Bagong Tunog

47 1 1
                                    

Setting: Labas ng AM session studio
Time: Hapon

Naunang lumabas si Mikel ng studio matapos iabot ang bayad kay Mommy Jho.

"Bumalik kayo sa isang linggo may sasabihin ako sa inyo."

Wika ni kuya Ted.

Tumango lang si Mikel habang nakangiti at binitbit ang gitara palabas.

Bumungad sa kanya ang mga pamilyar na mukha na lagi nyang nakakaharap kung hindi man sa studio na ito ay sa mga gig na natugtugan na nya o mga battle of the bands na nasalihan na niya noon.

Hindi lahat nang naroon ay alam nya ang pangalan ngunit kilala nya ang mga mukha. Marahil Siya rin ay kilala ng mga ito.

May papalapit na pamilyar na mukhang nakangiti sa kanya. Pinilit nyang alalahanin kung sino ito ngunit hindi talaga nya maalala ang pangalan.

"Jordan ung tuner nasayo ba?" tanong ni Usod isa sa gitarista ng bandang Cujo.

Dun naalala ni Mikel kung sino ang kaharap.

Si Jordan gaya nya ay gitarista rin. Sya ang gumawa ng halos lahat ng kanta/areglo ng metal post hardcore nilang banda, ang Cujo.

Madalas ay nagkakamali ang mga MC ng events sa pag bigkas ng pangalan nila kaya ang madalas na biro sa kanila ay "Kuho".

Cujo - Kudyo

Ito ay hango sa karakter sa librong binabasa ng bokalista ng Chicosci.

Ang dating pangalan ng grupo nila ay "Hair Suklay" dahil sila-sila ang nag gugupitan n kanilang mga buhok.

"Kamusta pare? Bago yun ah?"

Bati ni Jordan kay Mikel.

"Sakto lang dude. Oo pre gawa ni Wilson. Punk nga lang." si Mikel.

"Okay nga eh. Tagal nyo ding nawala ah? Dalawang bwan b?" ani Jordan.

"Mag tatatlo dude. Ang daming nangyare eh."

"Ganun ba? O sige maya na lang pre tono ko muna ung bass ni Gretchen"

Nag fist-bump muna sila bago pumasok ng studio si Jordan.

Umupo sila sa isang sulok sa labas ng studio upang mag pahinga bago umuwi.

Katabi nila ang mga bandang Pentatoothpick, Elemets of Surprise at Immortal Yell na pawang mga kaibigan na nilang banda.

"Wala na ba talaga si Tanez mga idol?"

Tanong ni Jake na drummer ng bandang Recidue

"Wala eh, tatlong buwan kami nag hintay di naman nagparamdam. Hindi naman pwedeng basta nalang tumigil ang banda dahil sa kanya." sagot ni Teddy.

"Kaya nyo naman siguro kahit wala sya diba?" Tanong ni Maki ang lidista ng Immortal Yell.

Bumalik ang alaala sa kanilang apat.

Tanes...

Tanes..

Tanes..

Si Tanes ang dating bokalista nila.

Marami raming BOB na rin ang nipanalo nila dahil sa kanya. Kilala n sila sa underground noon dahil narin sa kariama nito at galing sa pagiging front man.

Walang gig na walang lalapit dito upang makipag kamay o makipag kilala. Masasabing siya ang leader ng banda.

Sya ang nagpakilala kay Wilson sa kanila na ngayon ay kanilang lidista.

TOCHIE ang pangalan ng kanilang banda.

Sa di alam na dahilan ay bigla na lang syang hindi nagpakita. Hindi makontak. Maraming gig ang nasayang pati pagkakataon.

Yun ang dahilan bakit hindi agad sila nakasagot sa tanong ni Makki.

Kayanin kaya nila?

O baka mabigo lang at mauwi ang lahat sa wala. Magulo pa ang isip ni Mikel nang sumagot si Wilson.

"Kayang kaya pare. Makikita nyo rin ang bago at mas pinatindi naming banda."

Ang lahat ay napatingin sa kanya habang naka taas ang sarado nyang kamao na parang isang mandirigmang nag wagi sa labanan.

*Insert the intro of Forever Young by Valley of Chrome*

"siguro dito na ko sa Frisco tatanda.
O kahit mabaliw ako at mawala sa
sarili ay babalik at babalik ako dito."
-Michael Lim
Guitarist Nukleyar Hopia

Nukleyar Hopia (Ang Rakstar)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon