Chapter 6

661 38 2
                                    

Ashley

"Honey, okay ka lang?"

"Oo, nahilo lang. Ang haba ng byahe natin eh."

"Gusto mo ba sa hotel na muna tayo?"

"Uwi na tayo sa bahay nyo. Excited ka na makita Mama mo eh!"

"Honey."

"Joke lang. Pero sa bahay nyo na lang talaga tayo. Mawawala din to."

"Yung gamot mo ba saan nakalagay?"

"Jan sa bag. Pipikit na muna ako. Gisingin mo ako kapag malapit na tayo sa inyo. Maglilipstick ako."

Lagpas isang taon na kaming kasal ni Sandro, at wala naman akong nakitang masama sa taong ito. Infact, sweet sya, malambing at napakabait. Minsan nga lang may toyo din pero tolerable naman.

My transplant has been successful. Eto nga't bago kami umuwi, isa na akong cancer survivor. Salamat sa bone marrow ng asawa ko at sa pera na din nya kasi napakamahal ng lahat ng treatments.

I fell asleep on his shoulders which I often do. Eto yung naging side effects ng naging treatment, sobra akong naging antukin.

"Honey gising na. Andito na tayo sa village gate, malapit na sa bahay."

So I hurriedly went up and had my lipstick. Di ako pedeng maputla kapag nakita ako ng evil biyenan ko.

"Ganda naman talaga ng asawa ko."

I kissed him and he just smiled.

"Andito na tayo."

Malaki ang bahay nila Sandro, mas malaki sa bahay ng Daddy ko. Mukhang mayaman nga talaga itong asawa ko.

Hindi pa man nakakatungtong ang mga paa ko sa lupa ay narinig ko na ang boses ng Nanay nya.

"Anak Sandro, buti naman, sa wakas at umuwi-- may kasama ka?"

"Ah, Ma, asawa ko po. Honey, si Mama, Mama, si Ashley Katherine Dizon-Marques asawa ko po."

"Asawa? May asawa ka na? Anak, Sandro wala kang nabanggit sa akin. At kilala ko sya, dati syang artista."

Hinampas ko si Sandro sa harap ng nanay nya.

"Honey! Hindi mo sinabi?!"

"Honey 'wag ka na magalit please. Magpapakasal naman ulit tayo dito sa Pilipinas diba? Please. Mama naman hindi mo man lang ba muna kami papakainin?"

"Ah, pasok kayo. Nakaprepare na yung lunch."

"Lika na Honey, akina na yang bag mo."

By the looks I already have 1 point over his mother.

"Pakidagdag ng utensils. Sandro anak, paborito mo lahat ito."

Talaga naman palang grabe sya pagsilbihan ng nanay nya. Aba pati kanin lalagyan pa sya sa plato. Balak ko sanang gawin yun pero hindi na lang, ieenjoy ko na lamang muna ang panoorin sila.

"Hindi ka kumakain ng ca---"

Nagulat ang Mama nya ng lagyan nya ako ng carrots at patatas sa plato.

"Hon, damihan mo ng kain."

"Sandro!"

Napatitig sa akin ang Mama nya.

"You call him Sandro?"

"Opo, hindi ba't yun naman ang pangalan nya?"

"Ikaw lang kasi at si Mama ang tumatawag sa akin ng Sandro, Honey."

"Ah, akala ko naman. Honey, lagay ka ng lagay sa plato ko. Ikaw ang kumain jan, para sa'yo lahat ito."

We acted sweet, although sweet naman talaga kaming dalawa. Mula nung ikasal kami, we treat each other well.

After lunch, sinabihan ni Mrs. Marques si Sandro na mag-uusap sila kaya pumunta na lang ako sa kwarto namin. Pero dahil wala si Sandro at hindi naman ako likas na pakialamera, hindi ko na muna inayos ang gamit ko. Hintayin ko na lang sya hanggang nakatulog ako.

"Honey wake up! Magdinner na."

"Ha? Napahaba pala ang tulog ko."

"Inayos ko na ang mga gamit mo."

"Hala hinihintay kita kasi di ko alam saan pwede eh."

"Kahit saan, kwarto natin ito. Lika na, dinner na."

During dinner, Sandro's mother is still giving me bad glances. Pero wala ako care. Habang pinagsisilbihan nya si Sandro, si Sandro naman pinagsisilbihan ako.

"Anak, why don't you eat first? Your wife should be okay."

"Kumain ka kasi."

"No Ma, I need to make sure my lovely wife eats."

Hinampas ko naman sya. At para matapos ang unang araw namin, sinubuan ko na sya. The stares his mother gives are really really scary. Buti na lang nga at nakaranas na ako ng near death, kung hindi, baka ngayon nagtatakbo na ako paalis ng bahay nila.

"Honey, ngayong andito na tayo sa Pilipinas ano ang gusto mong gawin?"

"Wala naman."

"Ikaw?"

"Gusto kong makitang masaya ang taong sinaktan ko."

"Honey."

"Ikaw, ayaw mo ba makita si Corrine?"

"We're long done Honey."

"Sinabi ko naman na saýo Sandro, you need to hear her out. Baka mamaya may reason naman sya."

"I am fine with you Honey. How about you? Babalikan mo pa rin ang ex mo?"

I smiled at him.

"Hindi ko sya babalikan, ang gusto ko, makita ko syang masaya."

Sandro smiled.

"Go to sleep, sasaya ako kapag tuluyan ka ng gumaling."

"Good night Honey."

"Good night, Sweet dreams."

May the good angels be with me on this new journey of my life.

UnenviableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon