Simula

20 5 0
                                    

Please don't forget to drop your thoughts on this chapter. I really love to read your feedback and it makes me flattered <3

Enjoy reading! :) 


"ILANG kilo po nang isda, ale?" Inilagay ko ka-agad sa mangkok ang mga isda na binili ng ale saka ko tinimbang. "Isa at kalahati pong kilo," pagkatapos ko sinabi sa kanya ay tumango ito at dali-dali kong inilagay sa plastik na pambalot. Ngumiti ako sa kanya bago ako nagpapasalamat.

"Anak, pasensya ka na natagalan ako. Ang daming tao na gumamit ng banyo," isinuot ni nanay ang plastik na apron bago tumingin sa akin.

"Nako, okay lang po, nanay," magiliw kong sabi. Kinuha ko ang espongha saka ko ginamit pang punas ng kutsilyong panghiwa.

Ganito ang araw-araw na gawain naming mag-ina. Gigising ng madaling araw para kunin at magsimulang magtrabaho sa nagmamay-ari ng mga isda nang mag-asawang Valdez. Napakunot nalang ang aking noo ng nakaramdam ako ng hapdi at puro dugo ang nasa kamay ko.

Bago pa makita ni nanay ang sugat na nasa kamay ko ay agad ko na itong hinugasan ng tubig, pinipilit ang hapdi nito, saka pinunit ang isang damit para gawing pangtakip ng sugat. Napahawak nalang ako sa aking tiyan dahil bigla kong naramdaman ang gutom.

"Ale, pwede po bang magtanong? Anong oras na po?" tanong ko sa isang kustomer na may relo na suot.

Tumingin ito sandali sa akin saka tumingin sa relo. "Ala siyete, magkano 'to?" sabay turo sa isdang bangus.

"Isang daan at limampung piso lang ho, ma'am," si nanay na ang sumagot sabay tingin sa akin. "Magbihis ka na dahil isang oras nalang pasok mo na."

Mabuti nalang hindi nakita ni nanay ang sugat sa kamay ko.

Dali-dali akong tumango sa kanya saka ko kinuha ang aking bag na nakatungtong sa itaas na bahagi. Pumunta ako ka-agad sa banyo para magbihis ngunit ang daming nakapila kaya tumakbo ako at pumunta sa ibang bahagi ng palengke kung saan ang isang lumang banyo na hindi masyado ginagamit.

Habang naglalakad pabalik sa tindahan namin ay inayos ko ang aking suot at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

"Nanay, aalis na po ako." Napasulyap ako sa isang tinapay na kinain sa kasamahan namin dito sa palengke at umiwas na ako ka-agad ng tingin dahil sa gutom. "Nanay, hintayin niyo parin ako, ah? Para matulungan ko kayong mag-ayos ng mga paninda."

"Nako, huwag na dahil nakakasiguro ako na pagod ka galing paaralan. Oh sige na, ito baon mo. Nandiyan na ang pang tanghalian mo. Mag-iingat ka, Ava," mahabang sabi ni nanay.

"Opo! At nanay hintayin niyo parin ako, paalam!" Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin dahil agad na akong lumakad. Hindi na ako sumasakay ng dyip dahil dagdag gastos lang ito at sa loob ng anim na taon ay nilalakad ko lang papunta sa paaralan mula sa palengke, naglalakad din papauwi.

"Magandang umaga po, manong guwardya!" Araw-araw ay palagi kong binabati ang nagbabantay ng paaralan dahil alam ko kung gaano din sila kapagod. Habang naglalakad sa loob ng kampus ay napatigil ako nong ang daming mga babaeng nagtitilian.

"Psh. Akala mo naman artista 'yong nakikita. Hindi ba sila nagsasawa tumitili, araw-araw?" wala sa sarili kong sabi.

"Dapat masanay kana," napatingin ako sa aking likuran dahil sa nagsasalita. Napangiti ito nong tumingin ako sa kanya. "Magandang umaga, Ava!" pagbati nito.

"Magandang umaga din, Roy! Kakapasok mo lang din?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, kanina lang ako dito. Hinintay kita para sabay tayong pumasok." Hindi parin ako nasasanay tuwing hinihintay ako ni Roy. Sa loob ng anim na taon ko sa pag-aaral, si Roy lang 'yong taong malapit sa akin dito sa paaralan.

Because Of The DareWhere stories live. Discover now