Setting: Felipe St. dulo
Oras: GabiTahimik ang daan kung saan nagtatagpo ang West River Side at Felipe St. ngayong gabi. Sira ang poste ng ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim na parte nang West River Side kaya puro ilaw ng flashlight mula sa likod ng tig sa-sampum pisong lighter ang makikita mo mula sa malayo. Parang mga maliliit na bituin sa lupa na sumasayaw sa kadiliman ng gabi.
Sa parte ng Felipe ay may isang lumang poste ng ilaw na nagbibigay ng dilaw at malamlam na liwanag. Sa matarik na daan na ito dumaraan ang mga Jeep na Frisco - Balintawak ang ruta ngunit ngayong gabi ay manaka-nakang tricycle at motor lang ang napapa-daan.
Halos wala kang makikitang bituin ngayong gabi. Maaring ito ay dahil sa ilang araw nang nag-babadya ang ulan ngunit sa di malamang kadahilanan ay nauudlot ito na para bagang mga butil ng luha sa mga mata na nag hihintay ng tamang panahon upang pumatak at hayaan ang kalungkutan na umagos kasama nito.
Sa bandang ibaba ng Felipe ay may maliit na Arcade Shop kung saan makakapag laro ka ng Play Station na piso kada tatlong minuto. Doon nakatira sila Loloy, Ninoy, at Janizze. Madalas doon tumambay ang banda nila Mikel upang mag laro ng iba't - ibang mga laro gaya ng Guitar Heroes, Bully, Resident Evil, at marami pang iba. Ngunit imbes na Controler ang hawak nila ay baso, bote, chichiria, at juice sa lamesa ang kanilang mga kaharap.
"Kaninong tagay na ba?" Tanong ni Loloy.
Walang umiimik.
"Oh Ninoy simulan ulit natin sayo"
"Kakatapos ko lang ha?"sagot ni Ninoy habang kinukuha ang tagay na inaabot sa kanya.
"Kayo-kayo na lang nag dudugasan pa kayo!" pabirong sabi ni Janizze. "Kaya nga uminom para malasing eh bakit tanggi ng tanggi?"
"Kinuha ko diba? Ibig-sabihin tatagayin ko" sabay tagay ni Ninoy. "Yung iba kasi jan puro papak ng pulutan at inom ng iced tea" at mapang-asar na ngumuso kay Wilson na nasa kasarapan ng pag papak nang mamisong chichiriang Jakie Chan.
Ang lahat ay nag tawanan.
"Puro ka talaga kalokohan Ninoy. Maiba tayo. Kamusta naman ang banda nyo?" tanong ni Loloy.
"Oo nga! Ngayon ko na lang kayo nkita ulit eh. Asan si Tanes?" Tanong ni Janizze.
"Yun nga rin ang tanong namin eh." sagot ni Mikel "Hindi rin namin alam. Nawala nang parang bula at walang bakas." dagdag pa nito.
"Baka nag-asawa na?!" Sabi ni Ninoy na nasundan ng malulutong nilang tawa.
Masayang nag-inuman ang lahat. Nai- kwento na rin nila ang plano nilang mag palit nang tugtugan.
"Sample nga dyan? I video ko. Upload ko sa YouTube." hiling ni Janizze.
Gamit ang kamera ng kanyang Cellphone ay kinunan nya ang pag tugtog at pag awit nila Mikel. Si Wilson ang gumigitara habang kumakanta na sinasabayan din ni Mikel ng rythm. Ang lamesa naman ang nag silbing tambol ni Mark at si Teddy ay nag 2nd voice.
"This is what my heart longs to tell
my words are clear I love you and
I always will...."May mga tambay na napapatingin at nahikayat na makinig sa kanila. May mga kapit-bahay din na napadungaw sa bintana na parang hinaharana.
"...I just want to prove to you my dear
I loved you then, I love you still."Isang matanda ang lumapit at bumulong kay Janizze.
"Anu yang kinakanta nila?" sabi nito.
"Kanta nila." sagot ni Janizze.
"Maganda..." Naka-ngiting sabi nang matanda.
*Camera zoom out while going up towards the dark sky*
"WRS > West River Side? Nooo!
It's West ROCKER'S Side"
- Virgin people ng Frisco

BINABASA MO ANG
Nukleyar Hopia (Ang Rakstar)
Short StoryIto ay hindi lang basta kwento. Ito ay kwento nang mga magkakaibigan na minsang nangarap na sumabay sa alon nang industriya nang musika dito sa Pilipinas. Nangarap sila at pinilit itong abutin sa mga panahong wala pang masyadong makinarya para sa mg...