinsesa Mira ang kaniyang kamay upang utosan ang kaniyang basilisk na bumababa sa isla.

"Anong ginagawa niyo dito sa isla ng dating Reyna Mátia?" Pagalit na tanong ni Prinsesa Mira dahil walang sinoman ang pwedeng pumunta dito maliban sa mga maharlikang tulad niya at ng mga Theoí and Theés.

"Ang kapatid ni Reyna Liréta!" Sigaw ng isang lalaking nakasuot ng itim na kalasag.

At inayos nila ng isa pa niyang kasama na nakasuot ng itim na kalasag ang kanilang istilo na parang hinahamon ang Prinsesa sa isang laban at ganoon din naman ang ginawa ng Prinsesa.

Unang sumugod ang kaninang nagsalitang lalaki, akmang sasaksakin niya ang prinsesa ng kaniyang espada ngunit mabilis nakaikot ang prinsesa at naiwasan niya ito. Sinipa ito ng prinsesa ng sobrang lakas kaya sumubsob ito sa lupa. Tatayo pa sana ito pero agad siyang nalapitan ng Prinsesa at agad na tinarak ang kaniyang espada sa dibdib nito. Sumirit ang dugo ngunit hindi man lang natinag ang prinsesa at agad na lumingon sa isa pa.

Patakbong sumugod ang isa pang lalaking nakasuot ng itim na kalasag sa prinsesa ngunit hindi pa man ito nakakalapit ay ginamit na ng prinsesa ang kaniyang kakayahan na maglaho upang makapunta sa likoran nito. Agad na sinakal ng prinsesa ang lalaki sa leeg gamit ang kaniyang buong braso at tinutok ang kaniyang espada sa dibdib nito.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 18, 2021 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The Journey of the Long Lost PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang