Kabanata 1

8 2 0
                                    

Sana nag enjoy kayo sa simula ng akda na 'to. Habang sinusulat ko 'to, kinikilig ako na ewan haha :) Nawa'y kayo din! 

Enjoy reading! :) 



"PASENSYA pala kahapon, Ava, hindi ko na kasi nasabi sa'yo kahapon na may emerhensya nangyari sa bahay. I will do everything para makabawi ako sa'yo sa paghihintay."

Hindi ko magawang pansinin ang sinabi ni Roy dahil puro pagtataka at mga tanong ang nasa isip ko.

Bakit siya nandoon sa labas ng bahay namin? Paano niya nalaman ang lugar namin? Bakit siya nandoon? Anong pakay niya? Bakit hindi ko magawang intindihin ang mga sinasabi niya sa akin kanina?

"Galit ka ba sa akin, Ava? Pangako, babawi ako. Saan mo gustong pumunta, gusto mo samahan kita?"

Napabuntong hininga ako dahil sa mga tanong na kahit kailan hindi ko magawang sagutin. Bakit ba kasi nangyari ang eksenang ito? Unang-una, 'yong paglapit niya sa akin sa kantina at kinausap niya ako. Pangalawa, 'yong kagabi na sinasabi ng kapatid ko. Poging lalaki na kaibigan ko daw? Pangatlo, hindi ko nasamahan si nanay sa pagtitinda ng isda at pang-apat, nangyari kanina. Bakit nandoon siya? Sa pagkaalala ko kahapon lang kami unang nag-usap at para bang umaakto siya kanina na malapit kami sa isa't-isa.

Nakakalito!

"Pinuntahan kita kahapon sa kantina ngunit hindi na ako lumapit sa'yo para magpapaalam. I saw you with him. Ayaw ko naman maputol ang pag-uusap niyo dahil lang sa pagdating ko." Awtomatiko napaangat ang aking ulo sa kanya dahil sa bigla kong narinig. Nakita kong malayo ang kanyang paningin habang naglalakad kami patungo sa silid namin.

Pumunta siya? Bakit hindi ko siya nakita? At sinong him ang tinutukoy niya? Bigla kong naalala ang lalaki ulit. Naalala ko muli ang eksena sa kantina kung saan niya ako tinanong. Bakit nga pala ako kinausap no'n? Hindi na ito nagsalita muli hanggang sa nakapasok na kami ng tuluyan ng silid.

Natapos nalang ang tatlong asignatura na klase ay hindi parin ako kinakausap ng kaibigan ko. Nagtatampo ba siya dahil hindi ako nakinig sa mga sinabi niya? Inayos ko muna ang aking mga gamit bago tumayo. Ngunit, naagaw muli ang aking atensyon nong nagtilian ang ilang babae kong kaklase kaya sinundan ko ang kanilang paningin.

Napalaki ang aking mata nang nakita ko muli kung sino ang tinilian nila. Agad akong tumalikod at dali-dali kong hinarap si Roy.

"Roy—"

"Divienne!" hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa biglaang pagtawag ng lalaki sa akin. Napatigil ako nong tinignan ako nila Roy at mga kaklase ko na may pagtataka sa mga mukha nila.

"Roy, mag meryenda---"

"You have to come with me, Divienne," pagputol muli ng lalaki sa sinabi ko. Bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa pinapakita niya ngayon. Hinarap ko siya na may pagtataka sa mukha. Nanliit ang aking mga mata nong ngitian niya ako.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko ka-agad. Nakita kong napatigil siya sa tanong ko kaya napasulyap ito sa kasamahan niya. Dahil nakaramdam ako ng gutom ay humarap ako muli kay Roy at ngumiti ng pilit.

"Just come with me, Divienne," sabay hablot sa balikat ko kaya napaharap ako muli sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha habang ang paningin nito ay na kay Roy. Sinulyapan ko ng tingin ang aking kaibigan at nakita kong pabalik-balik ang kanyang paningin sa balikat ko kung saan ang kamay na nakahawak ng lalaki at sa akin.

"W-wait, I was confused by what was happening now," biglang nagsasalita si Rheadin. Humarap kami sa kanya at nakikita mo talaga sa kanyang mukha ang pagtataka. "So, do you know each other? Well, that's—"

Because Of The DareWhere stories live. Discover now