Cinderella

11 0 0
                                    

Setting: Felipe St.
Oras: Gabi

Halos 4 na oras din silang uminom sa Felipe. Wala silang balak mag lasing. Nais lang talaga nilang makasama muli ang mga kaibigan na sumusuporta sa kanilang banda. Mas marami ang kwentuhan kaysa tagay. Mas marami ang tawanan kaysa tungga at mas marami ang tugtugan kaysa bote ng alak na napatumba.

"Totoo ngang nakaka miss ang mga kaibigang tunay. Kung kaya nga lang na pahintuin ang oras pag kasama kayo" sabi ni Wilson

"Wag mo na kami utuin. Ok na. Kami na mag lilinis dito pwede na kayo umuwi hahaha" pabirong sagot ni inoy habang binubuhat ang mahabang bangkong kahoy upang dalhin sa loob ng arcade.

"Salamat talaga ha? Lagi kayong nandyan para samin. The best talaga kayo" sabi ni mikel

"Para ka namang iba." Tugon ni Loloy na abala sa pag bitbit ng mga basyo ng bote ng alak na naipon sa ilalim ng lamesang iniinuman nila.

"Ang saamin lang naman ay sundin nyo ang laman ng puso nyo. Kung saan man kayo dalhin nyan, sigurado dun kayo magiging masaya. Basta wag lang kayong bibitaw." Matalinhagang bilin ni Ninoy bago sila tuluyang umalis.

Ang mga katagang ito ay nagpaulit ulit sa isip ni Wilson. Kahit mag tre-trenta minutos na syang nakahiga sa kama ay hindi sya makatulog. Naka ilang baling na sya ngunit paulit ulit ang mga katagang ito sa tenga nya...

"...wag bibitaw"

Nasambit nya nang wala sa sarili.

Lingid sa kaalaman nya ay ganun din ang nararamdaman ng kanyang mga ka banda.

Pagkauwing pagka uwi palang nga ay nag papalitan na pala ng Text Message sila Mark at Mikel.

Text:
"Dude bitin sa inom di ako makatulog kasama ko Teddy dito umisang Mucho pa kami" -Mikel

"Ganun? Ako good na ko. Di nga lang maka tulog. Nakikinig ako sa mga punk para me idea ako pag nag practice tayo sa susunod eh." -Mark

"Ok yan dude. Parang na eenjoy ko na nga rin eh. Tama lang siguro na subukan natin tong bagong tunugan natin. Palagay ko para tlga tayo dito" -Mikel

"Onga eh. Kasi unang sabak palang click na agad. Ok din tong si Wilson eh maloko talaga." -Mark

"Likas na sa kanya un eh. Haha. Akalain mo gumawa ng kanta tungkol sa lason." -Mikel

"Hahaha oo nga eh. Sabi pa nya bakit daw ung mga lason para sa tao walang advertisement? Ayun ang loko gumawa ng imaginary product, hotdog pa ang napili" -Mark

Naputol ang palitan ng text nila nang mag pasa ng quote si Wilson sa kanila.

Text:
"Roses are red
Violets are blue
If God made every thing beautiful,
Then who made you?

GM"

"Hoy alas dose na!!! Matulog ka na"
-Teddy

Pagkabasa ni Wilson ng text ni Teddy ay bigla syang napa balikwas at dali daling bumangon. Kinuha ang isang lumang notebook na may nakaipit na bolpen at dalidaling sumulat habang hinuhuni ang tono na naiisip nya.

Nang maisulat na ito ay dagling kinuha ang gitara at tinipa ang tonong kanina pa nya paulit ulit na inaawit sa utak nya.

"Wag bibitaw patuloy ang sayaw
Ating mundo'y tumigil na sa pag galaw
Gustong kasama ka hanggang mag umaga
Alas dose na paalam na Cinderella"

Siya'y napangiti nang matapos ang koro ng kantang naiisip nya buuin. Naiinip nanaman syang dumating ang kinabukasan upang maibahagi nya ang bagong awit na ito sa kanyang mga kabanda.

Lumingon sya sa bintana at nag taka.

"Bakit parang mag uumaga na?" Naitanong nya sa sarili

Nilingon nya ang cellphone nya at kinuha ito upang tignan ang oras.

"Hala!!" Napa sigaw sya.

4:40 na pala nang umaga. Kailangan nyang matulog dahil Biyernes na at marami silang gagawin kapag Biyernes.

Sinara nya ang bintana at pinatay ang ilaw.

Namayani ang katahimikan sa kanyang kwarto at ilang sandali pa ay tuluyan na syang nahimbing.

*Fade to black*

"Wag ka sanang tumakbo naiwan mong sapatos mo naiwan ko naman ang puso ko sa piling mo"

Cinderella
Nukleyar Hopia

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nukleyar Hopia (Ang Rakstar)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon