Yuni POV
Lagi na kaming magkatxt at magkachat ni Uno. Masaya ko, ewan ko ba, pero hindi dapat eh. Hindi. :(
(Text)
"Yuni, may bf ka pala."
"Ah. Eh oo..nakita mo sa posts ko nu??eh pero di naman kami nagkakasama eh."
"Oo, ahm..Bakit naman?"
"Nasa ibang bansa kasi sya."
"Ah ayos pala, big time."
"Fil-Am sya eh..may sakit Kasi sya kaya dun sya nagpapagamot."
"Oh?ano sakit?"
"Ahm..eh brain cancer.. :("
"Hala."
Uno POV
May bf pala sya. Haay..badtrip naman oh. Ang sama ko naman Kung eepal ako sa kanila tapos may sakit pa yung lalaking yon. Titignan ko nga profile nun. Hmmmm.. Pero bakit Nya ko ineentertain Kung my bf sya? Hay ewan.. Iiwasan ko na sya hanggat maaga pa...
(Tinignan ni Uno ang profile ng Bf ni Yuni)
Arrgghhh.. Dehado! Magandang Lalaki pala eh. Tss. Hindi ko na sya itetext talaga! Hindi na ko magrereply.
Yuni POV
Mali to eh.. May bf ako eh.hay Hindi ko dapat ineentertain si Uno, pero.....pero dati ko pa gustong hiwalayan bf ko. Yung puso ko.. 50-50 na eh.. 50% love, 50% awa.. Yes. Awa nalang yung kalahati. :( awa na Hindi ko sya dapat iwan sa ganung kalagayan..Huhu! Pero Kung patatagalin ko pa mas lalo lang kami mahihirapan dahil kahit gumaling sya Ayoko na rin eh. Sabi nila sakin ang cancer kahit gumaling mataas yung possibility na bumalik uli. Kaselfishan man ang gagawin ko, pero iniisip ko lang ang future ko, baka maagang mawalan ng tatay ang mga magiging anak ko at ako maagang mabiyuda.. Iiiihhh..basta. (Open-minded nga jan pls.) Sige kapag gumaling nalang sya saka ako lalayo.. Sa ngayon, ang lalayuan ko muna si Uno!hindi ko na sya itetext talaga! Hindi na ko magrereply.
(Text)
(1 message received from Yuni)
Nagmamadaling basahin ni Uno ang text.
"Hi Uno..kamusta?"
"Eto ok lang, laro lang PSP ikaw?"
"Nasa school, break time ko e."
Uno POV
Naksyete naman oh! Bakit ba Hindi ko matiis yung babaeng yun?!! Bakit pakiramdam ko may bumubulong sakin na dapat syang alagaan, na kailangan Nya ng kakampi! Bakit ba ganito kase?!! Parang may kulang kapag hindi ko dama yung presensya nia.. Yung kadaldalan nya.. Yung kalokohan nia!yung kakulitan nia.. Juice ko Lord.
Yuni POV
Grrrrr!! Bakit ba Hindi ko sya matiis??!! Yuni anu ba?!!! Huhuhu. Bahala na nga.
(Chat)
"Uno, panuorin mo yung video ko.."
"Wow..ang ganda ng boses mo! Kakainlove!"
Uno POV
Hindi lang sya maganda.. Talented pa! Swerte nung mokong na amerikanong hilaw na yun! Pero bakit True Colors yung kinanta Nya sa video??!!!!!! Ano ibig sabihin Nya dun??!!!!!!!!ano??!!!!!!!!!!! (Oo.. O.a. ako jan.)
(Text)
"Yuni, bakit pinapanuod mo sakin yung video mo ng true colors?"
"Wala lang, bakit? Ano ang problema sa true colors?"
"Ah.eh.wala.wala."
"Nyi..bakit nga??"
"Wala.. Ui nga pla, may mga post ka na naman para sa bf mo ah.. May video pa eh. Sweet mo namaaaan."
"Oo pampalakas lang ng loob nya para mabilis gumaling."
Uno POV
Sus..post nang post kala mo naman gagaling agad yung lalaking yun. Nagpapaawa na lang yun kay Yuni eh! Hindi dapat mapunta si Yuni sa kania... Hindi Nya maaalagaan si Yuni!
Yuni POV
Hindi ko alam Kung mababadtrip ako o ano dahil nasusweetan si Uno sa post ko sa bf ko pero parang may halong pang-iinis. Feeling ko affected sya eh.. But then, Bakit feeling ko rin gusto kong affected nga sya.. Noooooo!!!!!!
(Chat)
"Uno, may Gf ka ba?"
"Ex na lang."
"Bakit kayo nagbreak?"
"Masyado syang bc eh.. Model Kasi sya."
"Ah..pareho pala kayo ng industriyang ginagalawan.ehe."
(Uno sent a photo)
"Ayan sya oh.."
"Wow.ang ganda naman nya.sayang naman."
"Ok lang yun, wala namang time sakin. Monthsary, anniversary.. Hindi na Nya nahahanapan ng oras."
Yuni POV
Ang ganda ng ex ni Uno..hay..feeling ko tuloy ang pangit pangit ko. Saka oo nga, bakit naman magkakagusto sakin ang isang artista?kung tutuusin ang dami nyang nakakasamang chix pero bakit Nya ko pinapansin? Di kaya trip nya lang ako?
Uno POV
Mukang nagiging interesado na sa akin si Yuni ah..
BINABASA MO ANG
The Poser, My Forever, My Destiny
De TodoThis is my first story/work here in wattpad. :) Nakasulat na ko ng maraming stories pero super short stories lng. Teacher ako sa High School and sariling gawa kong stories ang nilalagay ko sa exam nila sa Filipino. :) Yun ung lagi nilang inaabangan...